• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-18 10:36:14    
China-Asean International Biz Region, sa ilalim ng konstruksyon

CRI
Makikita sa Nanning na tinaguriang "luntiang lunsod" ang mahahalimuyak na bulaklak at mayayabong na punong kahoy sa buong taon. Matatagpuan ang isang 3-kilometro-kuwadradong lugar sa paanan ng Qingxiu Mountain, kaakit-akit na lugar na panturista ng Nanning at ito ay ang China-Asean International Business Region na nasa ilalim ng konstruksyon.

Isinalaysay ni Zhu Mo, Direktor ng Tanggapan ng Konstruksyon sa business region, na lumampas sa 300 milyong Yuan RMB o mahigit 37 milyong dolayres ang laang-gugulin para rito. Nagsimula ang unang yugto ng proyekto noong nagdaang Abril at makukumpleto ito bago magtapos ang kasalukuyang taon. Kaugnay nito, sinabi ni Direktor Zhu na:

"Ang business region ay nagtatampok sa 3 bahagi na kinabibilangan ng business center, liaison department park ng mga bansang Asean at entertainment park. Mayroon din itong mga kinakailangang pasilidad na tulad ng purok-panirahan, otel at paaralan."

Isinalaysay rin ni Zhu na sa business center, pinaplanong itayo ang konsulado ng 20 bansa at hanggang sa kasalukuyan, naitakda na ng Malaysiya, Biyetnam at Timog Korea ang lokasyon ng kanilang konsulado. Sa liaison department park naman, matatagpuan ang mga sub-park ng 10 bansang Asean, Hapon, Timog Korea at dalawang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina na kinabibilangan ng Hongkong at Macao. Ayon sa plano, 4 na hektarya ang magiging saklaw ng bawat sub-park.

Bakit ang Nanning ang napiling China-Asean International Business Region? Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Li Jinzao, Pangalawang Gobernador ng Guangxi, na:

"Nagsasalubong sa Guangxi ang dakong hilaga at dakong kanluran ng Tsina at ito rin ang isa sa mga lalawigan ng Tsina na kahangga ng mga bansang Asean. Kahit kapuwa kahangga ng mga bansang Asean ang Guangxi at Yunnan, ang Guangxi ang siyang tanging lalawigan ng Tsina na nakaugnay sa mga bansang Asean sa pamamagitan ng daan-bakal, lansangan, ilog at dagat."

Sa kahabaan ng hanggahan ng Tsina't Biyetnam, 12 puwerto ang matatagpuan sa Guangxi. May 10 lansangan din ang Guangxi na kaugnay ng Biyetnam. Nakaugnay rin ang Guangxi sa mga kahanggang bansang Asean sa pamamagitan ng Pan-Asia Railway. May direktang linya ng abyasyon din ang Guangxi patungo sa Hanoi, Bangkok at Kuala Lumpur. Ipinakikita nitong naitatag na sa Guangxi ang pinakakombinyenteng transportation network sa lupa, sa dagat at sa himpapawid na kaugnay ng mga bansang Asean. Lalung lalo na nitong dalawang taong nakaraan, kasabay ng pagpapabilis ng pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area at pagdaraos sa Nanning ng taunang CAEXPO, ibayong napapatingkad ang papel ng Guangxi.

Sa malapit na hinaharap, makikitang itayo ang China-Asean International Business Region sa dakong silangan ng Nanning kung saan hindi lamang maaaring magpatakbo ng negosyo ang mga panauhin mula sa iba't ibang bansa, maaari rin silang magsagawa ng pagpapalitang pangkultura. Ang China-Asean International Business Region ay inaasahang ibayo pang magpapasulong, kasama ng taunang CAEXPO, ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina't Asean.