Ang Lunsod ng Changchun, punong lunsod ng Lalawigang Jilin sa Hilagang Silangang Tsina ay nagiging lalo pang kaakit-akit sa mga turista salamat sa masagana nitong yaman niyebe't yelo at sa pagsisikap nitong mai-organisa ang Changchun Jingyuetan Ice and Snow Tourism Festival.
Nagdaraos ang Changchun ng Ice and Snow Festival tuan-taon sapul pa noong 1998. Ang kapistahang ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapaunlad ng industriya ng lunsod.
Ang Lunsod ng Changchun ay nakatala ngayon bilang isa sa 25 pangunahing lunsod na panturista sa Tsina.
Ipinakikita ng estatistika na noong nakaraang panahon ng kapistahan mula Disyembre ng taong 2000 hanggang Pebrero ng taong 2001, tumanggap ang lunsod ng 1.4 bilyong yuan RMB (katumbas ng 169 milyong US Dollars), tumaas ng 157% kung ihahambing sa mga nakaraang panahon.
Ang Lunsod ng Changchun ay umaakit din ng mga turista mula sa mga bansang kinabibilangan ng Timog Korea, Australya, Hapon, Singapore, Thailand at Malaysia.
Sa panahon ng Ice and Snow Festival, ang lunsod ng Changchun ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng aktibidad para sa mga turista.
Kabilang sa mahahalagang aktibidad ang mga winter sports, entertainment at mga eksibisyon ng ice and snow arts.
Ang Jingyuetan Skiing Slope at ang kalapit nitong pook sa karatig ng Changchun ay ang mga pangunahing lugar para sa pagdaraos ng mga aktibidad ng winter sports.
Nagtatampok ng makapal at malambot na snow at mga sulong na pasilidad, ang skiing slope ay isang ideal destination para sa mga mahilig sa skiing sa iba't ibang lebel.
Sa pagkakaroon ng lugar na may lawak na 50,000 metro kuwadrado, kayang-kaya nitong mag-accommodate ng 3,500 tao bawat araw.
Bukod sa skiing ay nagdaraos din ang lunsod ng iba pang mga aktibidad ng gaya ng sleigh-riding, skating at snow motorcycling.
Ang snow and ice arts exhibition ay ang mga pangunahing aytem ng turismo ng Changchun. Sa panahon ng kapistahan, inilalagay sa mga pangunahing lansangan at parke ang mga ice and snow sculpture at ang mga parol na yari sa yelo. Ginagawa ng mga itong winter wonderland ang lunsod.
Bukod pa dito, ang mga turista ay binibigyan din ng pagkakataon para mapanood ang nakatutuwang paligsahan ng winter sports na gaya ng skating tournament at auto rally sa snow.
Kasabay nito'y hinahandugan din ang mga turista ng mga aktibidad na panlibangan na kinabibilangan ng pagtatanghal na pansining, fireworks parties, pagpapakita ng figure skating at paligsahan sa paglilok ng yelo at snow.
Pinasusulong din ng winter tourism ang pag-unlad ng ekonomiya ng lunsod ng Changchun. Ang ice and snow festival ay nakapag-ambag nang malaki sa pagyabong ng mga sektor na gaya ng catering, transportasyon, otel, negasyo ng pagtitingi at logistics.
Halimbawa na lamang ay ang 14 na malalaking shopping mall ng Changchun ay nagkaroon ng kabuuang kitang 59 na milyong yuan RMB (katumbas ng 7.1 milyong US Dollars) sa isang gabi lamang bago ang pagbubukas ng kapistahan noong taong 2000.
Ang kapistahan ay nagsisilbi ring plataporma para sa pakikipagkooperasyong pangkabuhayan ng lunsod sa ibang bansa sa daigdig.
Nitong kalilipas na panahon ng kapistahan, isang perya ng pamumuhunan ang inorganisa at 10 proyektong pangkooperasyon ang nalagdaan na nagkakahalaga ng 1.6 bilyong yuan RMB (katumbas ng 193 milyong US Dollars).
|