• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-09 14:47:03    
Mausoleo ng unang emperador ng Qin, Tsina (1987)

CRI
Ang Mausoleo ng Unang Emerador ng Qin ay nakaluklok sa hilagang burol ng Bundok Lishan sa purok ng Lintong, mga 35 kolometro ang layo sa silangan ng lunsod Xi'an ng lalawigang Shaanxi. Ang pagkakatuklas ng Mausolng ito at mga luwad ng pigura ng mga mandirigma at kabayo ay "ika-8 kababalaghan ng daigdig", at kabilang ito sa "mga dakilang tuklas sa kasaysayan ng archaeology sa ika-20 siglo". Ang kahusayan ng paglilok at pagyari ng luwad na pigura ng Qin ay mahalagang yaman sa kasaysayan ng paglilok ng Tsina at ng daigdig. Nagpapakita ito ng maringal na sinaunang kalinangan ng nasyong Tsino.

Noong taong 221 B.C., pagkaraang ng 10 taong digmaan ng pagsasanib ng mga estado, nalupig ni Qinshihuang, uang emperador ng Qin (259 B.C.-210 B.C.) ang ilang malalaki't maliliit na bansang nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, at itinayo ang kauna-unahang unipikadong piyudal na imperyal na may sentralisadong kapangyarihan at may pinakamalawak na teritoryo at maraming nasyonalidad sa kasaysayan ng Tsina. Nang magtagumpay siya sa pagdodomina, binalewala niya ang lahat, at ipinagyabang ang sarili bilang unang emperador. Di naglaon, nagpagawa siya ng libingan para sa sarili. Pagkaraan ng 38 taong pagtatayo ng konstruksyon na sinimulan noong 246 B.C. at natapos noong 208 B.C., naitayo na ang kauna-unahang mausoleo ng emperador sa kasaysayan ng Tsina. Nangunguna ito sa lahat ng libingan ng nangakaraang emperador maging sa saklaw at dami ng mga bagay na inilibing, kasama ng namatay. Pinakamalaki itong libingan ng emperador. Ayon sa talang pangkasaysayan, umabot ng 700 libong manggagawa at artisano ang kinalap ni Qinshihuang upang ipatayo ang mausoleo ito. Kasabay nito, ang Mausoleo ng Unang Emperador ng Qin ay nagpasimula sa sistema ng pagtatayo ng mga imperyal na libingan noong uanang panahon. Bago ang dinastiyang Qin, hindi ginaganap sa libingan ang pagbibigay galang sa mga namatay na emperador. Ipinatayo ni Qinshihuang sa libingan sa kauna-unahang pagkakataon ang bulwagan ng pananahimik bilang lugar ng pagbibigay galang sa mga ninuno. Ang ganitong sistema ng pagtatayo ng libingan ay nagkaroon ng malalim na impluwensiya sa mga sumunod na henerasyon, at tinularan ng mga kasunod na emperador, hanggang noong nga Dinastiya ng Ming at Qing. Isa rin itong pag-unlad ng kultura ng paglilibing noong sinaunang panahon ng Tsina.

Ang Mausoleum ng Unang Emperador ng Jin na napapagitanan ng bundok sa likiraw at ng ilog sa harapan ay isang mahalagang lugar ng geomantic omen o pangitain. Nahahati sa dalawang bahagi ang purok ng mausoleum, ang sementeryo at ang dagdag na libingan. Naghalo na ang konstruksyon sa ibabaw ng lupa. Sumasaklaw ng mga 8 kilometro kuwadradong lupain ang laki ng mausoleum, may dobleng pader; ang pader panlabas at pader panloob. Ang itinabong lupa ay hugis kuwadrado na paliit sa itaas. 115 metro ay dating taas ng itinabong lupa at 2167 metro ang haba ng paligid sa bandang ilalim. Halos hugis kuwadrado ang pundasyong parang balisungsong. Patag ang itaas, hugis trapezoid ang gitnang bahagi. Pagkaraan ng mahigit 2000 taong pag-agnas at pagsabotahe ng hangin at ulan, sa ngayo'y nananatili pa ang libingang ang taas at 345 metro ang haba mula silangan pakanluran at 350 metro ang haba mula timog pahilaga, na sumasaklaw ng 120.75 libng metro kuwadrado ng lupain, pati ang maraming labing konstruksyon sa ibabaw ng lupa at mga bagay na isinama sa libing. Ayon sa aklat na "Talagang Pangkasaysayan"; malalim ang libingan na hinukay hanggang sa matubig na suson. Pinatibay ang bandang itaas para lagyan ng kabaong. Ang dingding ng libingan ay may mga dibuho ng araw, buwan, bituin, mga dundok at ilog. Sa loob ng libingan, ay may bulwagan at lugar ng pamarisan ng mga mataas na opisyal. Napupunan ng mga mamahaling iba't ibang klase ng hiyas. Ang daanan sa loob ng libingan binuhusan ng kaunting mercury kaya parang ilog. Laging nakasindi ang ilawang gumamit ng mantika ng isang kalse ng hayop sa karagatan. Sa mga mahahalagang lugar ay may mga tagong kagamitang pangmanman at pana, para hadlangan sa lahat ng sandali ang pagpasok ng mga magnanakaw. Nakalagay sa sentro ng palasyong libingan sa ilalim ng lupa ang kabaong ni Qinshihuang o Unang Emperador ng Qin.

May mahigit 400 dagdag na hukay at libingan sa paligid ng mausoleum, na sumasaklaw ng 56.25 lilometro kuwadradong lupain. Kabilang sa mga pangunahing hukay ng dagdag na libingan ang mga hukay na kinalalagyan ng mga tansong karwahe, kabayo, pambihirang ibon at hayop at kulungan ng mga kabayo at hukay na kinalalagyan ng mga luwad na pigura ng sundalo at kabayo. Mahigit 50 libong relikayang pangkasaysayan ang nahukay nitong ilang taong nagdaan.

Noong 1974, sa nayong xi yangchun, ng baying Anzhai sa munisipalidad Lintong ng lalawigang Shenxi, nang maghukau ng balon ang isang taganayon sa lugar na 1.5 kilometro ang layo mula sa Mausoleum ni Qinshihuang, sa si akalain ay may natuklasang maraming durog-durog na luwad na rauhan. Ayon sa paggagalugad at pagsusuri ng mga archaeologist o arkeyolohista, isa itong hugis pahabang hukay na kinalalagyan ng mga luwad na pigura ng sundalo at kabayo ng Dinastiyang Qin. Noong 1976, sa paghuhukay at paggagalugad ay nakatuklas pa ng dalawang ganoong hukay sa lugar na 20 at 25 kilometro ang layo sa gawing hilaga ng hukay na iyon. Pawang nakaharap sa silangan ang tatlong hukay na iyon na naging trayangguloang pagkakaayos. Ayong sa petsa ng pagkakatuklas, tinawag ang tatlong hukay, na hukay no. 1 no.2 at no. 3. umaabot ng 22,780 metro kuwadrado ang kabuuang laki ng 3 hukay.

Hugis pahaba ang malaking hukay No. 1, 230 metro ang haba mula silangang hanggang kanluran, 62 metro ang lapad, 5 metro ang lalim, at 14,260 metro kuwadrado ang kabuuang laki. Parang tunnel ang estruktura nito na may tig-5 dahilig na pintuan sa magkabilang dulo sa silangan at kanluran. Sa loob ng tunel ay may 10 hiwa-hiwalay na lupang dingding na 2.5 metro ang lapad. May malaking barakilan sa itaas ng mga dingding, na nilatagan ng banig, pinong bahangin at tinabunan ng lupa. Nilatagan ng berdong tisa ang ibabang bahagi. Ang mga luwad na pigara ng sundalo at kabayo sa hukay No. 1 ay nakahanay gaya ng sa aktual na labanan. May mahabang pasilyo sa dulong silangan ng tumel, nakaharap sa silangan ang mga luwad na pigura ng sundalong nakauniporni na nakatayo sa tatlong hunay, bawat hanay ay may 70 luwad na pigura ng tao,kaya umaabot ng 210 lahat, may hawak busog at pana ang bawat isa. Pangunang hanay ng hukbo sila sa Hukay No. 1. sa dakong timog ng pasilyo ay may isang hanay ng mga luwad na pigura ng mandirigmang nakaharap sa hilaga na tinatawag na agapay sa kaliwa. Samantalang sa dakong kanluran ay may isang hanay ng mga luwad na pigura ng mandirigmang nakaharap sa kanluran na tinatawag na tanod dda likusan. May hawak sila ng mga busog at pana at iba pang pangmalayuang panudla, na nagsasabalikat ng tungkuling magbigay ng babala sa buong hukbo. May llyungib na daanan sa 10 magkahiwalay na dingding, mayroon dooong 38 ruta ng columna ng hukbo na nakaharap sa silangan, sa pagitan ng bawat ruta ay may nakahanay na karwaheng pandigma na hinihila ng 4 na kabayo. Nakabaluti ang lahat ng luwad na pigura ng mandirigma, na may hawak na mahabang sandata. Pangunahing puwersa ang mga ito sa hukay No. 1. May 27 lugar na pangmanman sa hukay No. 1. Kung kukuwentahin alinsunod sa kasinsinan ng pagkakaayos ng mga luwad na pigura sa bawat lugar na pangmanman, malamang na makakahukay ng mahigit 6000 luwad na pigura ng mandirigma at kabayo, na karamihan ay mga impanterya.

Ang hukay No. 2 ay nasa lugar na mga 20 metro ang layo sa hilaga ng dulong silangan ng Hukay No. 1. Binubuo ito ng 4 na magkaibang serbisyo ng pagsasandata sa loob ng 4 na yunit, na 6000 metro kuwadrado ang laki. Tiantayang makakahukay doon ng mahigit 1000 luwad na pigura at mahigit 500 luwad na pigura ng sundalo at kabayo. Ang unang yunit ay binubuo ng 334 luwad na pigura ng sundalong may hawak ng busog. Ang ika-2 yunit ay nasa timog na hati, na kinararaunan ng una hanggang ika-8 yungib na daanan na binubuo ng 64 karwaheng pandigma na hinihila ng 4 na kabayo. Bawat karwahe ay may tig-3 luwad na pigura ng sundalo. Ang ika-3 yunit ay nasa gitnang bahagi ng hukay ng mga luwad na pigura, na kinararaunan ng ika-9 hanggang ika-11 daanang yungib, na binubuo ng 19 na karwaheng pandigma at mahigit 100 pigura ng mandirigmang kaagapay ng mga karwahe. Ang ika-4 na yunit ay nasa hilagang ika-14 na daanang yungib. Binubuo ito ng 6 na karwaheng pandigma at may tig-24 pigura ng kabayo at kalbaryo. Makaugnay ang apat nay unit na bumubuo ng isang malaking pormasyong panghukbo at nahahati sa 4 na nagsasariling maliit na pormasyon ng hukbo. Puwede itong sumalakay o magtanod. May malakas itong puwersang pananggol sa sarili, at maliksi sa labanan. Tatlo sa 4 na yunit sa hukay No. 2 ay may mga karwahe at mandirigma. Ang mga karawaheng pandigma ay bumubuo ng mahigit kalahati sa saklaw ng pormasyong lilitar.

Pinatutunayan nitong ang mga karwaheng pandigma at mga sundalo ang siya pa ring pangunahing puwersa sa pakikidigma noong Dinastiyang Qin. Naagnas na dahil sa katagalan ng panahon ang mga kahoy na karwaheng pandigma, pero nag-iwan ng malinaw na bakas sa lupa ang mga baras at gulong ng karwahe at nananatili pa ang mga kagamitang tanso sa karwahe.

Ang hukay No. 3 ay nasa dakong kanluran ng hukay No.2 at sa lugar na 25 metro ang layo sa hilaga ng hukay No. 1. Palubak ang lupa, may 520 metro kuwadrado ang laki, mayroon lamang 4 na kabayo, isang karwahe at 68 luwad na pigura. Sa dakong silangan nito'y may isang dahilig na daanang 11.2 metro ang haba at 3.7 metro ang lapad, katapat ng daanan ay isang kulungan ng kabayo at karwahe at sa magkabilang tabi nito'y may tig-isang bahay-tagiliran, alalaon baga'y ang timog na bahay tagiliran at hilagang bahay-tagiliran. Nakahukay dito ng 64 na luwad na pigura. Kakaiba sa unang dalawang hukay ang pagkakaayos ng mga luwad na pigura sa hukay No. 3. Sa unang 2 hukay may mga busog at panang nakakaabot ng malayong agwat, at may mga sandatang pangmalapitang agwat gaya ng sibat, balaraw, palakol at espada. Samantalang isa lamang klase ng tansong sandatang walang talim ang natuklasan sa hukay No. 3, iyo'y sandatang sadyang ginagamit ng mga tanod pandangal noong Dinastiya ng Qin. Sa hilagang bahay-tagiliran ay nakatuklas pa ng isang sungay ng usa at isang bunton ng inagnas na buto ng hayop. Malamang na ito'y lugar ng pagtantiya at panalangin bago simulan ang labanan. Kung titingnan ang buong pagkakaayos ng hukay No. 3 , malamang na itoy punong-himpilan ng buong hukbo sa ilalim ng lupa.

Pinakamaagang sumulpot sa Tsina ang luwad na pigura noong panahon ng mga Nagdidigmaang Estado. Pero medyo maliit, ginawa nang madaliam at magaspang ang pagkakayari ng mga luwad na pigura sa panahong iyon. Samantalang ang mga luwad na pigura ng mga sundalo't kabayo ng dinastiyang Qin ay malaki, mahusay ang pagkakayari at tumpak-na ito'y nakahukay na ng 800 luwad na pigura ng mga mandirigma, 18 kahoy na karwaheng pandigma at mahigit 100 luwad na pigura ng kabayo. Sa pagtatantiya alinsunod sa pagkakaayos ng mga luwad na pigura ng mga mandirigma at kabayo, malamang na sa tatlong hukay na iyon ay mayroon 7000 luwad ng pigura ng mandirigma, 100 karwaheng pandigma at mahigit 100 kabayo.

Ang gayon kalaking pormasyon ng hukbo ay minyatura ng pagkakaayos ng hukbo ng estado ng Qin. Talagang dapat ipagbunyi iyong karurukang walang maipipintas. Mula dito'y maaaring 2000 tan na ang nakalipas na gumapi sa 6 na estado, nag-ubuklod sa buong bansa at nag-alis sa lahat ng balakid. Higit na dapat ipagbunyi na ang nahukay na mahigit 6000 luwad na pigura ng mga mandirigma ay kasinlaki ng tunay na tao, iba-iba ang anyo, tunay na yunay ang pagpapahayag ng damdamin at magkaiba ang mga mukha. Talagang kahanga-hanga ang pagkakayari. Nagpapakita rin iyon ng napakahusay na kadalubhasaan ng paglilok sa panahon ng Qin.

Noong desyembre ng 1980, nakahukay ng dalawang bronseng karwahe sa lugar na 20 metro ang layo mula sa kanlurang tagilid ng Mausileum ng Unang Emperador ng Qin. Guminbal at tumawag ito ng pansin sa buong daigdig. Alinsunod sa pagkakasunod-sunod ng pagkakatuklas, ginawang no. 1 at no. 2 ang dalawang bronseng karwahe. Noon ay nakabaon ang mga iyon sa hukay na may 7 metro ang lalim at nakalagay sa isang kahoy na ataul. Nang hukayin iyon, agnas na ang ataul at gumubo ang lupa kaya sirang-sira na ang dalawang bronseng karwahe. Ang no. 2 na bronseng karwahe ay durong-durong at naging 1555 piraso. Pagkaraan ng dalawa't kalahating taong maingat t masigasik na pagpapanumbalik ng mga archaeologist at mga dalubhasa, pormal na itinanghal noong Oktubre uno, 1983, ang bronseng karwahe no.2 gayon din ang karwaheng No. 1 noong 1988.

May tig-isa lamang baras ang dalawang karwaheng ito na hinihila ng 4 na kabayo, dalawa sa unahan at 2 sa hulihan. Tinatawag na "mataas na karwahe" noong unang panahon ang nasa unahang karwaheng no. 1. Samandalang tinatawag na "matiwasay na karwahe" ang karwaheng no. 2. May 2 silid ang karwahe, isa sa unahan at ang isa pa'y sa hulihan na pinaghihiwalay ng dingding. Nakaupo sa unahan ang kutsero at nasa hulihan ang panginoon. May bintana sa unahan at magkabilang gilid ng karwahe, nasa hulihan ang pinto.

Madaling buksan at isara ang mga bintana at pinto. May maliit na butas sa bintana puwedeng pumasok ang hangin, at puedeng tumingin sa labas. Parang payos ang itsura ng bubungan ng karwahe. Kulay puti ang buong karwahe na ginuhitan ng iba't ibang kulay. May mahigit 1500 piraso ng ginto at pilak na plamuti sa karwahe no.2. Nagpapakita ng karangyaan. Malamang na dito pinasasakay ang kaluluwa ng Unang Emperadoe ng Qin para mamasayal. May mga busog, pana at kalasag ang karwaheng No. 1, at nakasumbrero ang kutsero. Ipinakikita niyong pinoprotektahan ng karwaheng iyon ang kaligtasan ng karwaheng No. 2 sa likuran. Ang dalawang bronseng karwahe iyon at ang mga naunang nahukay na luwad na pigura na inayos alinsunod na pormasyon ng hukbo noong unang panahon ay nagbigay ng mga tunay na materyal para sa pananaliksik sa pagkakaayos ng pormasyon ng hukbo at porma ng labanan at pagsasandata ng hukbong impanteriya noong panahon ng Dinastiyang Qin.

Sa mga natuklasan ng Tsina sa kasalukuyan, ang malalaki at makukulay na bronseng karwaheng nahukay sa Mausoleum ng Unang Emperador ng Qin ang siyang pinakamaaga, pinakamalaki, pinakamahusay na mahalagang bronze ware, at siya ring pinakamalaking bronze ware na natuklasan sa daigdig.

Binansagan itong "nangunguna sa Bronze ware". Nagbigay ito ng napakahalagang materyal para sa textual na pananaliksik sa teknolohiya ng metalurhiya, pagkakayari ng karwahe at dibuho ng kasanayan ng Dinastiyang Qin.