• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-29 10:26:16    
May katangian na Beijing Panjiayuan second-hand market

CRI

Sa mga Beijing guide map na nililimbag sa karamihan sa mga bansa't rehiyon sa daigdig, bukod sa paglalagay nila ng tanda sa mga kilalang lugar na panturista na gaya ng Great Wall, Summer Palace at Imperial Palace, mayroon pang isang tanda na nakakatawag ng malaking pansin, at ito ay ang Pan Jiayaun second-hand market sa dakong silangan ng Beijing. Tuwing weekend, maraming turistang Tsino at dayuhan na galing sa iba't ibang purok ng daigdig, ang pumupunta sa naturang second-hand market para bumili ng mga Chinese traditional handcrafts.

Si Ms. Gail Cohen, na galing sa Estados Unidos ay isa sa naturang mga turista, sinabi niyang: "Sinasabi ng guide book na ito ay isang napakagandang purok na panturista sa Beijing. Ngayon lamang ako nakatuklas ng isang bark calligraphy and painting, at nakakatuwang-nakakatuwa ito."

Maraming tai ang naaakit ng Pan Jiayaun second-hand market, ay dahil hindi lamang sila nakabili dito ng maraming murang Chinese folk craftworks at collection na may mabuting kalidad, kundi posibleng makatuklas pa sila ng mga calligraphy and painting at craftworks ng mga kilalang Tsino na may mataas na halaga.

Sinabi sa mamamahayag ni Ginoong Cui Xinwei, namamahalang tauhan ng Pan Jiayuan second-hand market na ang paglitaw ng naturang phenomenon ay dahil, pangunahin na ang mga panindang inilalako sa pamilihang ito ay pawang tinipon ng mga mangangalakal mula sa iba't ibang purok ng Tsina, at hindi mataas ang porsiyento ng ilang mangangalakal mismo, kaya nagkaloob ito ng magandang pagkakataon sa mga mamimili ng "searching treasure". Isinalaysay rin niyang sa pamilihang ito, bawat araw, ay maraming mahihilig sa artwork na mataimtim na magmamasid sa bawat stall, at maraming collectors ang nakakatuklas ng mga paninda na gusto nila. Sinabi niyang: "Maraming mamimili at collector ang pumupunta dito tuwing 4:30 ng umaga. Mayroon silang kaalaman sa mga collections, at walang hunpay na dinadagdagan ang kanilang mga collections."

Inisyal na binuo ang Pan Jiayaun second-hand market nitong 13 taon na ang nakararaan. Sa panahong iyon, tinipon dito ng ilang residente sa paligid ang kanilang mga second-hand goods para ipagbili, at unti-unting nabuo ang isang pamilihan. Pagkatapos nito, nagsagawa ang may kinalamang departamento ng pamahalaan sa lokalidad ng rekonstruksyon sa pamilihang ito, at sa gayo'y napalawak pa ang saklaw nito. Sa kasalukuyan, ang Pan Jiayuan second-hand market na may saklaw na mahigit 50 libong metro kuwadrado, ay nagsisilbing pinakamalaking second-hand, collection and folk craftworks market sa Tsina, at ito rin ang pinakamalaking second-hand market sa Asya. Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit sa 4 libong fixed stalls, at umaabot sa halos 10 libo ang mga tagpagtrabaho sa pamilihang ito. Noong taong 2003, ang yearly turnover ng Pan Jiayuan second-hand market ay lumampas sa 400 milyong Yuan, RMB.

Sa naturang pamilihan, posibleng matuklasan ng mga mamimili ang rare treasure, at possible ring matuklasan ang mga Chinese folk craftworks sa iba't ibang uri, at sila ay pawang nagpapakita ng katangian ng tradisyonal na kahusayang Tsino.

Sa kasalukuyan, ang Pan Jiayuan second-hand market ay nagsisilbi ring isang tulay ng pagkakaunawa ng mga kaibigang dayuhan sa Tsina at sa kulturang Tsino. Sa kasalukuyan, ginawang isa sa mga purok na panturista ng maraming grupong panturistang dayuhan sa Beijing ang Pan Jiayuan second-hand market.

Kaugnay ng kalagayan ng pagtaas ng bilang ng mga turistang dayuhan sa pamilihang ito, espesyal na ginawa ng Pan Jiayuan second-hand market ang bilingual throwaway, at pawang ginagamit ang bilingual guidepost sa naturang pamilihan. Kamakailan, umupa ang naturang second-hand market ng mga guides sa wikang dayuhan, at tuwing Sabado at Linggo, walang bayad na nagkakaloob sila ng serbisyo sa mga turistang dayuhan. Sinabi ni miss Kang Qian, isang gudie sa pamilihang ito na: "Sinasabi ko muna sa mga turistang dayuhan na maaari akong magkaloob ng ng walang bayad na serbisyo sa kanila. Pagkatapos nito, isinasama ko sila sa mga stalls na gusto nilang puntahan."

Itataguyod ng Beijing ang ika-29 Olympic Games sa taong 2008, at ito ay magkakaloob ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng Pan Jiayuan second-hand market.