• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-06 18:12:51    
Tsina, matatag na pinasusulong ang repormang hudisyal

CRI

Nitong ilang taong nakalipas, matatag na pinasusulong ng mga hukuman ng Tsina sa iba't ibang antas ang repormang hudisyal. Sa isang pulong kahapon ng mga punong mahistrado ng mga hukuman sa mataas na antas, sinabi ni Xiao Yang, Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Bayan, na upang mapanatili nang higit na mabuti ang katarungan at mapangalagaan ang mga mamamayan, patuloy na pasusulungin ng mga hukumang Tsino ang kanilang repormang hudisyal.

Pagkaraang magsimulang isagawa ng Tsina ang pambansang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, bilang tugon sa pag-unlad ng sosyalistang market economy ng bansa, ipinasasailalim din sa reporma ang mga hukumang Tsino.

Kaugnay ng mga isinasagwang repormang hudisyal nitong ilang taong nakalipas, isinalaysay ni Punong Mahistrado Xiao na:

"Nitong ilang taong nakalipas, ang aming mga isinasagawang reporma ay ang mga sumusunod: una, upang mabalanse ang kapangyarihan ng iba't ibang departamento, magkakahiwalay na isinasagawa ang mga procedures ng pagsasampa ng kaso, paglilitis, pagsusuperbisa at pagpapatupad; ikalawa, sa aspekto ng pamamaraan ng paglilitis, napabuti ang jury system, naitatag ang sistema sa pangangasiwa sa procedures ng paglilitis; ikatlo, para naman sa mga mahistrado, naisagwa rin ang repoma na may kinalaman sa kanilang kuwalipikasyon."

Kasabay ng paglitaw ng mga bagong uri ng kaso na may kinalaman sa pinansya, IPR o karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip at iba pa, ang repormang hudisyal ay puspusang nagpapasulong sa pag-unlad ng mga gawain ng paglilitis at pagpapatupad ng mga hukumang Tsino. Sinabi ng punong mahistradong Tsino na:

"Nitong nagdaang limang taon, lumampas sa 40 milyon ang bilang ng mga nalutas na kaso ng mga hukumang Tsino sa iba't ibang antas. Salamat sa repoma, napataas ang episiyensiya ng mga hukuman, naging mas istandard ang kanilang paglilitis at pagpapatupad, ibayo pang ginawang mas makatarungan ang court verdict. Ang pagpapahusay ng paglilitis at pagpapatupad ng mga hukuman ay nagdudulot ng garantiyang hudisyal para sa pagsasagawa ng bansa ng reporma at pagbubukas, pag-unlad ng sosyalistang market economy, pagtatatag ng makabagong sistema ng mga bahay-kalakal, pagharap sa krisis na pinansyal at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan."

Sa kabila ng mga natamong bunga, meron pa ring problema ang mga hukumang Tsino, bagay na humahadlang sa pagpapatingkad ng kanilang papel. Halimbawa, ang pag-unlad ng mga hukuman ay hindi kumukumporme sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan; ang kanilang kakayahan sa paglilitis ay hindi nakakatugon sa kahilingan ng mga mamamayan; dahil sa kalidad ng ilang personel ng mga hukuman, meron pa ring kahirapang lubusang maisakatuparan ang katarungan.

Bilang tugon sa naturang mga problema, sinabi ng punong mahistradong Tsino na sa kasalukuyang taon, patuloy na pasusulungin ng mga hukuman ang reporma at higit sa lahat, kukumpletuhin ang judicial proceedings na tulad ng pagpapabuti ng muling paglilitis sa kaso ng hatol na kamatayan. Isinalaysay pa ng punong mahistrado na:

"Dapat ding pabutihin ang reporma ng pagsusuperbisa sa paglilitis at reporma sa sistema ng paglilitis at pagpapatupad at saka dapat pag-isahin ang mga judicial standards at pabutihin ang jury system. Dapat ding isagawa ang reporma nang may katatagan at kaayusan."