• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-22 10:55:03    
Turismo, nagpapaganda ng pamumuhay sa Bayan ng Shuhe

CRI

Sulyapain natin ang isang maliit na bayan na pinaninirhan, pangunahin na ang mga mamamayan Naxi, isang pambansang minoriya sa purok ng Lijiang ng Lalawigan ng Yunnan sa Timog Tsina. Ang bayang ito ay tinawag na Shuhe.

"Tao po, naghahanap kami ng matutuluyan at makakainan! Saan mayroon?"

Ang tanong na ito ay hindi naririnig sa Bayan ng Shuhe hanggang noong Oktubre ng nagdaang taon nang buksan sa publiko ang kauna-unahang restawran na pinatatakbo ng isang magsasaka sa lokalidad. Ang Bayan ng Shuhe ay malapit sa sinaunang pader ng Lunsod ng Lijiang, isang kilalang matulaing pook na panturista sa loob at labas ng bansa. Ngunit hindi ito kasingkilala ng sunaunang Lunsod ng Lijiang, kahit kasingyaman ito ng sunaunang pader ng Lijiang sa yamang-turismo. Dahil, sa loob ng mahabang panahon, nakagawian na ng mga taga-Shuhe ang mamuhay sa pagsasaka, hindi sila gaanong mahusay sa negosyo. Kaya sa nakaraan, lagging naririnig ang nabanggit sa unahang tanong ng mga turista doon sa Shuhe. Iba na ngayon ang kalagayan doon.

Ang nabanggit na restawran ay tinawag na "Tianhan Ge". Sa katutunayan, ito ay pangalan ng may-ari ng restawrang ito. Bising-busy daw ang restauran. Nang makita ang aming reporter, isinalaysay ng may-ari ang karanasan niya sa pagpapatakbo ng kaniyang restawran.

"Binuksan ang restawran ko noong unang araw ng Oktubre ng nagdaang taon. Noon, laging may kumakatok na turista sa bahay ko at nagtatanong kung saan sila maaring tumulay at kumain. Ito ang nagbigay sa akin ng ideya kaya nagpasiya akong magbukas ng isang restawran para matikman ng mga turista ang mga katutubong lutuin ng Lahing Naxi at maipadama sa kanila ang katangian ng kulturang Naxi."

Ipinatayo ng may-ari ang kaniyang restawran mismo sa kaniyang lote. Ito ay napalamutian ng estilo ng Lahing Naxi na angkop na angkop sa estilo ng sinaunang arkitektura ng Bayan ng Shuhe. Nang mabanggit ang palamuti ng restawran, sinabi niyang,

"Ang lahat ng palamuti ay may katutubong katangian ng Naxi. Ang disenyo ng restawran ay sarili naming gawa. Ang layunin ay para maipadama sa mga turista ang katangian ng sinaunang bayang namin."

Maganda ang takbo ng negosyo ng restawrang ito. Ayon sa may-ari, karaniwan nang nakakatanggap sila ng mahigit sampung bisita araw-araw. At kung tourist season, punong puno na ng mga bisita ang restawrang nagkaka-siya ng mga tatlumpu. Sinabi ng amo na:

"Noon, ang buong pamilya ay nagtatanim sa bukid. Ang asawa ko ay lumuwas pa sa lunsod para doon magtrabaho. At ngayon, hindi na kailangang siyang lumuwas sa ibang lugar para magtrabaho. Namumuhay kaming lahat ng mas maganda ngayon. Ang gawain naming ngayon sa hinaharap ay paghubugin ang aming dalawang anak na babae na nag-aaral ngayon sa sekundaryong paaralan upang makapagpasok sila sa pamantasan."

Ang restawan ng Tianhan Ge ay naging nang paboritong puntahan ng mga tao sa Bayan ng Shuhe at ang mga turista sa bayang ito ay laging nagpupunta sa Tianhan Ge para ma-feel ang atmosphere sa mga tahanan ng magsasaka at tikman ang mga natatanging ulam ng Lahing Naxi. Pagbalik nila sa kani-kanilang bahay, lagi inirekonmenda ng mga bisita sa kanilang kamg-anak at kaibigan para dumalaw sa restawrang ito. Masasabing matagumpay ang career ng may-ari ng restawran. Ngunit hindi pa rin nasisiyahan ang boss ng restawran sa nakamit ng tagumpay at mayroon pa siyang pangmalayuang balak. Sinabi niyang,

"Ang unang tatlong taon, ay panahon ng konstruksyon para sa amin. Nais naming palawakin pa ang saklaw ng restawran. Magpapatayo pa kami ng bulwagan para sa pagkain, para sa pag-inom ng tsaa at para sa tirahan ng mga turista. Napi-feel ko na gaganda ang takbo ng negosyo namin!"