• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-21 15:14:26    
Nobyembre ika-13 hanggang ika-19

CRI
Nilagdaan noong Lunes ng Beijing, kabisera ng Tsina at Maynila, kabisera ng Pilipinas ang kasunduan hinggil sa pagkakatatag ng relasyong pangkaibigan. Ayon sa kasunduan, pahihigpitin ng dalawang lunsod ang iba't ibang porma ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng kabuhayan, kultura, edukasyon, konstruksyon ng lunsod, palakasan, sanitasyon at iba pa para mapasulong ang komong kasaganaan. Sa seremonya ng paglalagda na idinaos sa Maynila, sinabi ni Wang Qishan, alkalde ng Beijing, na marami ang pagkakapareho ng dalawang lunsod na kapwa sila aktibong nagsasagawa ng konstruksyong pangkabuhayan at panlipunan at kapwa nagtamo rin ng kapansin-pansing progreso. Samantala, kinakaharap din ng dalawang lunsod ang ilang makaparehong isyu, kaya kailangang matuto sila sa isa't isa at pahigpitin ang pagpapalagayan at pagpapalitan ng tauhan. Anya, sa kasalukuyan, binuksan na ang direct flight ng dalawang lunsod nang sa gayo'y hihigpit pa ang kanilang pagpapalagayan. Sinabi naman ni Lito Atienza, alkalde ng Maynila, na sa kanyang pagdalaw sa Beijing noong dalawang taong nakaraan, malalim ang kanyang naiwang impresyon sa konstruksyon at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Beijing, kaya sa kasalukuyan, itinuturing ng kanyang lunsod ang Beijing bilang modelo sa konstruksyong panlunsod. Sinabi rin niya na ang pagkakatatag ng dalawang lunsod ng relasyong pangkaibigan ay ibayo pang magpapahigpit ng kanilang pagpapalagayan at magpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang lunsod.

Nagdaos ng aktibidad noong Sabado sa Batangas, Pilipinas ng mga oil companies ng Tsina, Pilipinas at Vietnam bilang pagdiriwang sa pagtapos nila ng seismic research sa may kasunduang lugar sa South China Sea. Nilagdaan noong Marso ng taong ito sa Maynila ng tatlong kompanya ng langis ng Tsina, Pilipinas at Vietnam ang kasunduan hinggil sa joint marine seismic research ng tatlong panig sa agreement area sa South China Sea at sa pamamagitan ng kooperasyong ito, ipapatupad ng tatlong panig ang pangako ng kani-kanilang pamahalaan na gawing rehiyon ng kapayapaan, katatagan, kooperasyon at kaunlaran ang South China Sea. Batay sa kasunduang ito, sa loob ng itinakdang tatlong taon ng kasunduan, magtutulungan ang China National Offshore Oil Corporation, Philippine National Oil Company at Vietnam Oil and Gas Corporation para mangolekta ng mga data sa naturang rehiyon at analisahin ang mga ito. Ipinahayag ni Wu Hongbo, embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang paglalagda ng kasuduang ito ay palatantaan ng isang bagong breakthrough ng iba't ibang panig sa pagsasagawa ng mungkahi ni Deng Xiaoping, yumaong lider na Tsino, hinggil sa pagsasa-isang-tabi ng pagkakaiba at pagsasagawa ng komong paggagalugad sa South China Sea at ito ay makakabuti sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon at paglutas sa isyu ng South China Sea.

Sa Rangoon. Kinatagpo dito noong Miyerkules ni Than Shwe, tagapangulo ng lupon sa kapayapaan at kaunlaran ng estado ng Myanmar si Wang Zhaoguo, dumadalaw na pangalawang tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC. Sinabi ni Wang na nitong 55 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, lagi nang nananatiling maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Myanmar. Walang humpay na lumalawak ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, kultura at iba pa. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang paninindigan ng Myanmar na paggigiit sa patakarang isang Tsina sa mahabang panahon at tumututol sa "pagsasarili ng Taiwan". Sinabi naman ni Than Shwe na lubos na pinapupurihan ng kanyang bansa ang kasalukuyang relasyon nila ng Tsina. Binigyang-diin niyang patuloy na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina at tututulan ang "pagsasarili ng Taiwan".