• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-22 11:01:25    
Si Jia Lanpo at ang "Peking man": pag-aaral sa Peking man

CRI
Noong umaga ng ika-15 ng Nobyembre, 1934, nakahukay ang isang artisano ng isang kaputo ng buto na basta na lamang niya inihagis sa loob ng malaking kahon. Nang madampot ito ni Jia Lanpo, napabulalas siya sa pagkamangha: "Hindi ba ito bahagi ng isang bungo?" Ipinagpatuloy pa ang paghuhukay at lumitaw ang buto ng tainga, pagkatapos ay buto ng kilay. Pagsapit ng tanghali nahukay na ang lahat ng bahagi. Dinala ni Jia Lanpo ang mga ito sa kanyang opisina para linisin at patuyuin. Pagkatapos, binuo niya muli ang bungo sa pamamagitan ng pagdidikit isa-isa ng mga bahagi ng buto.

Kinahapunan noong araw ding iyon, malapit sa unang lugar, isa pang bungo ang nahukay. Nang Makita ni Weidenreich ang mga ito nanginig ang kanyang mga kamay sa malaking katuwaan. Sinabi ng kanyang asawa na nang marinig ni Weidenreich ang balita noong umaga napabalikwas siya sa kama at nagkasalisaliwa ang pagsusuot niya ng pantalon.

Pagkaraan ng labing-isang araw, natuklasan sa lugar ding iyon ang ikatlong bungo.

Balik tayo kay Jia Lanpo.

Nang kunin si Jia Lanpo ng China Institute of Geological Survey noong 1931 tapos lamang siya ng Junior high school, pero hindi lamang siya naging academician ng chinese academy of sciences kundi isa ring foreign academician ng American Academy of Sciences at academician ng Third World Academy of Sciences.

Si Jia Lanpo ay masikap sa trabaho at sabik na sabik na matuto. Una, natuto siya ng ancient biology at geology mula kay Bian Meinian, nagtapos sa Peking University na kasamahan niya. Noong 1932, humiram si Jia Lanpo ng isang libro ng may pamagat na "Handbook of Mammalian Skeleton" mula sa aklatan. Sa tulong nina Pei Wenzhong at Bian Meinian, isinubsob niya ang kanyang sarili sa pag-aaral hanggang sa matapos niya ang 373 pahinang aklat sa wikang Ingles.

Upang madagdagan pa ang kanyang kaalaman tungkol sa mga kalansay ng hayop, hiniling ni Jia Lanpo sa mga trabahador sa kanyang pangkat na mamaril ng ligaw na aso. Habang nagpapakabundat ang iba sa inihaw na karne ng aso, pinaalaala naman niya sa kanilang huwag baliin o putulin ang mga buto. Pagkaraan ng kanilang "handaan", inilaga niya ang mga buto para maalis ang sebo at muling binuo niya mismo ang kalansay ng aso. Tinina niya ang iba't buto ibang bahagi ng magkakai-bang kulay at minarkahan ng kung ang ang tawag sa bawa't buto alinsunod sa kanyang natutuhan mula sa aklat na "Handbook of Mammalian Skeleton".

Minsan nakakita siya ng aklat sa wikang Ingles ang "The Humankind of the Old Stone Age" na sinulat ni H.F. Osborn. Nang Makita niya ang presyo ng libro napagtanto niya na kung bibilhin niya ang libro mababawasan ng sangkalto ang kanyang sahod. Metagal siyang nag-atubili at saka umalis. Pero noong sumunod na araw bumalik siya roon at binili rin ang naturang libro. Buo ang paniwala niyang ang dalawang aklat na ito ang tumulong nang malaki sa kanya sa kanyang mga pag-aaral sa hinaharap tungkol sa mga kasangkapang batong ginamit ng "Peking Man".

Pagkaraan ng dalawang taon, noong 1933, hiniling ni Yang Zhongjian kay Jia Lanpo na tasahon ang isang malaking kahon ng mga ngipin ng hayop at markahan ang mga ito ayon sa katugong tawag sa wikang Latin. Pagkaraan ng tatlong araw, matagumpay na matapos ni Jia Lanpo ang kanyang tungkulin. Napagtanto niya sa bandang huli na isa itong espesyal na uri ng pagsusulit. Di- naglaon hinirang siya sa mas mataas na puwestong karaniwang inilalaan lamang para sa isang nagtapos sa unibersidad.