• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-14 18:14:22    
Nobyembre ika-6 hanggang ika-12

CRI
Sa Phnom Penh, kapital ng Kombodia, kinatagpo noong Lunes ni haring Norodom Sihamoni ng Kombodia ang delegasyon ng ministring panlabas ng Tsina na pinamumunuan ni asistenteng ministrong panlabas Li Jinzhang. Sinabi ni Sihamoni na aktibong pasusulungin niya ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon para sa walang humpay na pag-unlad nito. Sinabi naman ni Li na pinasalamatan niya ang paninintigan ng royal family ng Kombodia na pananangan sa patakarang isang Tsina at ang pagkatig nila sa mapayapang unipikasyon ng Tsina. Pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapa-unlad ng komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Kombodia. Nauna rito, kinatagpo ni Hun Sen, ponong ministro ng Kombodia ang delegasyong Tsino. Sinibi niyang pumasok sa isang pinakamagandang panahaon ang relasyon ng dalawang bansa. At inulit niyang matatag na nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing noong Miyerkules kay Suchon Chaleekure, pangulo ng senado ng Thailand, ipinahayag ni Wu Bangguo, tagapangulo ng Pambansang Kongersong Bayan , NPC ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para mapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Wu na napapanatili ng NPC ng Tsina at pambansang asemblea ng Thailand ang pangkaibigang pagpapalitan at umasa siyang maipagpapatuloy ng dalawang bansa ang magandang tradisyon, lalo pang mapapalakas ang pag-uugnayang pangkaibigan sa iba't ibang antas, mapapalalim ang pagpapalitan ng karanasan sa lehislasyon at iba pa, at mapapahigpit ang koordinasyon sa mga parliamentary organization na panrehiyon at pandaigdig. Sinabi naman ni Suchon na lubos na pinahahalagahan ng royal family, pamahalaan at pambansang asemblea ng Thailand ang relasyon sa Tsina at nananangan sa patakarang isang Tsina. Umaasa ang senato ng Thailand na mapapalakas ang pakikipagpapalitan sa NPC ng Tsina sa iba't ibang antas at larangan at magbibigay ng bagong ambag sa pagpapasulong ng malalim na pag-unlad ng estratehikong kooperasyong ng Tsina at Thailand. Kinatagpo rin ni Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino(CPPCC) ang delegasyon ng mataas na kapulungan ng Thailand na pinamumunuan ni Suchon Chaleekure, at ipinahayag ng dalawang panig na dapat mapasulong ang walang tigil na pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Thailand. Pinasalamatan ni Jia Qinglin ang Thailand sa kanilang pananangan sa patakarang isang Tsina, at hinangaan niya ang pagkatig ng Thailand sa Tsina hinggil sa isyu ng Taiwan. Sinabi ni Suchon na mataas na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang relasyon sa Tsina, at nakahandang magsikap kasama ng Tsina para mapalakas ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan at sa mga pandaigdig at panrehiyong sulirangin.

Binuksan noong Huwebes sa Foshan, isang lunsod ng Lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ang isang-linggong ika-7 Asia Arts Festival. Mahigit 500 artista mula sa 20 bansang Asyano ay maghahandog, kasama ng mga artistang Tsino, ng kani-kanilang katutubong pagtatanghal. Ang tema ng kasalukuyang kapistahan ay "Ipokus ang Kultura at Lumikha ng Komong Kaluwalhatian." Nang araw ring iyon, binuksan din sa Foshan, isang lunsod ng Lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ang apat-na-araw na Porum ng mga Ministro ng Kultura ng Asya na may temang "cultural Asia". Kalahok sa porum ang mga opisyal na namamahala sa mga suliranin ng kultura at sining mula sa 23 bansang Asyano na kinabibilingan ng Pilipinas at Tsina. Nakatakdang talakayin nila ang hinggil sa kung papaanong mapapanatili at mapapatingkad ng mga bansang Asyano ang kani-kanilang katangian at bentaheng pangkultura sa ilalim ng globalisasyong pangkabuhayan at lumagda rin sila sa Foshan Declaration.