• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-11 22:05:44    
China-ASEAN Business and Investment Summit, tulay ng pamahalaan at sirkulong industriyal at komersyal

CRI
Sa panahon ng ika-2 China-ASEAN Expo o CAEXPO sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang, idinaos din dito ang ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit.

Ang China-ASEAN Business and Investment Summit ay pulong sa pinakamataas na antas ng sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at mga bansang ASEAN. Ang summit na ito, na may target ng pagpapasulong ng komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan at pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, ay nagkakaloob ng isang plataporma ng pagpapalitan ng impormasyon sa mga opisyal ng pamahalaan, mangangalakal at personahe ng sirkulong akademiko ng dalawang panig.

Noong isang taon, idinaos sa Nanning ang kauna-unahang China-ASEAN Business and Investment Summit na may temang "pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at paghahanap ng komong pag-unlad" at lumahok sa summit ang mga lider, nakatataas na opisyal, mangangalakal at personahe ng sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at mga bansang ASEAN. Kaugnay ng bunga ng summit, sinabi ni Sun Jianqiu, pangalawang pirmihang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng summit, na

"Ang matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang summit ay nagkaloob ng isang mabisang plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pamahalaan at mangangalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN, nagpahigpit ng relasyong pulitikal ng dalawang panig at nagpasulong ng estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN na humaharap sa kapayapaan at kasagaan."

Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang gawaing paghahanda ng ika-2 China-ASEAN Business and Investment Summit. Ipinahayag ng mga departmentong pangkabuhayan at pangkalakalan ng sampung bansang ASEAN ang kanilang pagkatig sa summit at magpapadala sila ng mga nakatataas na delegasyon sa pulong. Kaugnay ng tema ng kasalukuyang summit, inilahad ni Sun na,

"Ang tema ng kasalukuyang summit ay 'Tsina at mga bansang ASENA: pagbubukas at paggagalugad sa pamilihan'. Dalawa pang paksa ng summit na isa ay 'pamahalaan: lumikha ng espasyo para sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation' at ang isa pa ay 'mga bahay-kalakal at samahang komersyal: pagbabaha-bahagi ng pagbubukas at pagtutulungan sa paggagalugad'."

Lalahok sa gaganaping summit ang halos 10 libong personahe mula sa sirkulong komersyal ng Tsina at mga bansang ASEAN at tatalakay sila hinggil sa pagbubukas at paggagalugad sa pamilihan, kooperasyon ng samahang komersyal at bahay-kalakal sa loob ng malayang sonang pangkalakalan at mga iba pang isyu nilang pinahahalagahan. Bibigkas din ng talumpati sa summit ang mga lider at ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN para mailahad ang kanilang paninindigan sa pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon. Sinabi ni Sun na,

"Aanyayahan sa kasalukuyang summit ang tig-450 kinatawan mula sa loob at labas ng bansa. Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga lider, ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan, puno ng samahang komersyal, kinatawan ng bantog na bahay-kalakal, eksperto at iskolar ng Tsina at mga bansang ASEAN. Lalahok din sa summit ang mga opisyal ng sekretaryat ng ASEAN at kinatawan mula sa mga 'kaakit-akit na lunsod' ng mga bansang ASEAN sa CAEXPO."

Sa kasalukuyang suumit, ang mga kalahok ay hindi lamang makikinig sa talumpati ng mga lider ng sirkulong pulitikal at komersyal, kundi direkta ring makikidiyalogo at makikipagpalitan sa isa't isa para talakayin ang hinggil sa pagbubukas at paggagalugad sa pamilihan, malaman ang hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at hanapin ang pagpapaunlad ng kabuhayang panrehiyon.