Naninirahan sa palumpong ng lalawigang Yunnan sa katimugan ng Tsina ang mga mababangis na elepanteng Asyano na siyang kakaisang uri sa Tsina. Noong huling dako ng taong 2003, ang pambansang kawanihan ng panggugubat ng Tsina ay nagbunsod ng isang kilusan ng pagmamanihala sa mga mababangis na elepantgeng Asyano ng Yunnan. Sumasaklaw ito ng mga purok ng autonomo ng Prepekturang Dai at mga prepekturang Licang at Simao ng Xishuangbanna. Hanggang sa kasanglukuyan, ito ang pinakamalaking kilisan ng pagprotekta sa mga pinakamalaking mabangis na elepante ng Tsina namagtatagal ng apat na taon.
Ang mga elepanteng Asyanong 3.2 metro ang taas at mahigit 5 toneleda ang bigat ang siyang pinakamalaking hayop sa Asya. Naninirahan ng mga ito, pangunahin na, sa Xishuangbanna sa Yunnan at ilang purok sa Timog Asya. Nakatala ito bilang nagsasapanganib na uri na protektado ng estado. Sa kasalukuyan, mga 30,000 elepanteng Asyano na lamang ang natitira sa mundo karamihan sa mga ito`y inaalagaan pagkabihag. Humigit kumulang sa 270 elepanteng Asyano ang matatagpuan sa Tsina di magtatagal ay maglalaho ang mga iyon kung hindi magpapairal mga epektibong paraan para mailigtas sila.
Mahilig tumira nangpulu-pulutong ang mga elepanteng Asyano, ang mga babaeng elepante ang nagsisilbing pinakapuno ng pulutong na siyang nagpapasiya kung kailan, saan, at ano ang dapat gawin ng mga elepante. Samantalang ang mga lalaking elepante naman ang namamahala sa kaligtasan. Sa pangkalahatang sabi, malakas kumain ang mga elepanteng Asyano, mga 100 kilong sariwang pagkain ang nalalamon nito bawat araw. Gumugugol sila ng 18 hanggang 20 oras sa isang araw sa paghahanap ng pagkain. Mas gusto nila ang mga lugar na may kaunting aktibidad ng tao, gusto nila ang mainit at basang kagubatan at latian. Hindi nila kailangang pabagu-baguhin ang kanilang ekolohikal na kapaligiran.
Sabi ni Propesor Yang Yuming ng Southwestern Forestry Institute sa isang komperensiya ng pagpapahalaga sa pangkalahatang plano ng pangangalaga na ang biyolohikal na kayamanan sa likas na reserbadong lugar na ito ay mahusay na napangangalagaan at tiyak iyong mapalalawak salamat sa pangangalaga at pamamahala, nitong ilang taong nagdaan Ipinakikita ng pagsisiyasat kamakailan na naragdagan ng 3.98% ang lawak ng kagubatan sa Xishuangbanna, nag-ibayo ang biyolohikal na kayamanan. Samantalang dumadami ang mga pangunahing malaking pulutong ng mga mababangis na hayop. Nitong nakalipas na ilangtaon natuklasan ng mga konserbasyonista o tagapangalaga na may mga pulu-pulutong na mababangis na elepante na pumasok sa Tsina mula sa mga kapitbansang tulad ng Myanmar. Ang pagdami ng mga elepante, sa gayon, ay nagkaproblema naman, halimbawa, lumulusob sila sa mga nayon at pumipinsala sa mga panamin. Sumasalakay sa at pumapatay ng mga tao ang mga mababangis na elepante.
Pinagmamatiyagan ngayon ang mga mababangis na elepante sa pamamagitan ng pinakamahusay na elektroniko at biyolohikal na paraan para magkaroon ng pinakamahusay nakapaligiran para sa kanila. Magtatayo ng mga First-aid center o sentro ng pangunahing lunas para sa mga mababangis na elepante, bilang karagdagan sa pinanggalingan ng pagkain ng mga elepante, artipisyal na pataniman ng saging, kawayan, tubo at mais pati damuhan. Higit sa lahat, nais ng mga siyentipiko na ilawan ang ugali ng pamumuhay ng mga mababangis na elepanteng Asyano at lutasin ang mga problemang pumapagitan sa kanila at ng kanilang kapit-bahay na tao na dulot ng kakulangan ng espasyo para sa magkabilang panig.
|