Noong unang panahon, taong 496 BC, sa palasyo ni Min Gong o Haring Min ng bansang Chen, isang malaking agila ang bigla na lang na nalaglag, at may natatarak na malaking palaso sa katawan nito. Saan nanggaling ang agilang iyon, at kanino ang palaso? Hindi alam ni haring Min, pero bigla niyang naalala si Confucius, isang tanyag na educator ng sinaunang Tsina, na nang panahong iyong'y tumutuloy sa otel ng kanyang bansa. Agarang ipinadala niya ang palaso kay Confucius, at pagkatapos ng matamang pagsusuri sa palaso, sinabi ni Confucius na "ito ay tiyak na mula sa mga mamamayang Sushen".
Ang mamamayang Sushen, na ninuno ng Nasyonalidad ng Manchu, ay naninirahan noon sa hilaga ng Bundok Changbai sa hilagang-silangang Tsina, at sa malawak na rehiyon ng kahabaan ng Ilog ng Heilongjiang at Wusilijiang. Noong unang dako ng ika-8 siglo, itinatag ng mga inapo ng lahing Sushen o tinatawag na Mohe ang bansang Bohai, ito ang kauna-unahang kapangyarihang pulitikal na naitatag ng mga ninuno ng Nasyonalidad ng Manchu sa kasaysayan ng Tsina. Pagkatapos nito, ang Nasyonalidad ng Manchu ay nagsimulang maghari sa hilagang Tsina. Noong ika-10 siglo, ang mga lahing Mohe ay binigyan ng bagong pangalang Nvzhen. Pagkalipas ng mga isang daang taon, naitayo ni Aguoda, puno ng seksyong Wanyan ng lahing Nvzhen, ang bansang Jin, na umuukupa sa kalahati ng teritoryo ng Tsina sa hilaga ng Ilog Huaihe, sa tapat lang ng Southern Song Dynasty. Matapos na sakupin ng Nasyonalidad ng Mongolia ang bansang Jin, isinama naman ng puno ng Yuan Dynasty ang mga mamamayan ng Nvzhen na nakatira sa gitnang Tsina sa Han Nationality, sa gayo'y unti-unting silang na-assimilate, pati ang mga mamamayang Nvzhen na nakatira sa katimugan ng hilagang-silangang Tsina sa mga purok ng Han nationality. Ang mga nakapagpanatili lamang ng kanilang wika at ugali ay iyong mga mamamayang Nvzhen na nakatira sa lower reaches ng Ilog Heilongjiang at sa kahabaan ng Ilog Songhuajiang at Wusulihjiang ang kanilang wika at ugali. Sila lamang ang muling lumakas sa rehiyon ng "maputing bundok at maitim na tubig" na ibig sabihin'y tehiyong sa pagitan ng Changbai Mountain and Ilog Heilongjiang sa hilagang-silangang Tsina sa unang dako ng ika-17 siglo. Sa pamumununo ni Nurhachi at kanyang inapo, nagsimula silang tumahak sa landas ng pagsakop sa ibang nasyonalidad ng Tsina. Noong 1635, tinawag nilang Manchu ang kanilang lahi, at hindi natagalan mula noong, naitatag nila ang kahuli-huling piyudal na dynasty sa kasaysayan ng Tsina, ang Qing Dynasty.
Mga 10 milyon ngayon ang populasyon ng Nasyonalidad ng Manchu, at nakakalat sila pangunahin na sa tatlong probinsiya ng hilagang-silangang Tsina, lalo na sa Probinsiyang Liaoning. Ang ikinabubuhay ng karamihan sa kanila ay ang pagsasaka, pero para doon sa mga naninirahan sa mga lunsod, ang mga gawaing may kinalaman sa industriya, siyensiya at kultura ang kanilang pinagkaka-abalahan. Noong huling dako ng ika-16 na siglo, batay sa alpabeto ng Mongol. Siya nga pala, ang deperensiya ng karakter ng Mongol at Manchu language ay may mga bilog at tuldok ang huli. Datapwat, pagkatapos ng mga taong 1640's, sa dahilang napakaraming mamamayang Manchu ang pumasok sa gitnang Tsina at napakarami ding mamamayang Han ang lumipat sa hilagang-silangang Tsina, sa ilalim ng impluwensiya ng pagbabago ng kapaligiran, tingnggap ng mamamayang Manchu ang Manchudarin, at inadap nila ang Han Culture. Naulit ang kasaysayan na ang mga tao ng mamamayang Manchu na naninirahan sa rehiyon ng "maputing bundok at maitim na tubig" ay nagpanatili ng matandang kultura ng kanilang nasyonalidad.
|