• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-12 15:49:40    
Disyembre ika-4 hanggang ika-10

CRI
Idinaos noong Biyernes sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang ika-2 pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag ng dalawang panig sa pulong ang kahandaan na walang humpay na patatagin at palalimin ang kanilang estratehikong partnership na pangkooperasyon para magkakasamang mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Binigyan ng positibong pagtasa ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN nitong ilang taong nakalipas. Ipinahayag nila na sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat ibayo pang palalimin ng dalawang panig ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang larangang pangkooperasyon at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nang araw ring iyon, sa kanyang paglahok sa working lunch ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3", ipinahayag ni ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina na ang "10 plus 3" ay naging isang sistemang pangkooperasyon na may mabuting mekanismo at masaganang nilalaman. Anya, kinakatigan ng panig Tsino ang paninindigan ng ASEAN hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Silangang Asya sa pamamagitan ng "10 plus 3" at nakahandang patuloy na pasulungin, kasama ng ASEAN, ang kooperasyon ng Silangang Asya.

Nauna rito, ipinahayag noong Martes ni tagapagsalita Qin Gang ng ministring panlabas ng Tsina na ang kauna-unahang summit meeting ng Silangang Asya ay magkakaloob ng bagong plataporma para sa diyalogo at kooperasyon ng mga may kinalamang bansa at ang iba't ibang mekanismong pangkooperasyon ng Silangang Asya ay hindi salungat sa isa't isa. Sinabi ni Qin na ipinalalagay ng panig Tsino na ang naturang summit ay makakabuti sa pagpapasulong ng kasalukuyang kooperasyon ng Silangang Asya at ng komong kaunlaran ng rehiyong ito at mga iba pang rehiyon ng daigdig. Binigyang-diin niya na sa isyu ng summit meeting ng Silangang Asya at pakikipagtulungan ng ASEAN sa mga iba pang bansa, laging pinatitingkad ng ASEAN ang pangunahing papel at ipinalalagay ng panig Tsino dapat igalang at katigan ang pagpapatingkad ng naturang organisasyon ng ganitong papel.

Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo noong Lunes sa Maynila si dumadalaw na pangalawang tagapangulo Wang Zhongyu ng Pulitikal na Komsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC nina pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at Franklin Drilon, pangulo ng mataas na kapulungan ng bansa. Sa kanilang pagtatagpo, sinabi nina Arroyo at Drilon na nasa napakahalagang panahon ang relasyong Sino-Pilipino. Pinasasalamatan ng Pilipinas ang pamumuhunan at tulong ng Tsina, at patuloy na kakatigan nito ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Binigyan-diin ni Arroyo na patuloy na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina, at umaasang makapagtatamo ang relasyong Sino-Pilipino ng ibayo pang pag-unlad. Ipinahayag naman ni Wang Zhongyu na nitong nakaraang 30 taon sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, lumalakas ang kanilang pagtitiwalaang pampulitika, naging kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at malaki ang iniunlad ng kooperasyon sa iba't ibang larangan, at higit sa lahat, opisyal na dumalaw sa Pilipinas si pangulong Hu Jintao ng Tsina noong Abril ng taong ito, at sumang-ayon ang kapwa panig sa isang magkasanib na pahayag na itatag ang estratehikong relasyong pangkooperasyon na nakakatuon sa kapayapaan at kaunlaran. Ang lahat ng mga ito ay mahalagang bunga bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Idinaos sa Beijing noong Martes ni Azmi Khalid, ministro ng suliraning panloob ng Malayisa ang isang preskon para ipaliwanag ang paninindigan ng kanyang pamahalaan tungkol sa paghawak kamakailan sa insidente ng pang-iinsulto sa mga mamamayang Tsino sa Malaysia, at inulit niyang lubos na pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Malaysia. Ipinahayag din niyang humingi ng paumanghin ang kanyang pamahalaan sa naturang insidente, at nagsasagawa ito ng mga positibo at mahigpit na hakbangin at nagkakaroon ng komprehensibong imbestigasyon para maparusahan ang mga may kinalaman dito. Nauna rito, sa kanyang pakikipagtagpo kay Azmi, ipinahayag ni Shen Guofang, asistanteng ministrong panlabas ng Tsina na umaasa ang pamahalaang Tsino na patuloy at seryosohang maiimbestigahan ng panig Malay ang insidente ng pang-iinsulto sa mga mamamayang Tsino at maparurusahan ang mga may kinalamang kriminal alinsunod sa batas.

         

Sa Sattahip, isang base militar ng hukbong-dagat sa Rayong ng Thailand. Dumating dito noong Biyernes ang plota ng hukbong-dagat ng Tsina para pasimulan ang kaniyang 5 araw na dalaw sa bansang ito.