• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-31 21:20:50    
Limosina ng "Hongqi" o "Pulang Bandila"

CRI
Sa kanilang pagdalaw sa Tsina noong panahon ni Chairman Mao, ang mga dignitaryo ng iba't ibang bansa ay magroon daw ng tatlong hangarin: ang pakikipagtagpo kay Chairman Mao, ang pamamalagi sa Diaoyutai State Guesthouse, at ang pagsakay sa isang Red Flag limousine!

Sa loob ng halos dalawang dekada, ang Red Flag limousine ay nagsilbi nang isang simbolo ng pambansang karangalan. Itinuturing itong numero unong sasakyan sa Tsina noong 1960s at 1970s at ang mga lider ng pamahalaan at mga mataas na opisyal ng ibang bansa lamang ang nakakagamit.

Walang industrya ng paggawa ng kotse ang Tsina bago ang huling dako ng 1950s. Noong panahon ng unang sampung taon sapul nang maitatag ang bagong Tsina, sumasakay ang mga lider Tsino sa mga kotseng yari sa dating Soviet Union. Pero, noong pagtatapos ng 1950s, napagpasiyhang dapat gumawa ang Tsina ng sarili nitong kotse. Sa gayon, isinilang ang made in China na Red Flag para maisakatuparan ang maringal na tungkuling ito.

Noong una, may mga tanong hinggil sa kung dapat ipagkatiwala sa mga behikulong yari sa Tsina ang paghahatid ng mga VIPs. Ang isang paligsahan ay idinaos upang malaman ito. Isang araw, alas-seis ng umaga, inihanay sa Capital Airport ng Beijing ang 40 Red Flag at 40 kotseng yari sa Soviet Union. Papatakbo ang mga ito para sa isang 40 kilometrong karera patungo sa State Guesthouse na kilala bilang Diaoyutai.

Labis na ikinabalisa ang paligsahang ito ng mga manonood. Alam ng lahat na hindi ito lamang karera ng kotse, kundi isa ring paligsahan ng pambansang imahe. Ang kabiguan dito ay maaring salubunin ng panunuya at catcalls ng mga ostilong sector ng komunidad ng daigdig.

Ang resulta naman ay lubos na ikinasiya ng mga balisang balisang manonood at mga pawisang tsuper. Sa malakas na palakpakan, dumating sa destinasyon ang lahat ng 40 Red Flag nang walang kasaga-sagabal. Nasira ang isa sa mga Soviet vehicles. Ipinalabas kaagad ang isang opisyal na pahayag na umano'y mahahalinhan ang mga kotseng yari sa Soviet Union ng mga Red Flag ng Tsina.

Sa mga sumusunod na taon mula noon, nakitang ngumingiti si Chairman Mao kapag pumapasok siya sa kanyang Red Flag. At si Premyer Zhou Enlai naman ay napansin ring labis na pinupuri ito. Bago ang napabantog sa daigdig na pagbisita ni pangulong Nixon ng E.U. sa Tsina noong 1972, gumawa ang pamahalaang Amerikano ng isang pormal na kahilingang dapat sumakay ang pangulo sa kanyang espesyal na kotseng isasakay sa bapor papunta sa Tsina mula sa E.U.. Pero ang sagot ni Premyer Zhou Enlai ng Tsina, "Mayroon kaming Red Flags at sapat na mahusay ang mga ito para sa pangulo." Samakatwid, itinalaga ang 30 Red Flag limousines para kay pangulong Nixon at kanyang entorahe. Di inasahan ng mga taong ito na mula sa "kaharian ng kotse" na may ganoong kahusay na kotse ang Tsina.