• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-31 21:22:00    
Oktubre ika-23 hanggang ika-29

CRI

Dumating ng Beijing noong Lunes si punong ministro Lee Hsien Loong ng Singapore para pasimulan ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina sapul nang manungkulan siyang punong ministro. Dumalaw siya sa paanyaya ng kanyang counterpart ng Tsina na si Wen Jiabao. Nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinahayag niya na napakabuti ng kasalukuyang relasyon ng Tsina at Singapore, at napakalaki rin ng kanilang nakatagong lakas ng kooperasyon. Binigyan-diin niya na buong tatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina, at tinututol ang pagsasarili ng Taiwan.

Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing kay dumadalaw na ministrong panlabas Lee Hsien Loong ng Singapore, ipinahayag ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na nakahada ang kanyang bansa na, kasama ng panig Singaporean, pasulungin ang kanilang relasyong pangkaibigan na may mutuwal na kapakinabangan sa isang bagong antas sa ilalim ng pagkakataon ng ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Nang mabanggit ang kooperasyon sa rehiyon ng Silangang Asya, sinabi ni Hu na nakahanda ang Tsina, kasama ng mga bansang Asean, na palakasin ang pagpapalitan, pahigpitin ang pagkokoordinahan, at buong lakas na pasulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalang Sino-Asean at kooperasyon sa rehiyon ng Silangang Asya. Pinahahalagahan ng Tsina ang unang Summit ng Silangang Asya sa Disyembre ng taong ito, at nakahanda rin itong magpatingkad ng positibong papel sa ikatatagumpay ng naturang summit. Sinabi ni Lee na sa kasalukuyang kalagayang masiglang masigla ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at ibayo pang pinapalakas ang kooperasyong panrehiyon, ang pagpapalakas ng bilateral at multilateral na relasyong Sino-Singaporean ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng kapuwa panig, kundi makakabuti rin sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Nakipag-usap sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa kanyang dumadalaw na counterpart na Singaporean na si Lee Hsien Loong. Ipinahayag ni Wen na hinahangaan ng Tsina ang Singapore dahil positibo at obdiyektibong pinakikitunguhan nito ang pag-unlad ng Tsina at paulit-ulit na nagpapahayag ito ng pananangan sa patakarang isang Tsina. Sinabi din niyang dapat palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, pataasin ang antas ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at lalo pang palawakin ang pamumuhunan sa isa't isa para sa pagpapalalim ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Singapore. Ipinahayag ni Lee ang kaniyang pagtanggap sa mapayapang pag-unlad ng Tsina. Anya, nakahanda ang kaniyang panig na magsikap, kasama ng panig Tsino, para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa at mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa tungo sa walang-humpay na pagtatamo ng bagong progreso. Inulit din niyang nananangan ang Singapore sa patakarang isang Tsina at tinututulan ang pagsasarili ng Taiwan..

Kinatagpo kahapon sa Beijing sa magkahiwalay na okasyon si dumadalaw na Lee Hsien Loong, P.M. ng Singapore nina tagapangulo Wu Bangguo ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC at tagapangulong Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC ng Tsina. Sa kanilang pag-usap, ipinahayag ni Wu Bangguo na nakahanda ang Tsina na mag-aralan sila ng Singapore ng kanilang mga karanasan ng pag-unlad at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan para maisakatuparan ang komong kasaganaan. Ipinahayag naman ni Jia na may malawak na komong interes ang Tsina at Singapore, malaki ang potensiyal na pangkooperasyon at malawak ang prospek. Anya, hinahangaan ng Tsina ang Singapore sa kanilang pananangan sa patakarang isang Tsina at sa pagtutol sa pagsasarili ng Taiwan, at umasa siyang patuloy na kumakatig ang Singapore sa lahat ng pagsisikap ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo at sa pagsasakatuparan ng mapayapang unipikasyon ng bansa. Sinabi ni Lee Hsien Loong na may komong palagay ang dalawang bansa sa maraming isyu, at sa bagong kalagayan sa kasalukuyan, ang pagpapalalim ng bilateral na relasyon at kooperasyon ay angkop sa interes ng dalawang panig. Inulit din niyang matatag na nananangan ang kaniyang pamahalaan sa patakarang isang Tsina at tinututulan ang pagsasarili ng Taiwan.

Pinasimulan kahapon27 sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ng 30 opisyal mula sa Laos ang isang training class hinggil sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot at sa loob ng darating na isang buwan, pag-aaralan nila ang hinggil sa kalagayan ng droga, estratehiya sa pagbabawal sa droga, pagsusuri sa droga, mga regulasyon at batas hinggil sa pagbabawal sa droga at iba pa.

Napag-alamang nitong mahigit 3 taong nakalipas, nagkaloob ng ganitong training classes ang Pambansang Lupon sa Pagbabawal sa Droga ng Tsina sa tatlong pangkat ng 90 opisyal ng Laos. Masiglang tinanggap ang naturang training classes at pinahigpit ng mga ito ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng pagbabawal sa droga.