Ang beer o serbesa ay natatala sa kasaysayan ng sinaunang ehipto, noong panahong bago isilang si Hesukristo. Ang teknolohiya ng paggawa ng serbesa na ang pangunahing hilaw na materyal ay malt at ang suplementaryong materyal ay bigas at "hops" ay isa nang pandaigdig na inumin ngayon, at labis na kinagigiliwan ng marami. Isasalaysa ko sa inyo ang mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan ng beer ng Tsina at ang kasalukuyang kalagayan nito.
Ang orihinal na beer na Tsino ay may humigit-kumulang 4000 hanggang 5000 taong kasaysayan. Subalit ang ipinagbibiling beer sa mga pamilihan ay pumasok sa Tsina kasunod ng mga baril at kanyon ng mga imperyalista noong katapusan ng ika-19 na siglo. Ang pinakamaagang pagawaan ng beer na itinayo sa Tsina ay ang urubulefski beer plant na itinayo ng mga Ruso sa Bawangzhi ng Harbin. Sa loob ng limang taon mula noong panahong iyon, tatlo pang planta ang itinayo ng Rusya, Alemanya at Czech Rep. sa Harbin. Noong 1904, lumitaw ang kauna-unahang beer plant na pinatakbo ng mga Tsino mismo--ang Planta ng Tatlong Lalawigan sa Hilagang Silangan, sa Harbin. Noong 1914, naitayo din dito ang Wuzhou Brewery. Nang taon ding iyon, naitayo naman sa Beijing ang Shuanghesheng Brewery. Noong 1935, lumitaw ang Wuyang Brewery sa Guangzhou. Sa loob ng ilampung taon mula noong panahong iyon, magkakasunod na umuunlad ang industriya ng beer sa iba't ibang malalaking lunsod ng Tsina.
Kung mapag-uusapan ang beer na Tsino, hindi maaring hindi mabanggit ang Tsingtao beer. Noong 1903, ang mga mangangalakal ng Britanya at Alemanya ay nagbukas ng kompaniya ng beer na may kakayahang magprodyus ng 2000 tonelada. Ito ay predecessor ng kasalukuyang Tsingtao beer. Ang Tsingtao beer ay mayroon nang 100 taong kasaysayan. Sa loob ng panahong ito, mabilis na umunlad ang Tsingtao beer sa pag-asa sa bentahe ng sariling teknolohoya nito at sa pondo at mga tauhan at sa paggamit ng sulong na modelo at paraan ng pangangasiwa. Kaya karamihan sa mga turistang nagpupunta sa Qingdao ay bumibisita sa brewery ng Qingdao. Isinalaysay sa reporter ni Ginoong Li na siyang namamahala sa promotion ng pagbubukas sa labas ng Tsingtao beer na,
"Talagang nagsimulang magbukas sa labas ang Tsingtao Brewery noong 1950's. Noong panahong iyon, upang maipaunawa sa mga mamamayan ang hinggil sa Tsingtao Beer at maipaalam ang 'technological requirements' nito, sinimulan namin ang promotions. Pagkatapos nito, kasunod ng pag-unlad ng situwasyon ng pagbubukas ng bansa sa pinto sa labas, lalong ipinag-ibayo namin ang promotion. Hanggang noong huling dako ng 1990's ng ika-20 siglo, pirmal na iniharap ng pamahalaan ng lunsod ng Qingdao ang 'industrial tourism', at ang tourism promotion ay ginawa naming turismong industriyal."
Hanggang noong katapusan ng taong 2001, ang Tsingtao Brewery ay makapagtayo na ng mga base ng produksyon ng beer sa 17 lalawigan at lunsod sa loob ng bansa, at nakabuo ng marketing network na nakakalat sa buong daigdig. Ang kasalukuyang taunang kakayahan sa produksyon ng beer ay lumampas sa 3 milyong tonelada. Ang mga target na gaya ng benta, netong kita, pagsasapamilihan, buwis, tubo, dami ng pagluluwas at iba pa ay nangunguna sa kaparehong industriya sa loob ng bansa. Kasabay nito, parami nang paraming personahe sa sirkulo ng mga bahay kalakal ang pumaparito rin sa Tsingtao Brewery para bumisita at pag-aralan ang mga may kinalamang bagay. Sinabi ni Ginong Li,
"Maraming personahe mula sa sirkulo ng mga bahay-kalakal at lipunan ang pumupunta sa aming brewery para dumalaw at pag-aralan ang mga ginagawa namin. Unang dahilan, kaakit-akit ang aming mga brand at layunin ng serbisyo; ikalawa, ang turismo ay inilakip namin sa produksyong industriyal."
Upang buong husay na ma-ipaunawa sa turista mula sa loob at labas ng bansa ang hinggil sa Tsingtao Beer, magbukas ang Tsingtao Brewery, sa kauna-unahang pagkakataon ng beer museum sa loob ng bansa. Isinalaysay sa reporter ni Madam Qin, isang "museum guide" ang mga bagay na may kinalaman sa museum. Sinabi niya,
"Ang aming museum ay nahati sa tatlong bahagi. A-isang daang taong kasaysayan at kultura, B-production technology, C-multifuction. Sa pamamagitan ng mga larawan at captions, maaaring malaman dito ng mga manlalakbay ang mahiwagaanag pinagmulan ng beer, matagal na , kasaysayan ng Tsingtao Beer, di mabibilang na karangalan ng Tsingtao Beer, Qingdao International Beer Festival at pagdalaw sa Tsingtao Brewery ng mga kilalang personahe sa loob at lahat ng bansa."
Kung pupunta kayo ng Qingdao, huwag kakaliotrang bisitahin ang Qingdao brewery.
|