Ang mahigpit na relasyon sa pagitan ng numero nuwebe at Winter Solstice ay nababatay din sa teorya ng Yin at Yang. Naniniwala ang mga sinaunang Tsino na naipaliliwanag ng teoryang ito ang lahat ng penomena sa sandaigdigan. Gumaganap ang mga numero ng mahalagang papel sa teoryang ito. Ang numerong "9" ay ang pinakamataas na numero ng Yang at sumasagisag sa "infinity" at "extremity". Para sa isang pistang tulad ng Winter Solstice kung kalian nagsisimulang umiral ang Yang, ang numero nuwebe, pinakadakilang numero ng Yang ay dapat lang na gumanap ng mahalagang papel.
Ang araw ng Winter Solstice ay nagsisilbing pagsisimula ng unang siyam-na-araw na period. May kabuuang siyam na siyam-na-araw na period. Ang panahon ay gumaganda nang kaunti bawa't siyam-na-araw, at sa pagtatapos ng ika-siyam na period, dumarating ang spring.
Batay sa praktikal na karanasan at baka upang mapabilis nang kaunti ang paglipas ng panahon, kinatha ng mga tao ang mga awit na "cold dispelling". Heto ang isang translasyon ng isa sa mga awit:
Napakalamig ng una at ikalawang "siyam na araw", kaya hindi nagkakalakas-loob ang mga tao na ilabas ang kanilang kamay,
Namatay sa lamig ang mga ligaw na pusa at aso sa panahon ng ikatlo at ikaapat na "siyam na araw",
Sa loob ng ikalima at ikaanim na "siyam na araw" ay nakikita ang isang manipis na tabing na berde sa ibayong pampang ng ilog,
Natutunaw ang ilog sa ikapitong "siyam na araw",
Winewelkam ng ikawalong "siyam na araw" ang pagbalik ng mga mabanigs na gansa,
Natatapos sa wakas ang taglamig sa huling "siyam na araw" kung kalian ngumingiti ang mga magandang bulaklak sa may-kainitang tagsibol.
Nilikha rin ng mga tao ang iba't ibang uri ng libangan o entertainment upang madaling mapalipas ang mahabang panahong malamig kung kalian natutulog ang mundo at walang nagagawa sa bukid. At ang isa sa mga ito ay ang pagpipinta upang mapapawi ang lamig. Bago ang Winter Solstice, isinasabit sa dingding ng mga tao ang isang di pa tapos na "painting" ng isang plum tree na may 81 bulaklak. Hindi pa sila kinokoloran. Simula sa araw ng Winter Solstice, kinukulayan ng pula ang bawa't isang bulaklak araw-araw. Sa pagtatapos ng ika-siyam na "siyam na araw", ang 81 kaaya-ayang pulang bulaklak ay nagbibigay-liwanag sa kuwarto bilang pagwelkam sa mga ibon at buko na nagpapakita ng pagbalik ng tagsibol.
Ginamit ng isa pang kaugalian ang isang piraso ng papel na ginuhitan ng 81 parisukat. Tulad ng mga plum blossom, kinukulayan ang isang parisukat bawa't isang araw. Kung maulap, kinokoloran ang itaas na hati ng parisukat; kung maliwanag, ang ibabang hati. Ang isang mahanging araw ay iminamarka sa kaliwang hati, at ang mauling araw ay sa kanan. Ano naman ang puwedeng gawin kung may "snow"? Lalagyan ng mga tao ng isang maliit na bilog ang sentro ng parisukat. Pag puno na lahat ang mga parisukat, nariyan na ang tagsibol at naroon ang isang weather report ng nagdaang 81 araw.
Sa karamihan ng mga pamilya, ang mga bata ay nagdodrawing ng 81 parisukat at pagkatapos, masaya nilang punupuno ang mga ito. Nagagamit nila ang mga pintura at crayon na may iba't ibang kulay, at kung masuwerte, nakakalikha sila ng isang kaaya-ayang "abstract painting". Nakakabuti ang gawaing ito sa aritmatika ng mga bata at nakakapukaw din ito ng kanilang interes sa climatology. At ang pagrarasyon sa kanila ng isang square sa isang araw ay nagtuturo sa kanilang maging pasiyensyoso. At maaari rin itong maglayo sa kanila sa kapilyuhan kahit man lang sa loob ng ilang minuto!
|