Pormal na binuksan sa mga sasakyan noong Miyerkules ang express way mula Nanning, Tsina patungong friendship pass. Ang naturang express way ay ang kauna-unahang express way ng Tsina na patungo sa ASEAN, at ito ay nagsisilbing pinakamaalwang panlupang tsanel ng Tsina sa Biyetnam at rehiyon ng Timog Silangang Asya. Ayon sa ulat, pinasimulan noong Abril ng 2003 ang konstruksyon ng nasabing express way na may kabuuang habang 179.2 kilometro.
Ipinahayag sa Singapore noong Huwebes ni ministrong panlabas George yong-boon yeo ng Singapore na nakikinabang ang Singapapore sa pakikipagkalakalan at pamumuhunan sa Tsina at lubos na maganda ang hinaharap ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ito ni George yong-boon yeo sa kanyang paglahok sa aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-35 anibersaryo ng pagtatatag ng Singapore Chinese Chamber of Commerce. Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, walang humpay na napapalakas ang pagpapalitan sa iba't ibang antas ng dalawang bansa. Pinapurihan din niyang ang mga organisasyon tulad ng Singapore Chinese Chamber of Commerce sa mahalagang ambag na naibigay nila sa pagpapasulong ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore.
Noong ilang taong nakalipas, pinalalakas ng Kunming, punong lunod ng lalawigan ng Yunnan ng timog-kanluran ng Tsina, ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Biyetnam. Sa kasalukuyan?ang Biyetnam ang pinakamalaking partner sa kalakalan ng lunsod ng Kunming. Mula noong Enero hanggang Nobyembre, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Kunming sa Biyetnam ay umabot sa 130 milyong dolyares. Kapansin-pansin ang paglawak ng pag-aangkat.
Ayon sa estadistika ng Kawanihan ng Turismo ng Thailand, pagpasok ng ika-2 hati ng kasalukuyang taon, lumalaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand at hanggang sa kasalukuyan, ang bilang na ito ay umabot sa halos 840 libo na lumaki ng 12% kumpara sa tinalikdang taon.
|