• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-19 15:13:59    
Disyembre ika-11 hanggang ika-17

CRI

Mula noong Lunes hanggang Miyerkules, idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia ang serye ng summit ng ASEAN at kauna-unahang EAS o Summit ng Silangang Asya. Lumahok sa mga pulong si premyer Wen Jiabao ng Tsina at ang mga lider ng mga may kinalamang bansa na kinabibilangan ng sampung bansang ASEAN, Rusya, Indya, Australya at New Zealand.

Sa kanyang talumpati sa ika-9 na summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3", ipinahayag ni premyer Wen na ang pagkatig ng kanyang bansa sa ASEAN ay tapat at naglalayong ito sa mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng dalawang panig at wala kalakip na anumang kondisyong pulitikal. Sinabi rin niya na tiyak na tutuparin ng Tsina ang mga pangako nito. Ipinatalastas din sa talumpati ni Wen na maglalaan ang Tsina ng karagdagang 5 bilyong Dolyares na preperensyal na pautang bilang pagkatig sa mga proyekto ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansang ASEAN. Binigyang-diin din ni premyer Tsino na walang intensyon ang kanyang bansa na maghangad ng karapatang namumuno sa kooperasyong panrehiyon at tumututol ito sa pagsasagawa ng self-block o pagbuo ng eksklusibong grupo sa rehiyon. Sinabi ni Wen na kinakatigan ng kanyang bansa ang lahat ng mga mungkahi na angkop sa komong kapakanan ng iba't ibang panig at makakabuti sa kooperasyon at pag-unlad ng Silangang Asya, patuloy nitong kakatigan ang pagpapatingkad ng ASEAN ng pangunahing papel at itinataguyod ang pagpapahigpit ng Tsina, Hapon at Timog Korea ng koordinasyon at ganap na pagpapatingkad ng kani-kanilang bentahe at papel. Sinabi rin niya na kinakatigan ng Tsina ang pagpapahigpit ng "10 plus 3" ng pakikipag-ugnay at pakikipagdiyalogo sa E.U. Unyong Europeo at mga iba pang bansa at organisasyon sa loob ng rehiyon para mapalawak ang komong kapakanan at maharap ang komong pag-unlad.

Sa kanya namang talumpati sa kauna-unahang Summit ng Silangang Asya, ipinahayag ni Premyer Wen na tinututulan ng kanyang bansa ang sarado at pansariling pagtutulungan ng Silangang Asya. Hinding hindi aniya maghahangad ang Tsina ng ascendancy sa rehiyon ng Silangang Asya. Sinabi rin niyang sa kurso ng pagtutulungang panrehiyon, pinaninindigan ng Tsina ang paggigiit sa bukas na ideya at patuloy aniyang kakatigan ng Tsina ang pagpapatingkad ng ASEAN ng pangunahing papel sa proseso ng pagtutulungan ng Silangang Asya. Kaugnay ng mga kalahok na bansa sa labas ng rehiyon ng Silangang Asya, ipinahayag ng premyer Tsino na inaasahan ng panig Tsino na makapagsisikap sila ng India, Australia at New Zealand para magkakasamang mapasulong ang pag-unlad at pagtutulungan ng rehiyong ito. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa pagpapanatili ng pagkokoordinahan ng pagtutulungan ng Silangang Asya at ng mga mekanismong kinabibilangan ng Shanghai Cooperation Organization, Porum ng ASEAN at APEC.

Sa kanyang pananatili sa Kuala Lumpur, nakipagtagpo rin si Premyer Wen sa mga lider ng mga bansang ASEAN. Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, ipinahayag ni Wen na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagtutulungan nila ng Pilipinas sa mga larangang kinabibilangan ng enerhiya. Sinabi ni Wen na nakahanda ang panig Tsino na walang humpay na pasulungin ang pagtutulungang pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas at palakasin ang kanilang pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng enerhiya at agrikultura. Inulit naman ng Pangulong Pilipino na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Sa panahon ng pulong, opisyal ding kinumpirma ng Tsina, Cambodia, Laos at Myanmar na mula unang araw ng Enero ng darating na taon, hindi papatawan ng Tsina ng taripa ang 83 uri ng produkto ng Cambodia, 91 ng Laos at 87 ng Myanmar na kanilang iniluwas sa Tsina.

Idinaos noong Miyerkules sa Guangzhou, lunsod sa timog Tsina, ang kauna-unahang pulong ng mekanismo ng pagsasanggunian sa maritime affairs ng Tsina at ASEAN. Nagpalitan ng kuru-kuro sa pulong ang mga departementong maritime ng Tsina at walong bansa ng ASEAN hinggil sa pagpapalawak ng kooperasyong maritime. Nagsasagawa ng konsultasyon ng mga departementong maritime ng Tsina at mga bansa ng ASEAN sa pangangalaga sa kapaligiran ng dagat, searching operation sa dagat, meterage of navigation mark, pagsasanay ng mga tripolante, imbestigasyon at paghawak sa mga sukuna at iba pa.