• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-01 14:14:00    
High-class trains ng Tsina, mga mobile hotel

CRI
Nakapunta ba kayo sa Tsina? Nakasakay ba kayo sa mga tren ng Tsina? Noong ika-18 ng Abril ng 2004, ika-5 ulit na pinag-ibayo ng Tsina ang bilis ng mga tren nito. Ang speed/hour ng pinakamabilis na tren na tumatakbo sa trunk line na gaya ng Beijing-Shanghai, Beijing-Guangzhou, Beijing-Harbin at mga iba pa ay umabot sa 160 kilometro. Ang nakalulugod sa karaniwang mamamayan ay di pagtaas ng presyo ng mga tiket ng mga tren kahit pinag-ibayo ang bilis ng mga tren singit. Inaanyayahan ko kayong sumakay sa tren na nagmumula ng Guilin patungong Beijing na kilala bilang high-class train upang malaman ninyo hinggil sa tinatawag na mobil hotel.

Noong ika-8 ng Abril ng gabi, ang tutumi ng tawanan sa Southern Railway Station ng Guilin. Sa pintuan ng tren, sinalubong ng mga babeng attendant na nakasuot ng sky blue uniforms ang bawat pasahero, nakangiting tsini-tsek ang kanilang mga tiket at inaalalayang ang mga pasahero na may dala-dalahan. Ang mga pasarehong sakay sa K22 train tungo sa Beijing ay naging maayos sa pagsakay sa tren na ito. Ako sy sumama rin sa mga pasahero sa pagsakay sa "sleeper" para maranaian ko mismo ang mga bagay na may kanalaman sa sleeper.

Alam ba ninyo na sa pagsakay sa mga tren at eroplano dito sa Tsina, ang pinahihintulutan lamang na bigat ng dala-dalahan ay 20 kilo lamang. Bawal magdala ang mga dangerous goods na gaya ng pulbura, gasolina at di maaaring magdala ng mga pet na gaya ng puso at aso.

Sinabi sa ako ni Ma Zhisong, puno ng tripulante ng tren na ito na upang makadama ang mga pasahero na parang pagbalik sa mga pamiliya nila mismo, ang Liuzhou Railway Bureau ay muling nagtakda ng mga posisyon ng idea tagapaglingkod upang lubusang ipakita ang idea na dapat isaalang-alang muna ang pangangailangan ng mga tao at buong husay na paglingkuran ang mga mamamayan. Sinabi niya,

"Ang aming islogan ay dapat magsilbing parang star hotel at dapat pataasin ang kalidad ng mga tagapaglingkod para sa mahusay na serbisyo sa mga pasahero. Pinili namin ang isang pangkat ng mga kabataang working personnel na may mga tinapos at mataas na kalidad upang maglingkod sa mga pasahero. Lahat sila ay sumailalim sa pagsasanay. Ang lahat ng mga gamit sa tren ay ginawa nang alinsunod sa standard ng high-class hotel. Inanyahan namin ang mga planta na gumawa ng mga gamit sa mga hotel na pumarito sa tren. Ang mga uniporma ng mga tagapaglingkod ay sadyang niyari para dito. Bukod dito, binago din namin ang saradong management form sa nakaraan, pinapasok ang mekanismong kompetetibo, at nagsisikap kami upang ang tren ay maging 'tourist hotel' at 'mobil hotel'."

Gutom na ako. Saan ako kakain ng hapunan? Sinabi sa akin ni Ma Zhisong, puno ng tripulante ng tren, "Kakain tayo ng hapunan sa dining car." Pagpunta namin sa dining car, dinala kaagad ng waitress ang menu at isang tasang tubig. Kinuha ni Ma Zhisong ang menu at sinabi ng waitress, "anong order ninyo?" Paulit-ulit na isinalaysay ni Ma Zhisong,

"Ang mga marka ng aming mga food ang drinks ay pawang mula sa Guilin. Halimbawa, isda ng Ilog Lijiang, sugpo ng Ilog Lijiang, braised chicken, at iba pa. Tingnan mo ang aming menu ay kay ganda parang menu sa isang Hotel."