• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-17 14:09:16    
Mga tanging handicrafts na Tsino

CRI
Sa halos lahat ng bansa ay may makikita kayong ipinagbibiling handicraft products ng Tsina. At parami pa nang parami ang mga iniluluwas na ganyan ng Tsina taun-taon. Ang mga turista namang napapasiyal rito'y mga handicraft din ang karaniwang binibili. Sa gayo'y bale isang bahagi na rin ng Tsina ang kanilang iniuuwi.

Masasabing sintanda na rin ng kultura ng Tsina ang handicraft. Ang pinakamaaga na siguro diyan ay iyong mga colored pottery na gawa ng mga unang sibilisasyon sa may Yellow River, ikalawang pinakamahabang ilog sa Tsina, mga 5000 taon na ang nakaraan. Isa ring matandang-matanda nang craft ang pag-ukit sa bato at jade. May mga propesyonal nang jade carver mga 3000 taon na ang nakararaan noong panahon ng mga dinastiyang Shang at Zhou. Ang lacquer naman ay lumabas 2000 taon na ang nakalilipas bandang kapanahunan ni Confucius. Samantala, ang sutla naman o silk ay lumaganap mga 1500 taon na ang nakararaan, sa panahon ng dinastiyang Han at Tang. Daan-daang taon na rin ang porcelain ng Song Dynasty at ang cloissone ng Ming at Tang. Anupa't pagkarami-raming bagay ang maibibilang sa handicraft ng Tsina. Andiyan na ang embroidery. Ang pottery at porcelain. Carvings at sculpture. Mga nilala o woven na yantok, willow, straw, balat ng mais at tubo. At saka mga lacquer ware, carpet, muwebles, theatrical costume, at pati na firework at rebentador. Kilala ang Beijing sa jade carving at cloissone. Ang Tianjin, sa carpet at clay figurine. Ang Jindezhen sa porcelain. At ang Fujian sa lacquer. Kung mga pagbuburda nama'y Jiangsu ang namumukod-tangi.

May isang produkto ng handicraft na kawili-wiling banggitin dito. Isa itong pabilog na ivory carving, 14.6 centimeters ang diameter o sinlaki halos ng bola ng bowling na duckpin. Sa bolang ivory na ito ay may nakaukit na larawan ng mga diwatang lumilipad sa ulap. Pero sa ibabaw lamang iyon, mapapansin ninyong may isa pang bola sa loob niyon na maaaring paikutin, may pinong disenyo rin iyon. Galawin ninyo iyon at may isa na namang bolang makikita sa loob. At isa pa, sa kabuuan, mayroon itong limampung intricatetly carved ivory balls. Bawat isa'y malayang nakakaikut-ikot sa loob ng isa pa gayong sa iisang piraso lang ng ivory inukit. Hindi naman iyon biniyak sa gitna para mapasukan ng mas maliit na bola. Matiyaga lamang talagang inukit. Dati-rati, mga sampung layer lamang ng ganyang mga bola ay kahanga-hanga nang masasabi. Ang 50-layer ball na ito ay ginawa ng Zhaoqing Ivory Carving Factory. Nangangalagan ito ng 260 working days bago matapos.

Magaganda rin ang embroidery sa Tsina. Halimbawa na ang kabilaang burda. Maari itong magkaparehong dibuho, kulay at stitches sa magkabilang mukha ng tela o kay'y magkabilang dibuho sa magkabilang mukha. Mga tagaburda ng Suzhou ang magagaling dito. Mamahalin ang ginagawa nilang kabilaang disenyo ng pusa halimbawa na kung titingnan mo ay buhay na buhay. Pero ngayo'y may iba pa silang nakawilihang gawin. Sa isang mukha ng tela'y makikita ninyo ang burda ng putting putting pusa na may napakaalambot na mahahabang balahibo. Fine stitching ang ginamit doon. Sa kabilang mukha ng burda ring iyon ang makikita naman ay kulay kapeng tuta na may makapal na balahibo. Bold stitches naman ang ginamit doon. Makikita sa disenyo, magyari pa ang pinakabagong inobasyon sa disenyo, stitching at paggamit ng sinulid. Ang mata nga lamang ng pusa sa disenyo ay ginamitan na ng dalawampung klase ng pagkaninipis na colored thread. Mga one thirtienth lamang iyon ng kapal ng ordinaryong sinulid.

Maraming pinapaksa ang Chinese arts and crafts. Kontemporaryo at historical. Gyunma'y landscape, mga ibon at bulaklak, isda at mga hayop ang pinakapalasak.