• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-19 16:45:58    
Environment-friendly energy, nagpapabago sa pamumuhay ng mga pastol

CRI
Sa malawak at malaking damuhan sa rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina, kung makikita ninyo ang mga purok panirahan ng mga pastol, matutuklasan ninyo ang mga wind power dynamo doon. Sa pamamagitan ng naturang mga dynamo, ginamit ng mga pastol na namumuhay sa grassland hangin at sinag ng araw para makalikha ng koryente para kanyang pang-araw-araw na pamumuhay at produksyon.

Malawak na malawak ang rehiyong autonomo ng Inner Mongolia, at mayroon itong humihigit-kumulang 1.2 milyong kilometrong lawak ng lupa, at ito ay katumbas ng mahigit 12.5% ng lawak ng lupain ng estado, kabilang dito, ang lawak ng damuhan ay katumbas ng mahigit 70%. Sa nasabing malawak na rehiyon, kung gagamit ng electric power network mangangailangan ng malaking-malaking pondo. Umaasa ang mga pastol na namumuhay sa damuhan sa hene-henerasyon na makakagamit ng home-wiring.

Sa bayan ng Dongwuzhumuqin, mayaman at mabuti ang float grass dito, at ito ay isang kilalang bayan sa industriya ng paghahayupan sa buong bansa. Mayamang mayaman ang mga pastol doon, ngunti wala silang koryente. Hindi sila nakakapagtamasa ng kasalukuyang modernong produksyon at pamumuhay. Sinabi ng pastol na si Chaolun Bateer na:

"Sa kasalukuyang lipunan, mahalagang mahalaga ang koryente, at kulang na kulang kami nito sa lugar na pastulan. Kung magkakaroon ng koryente, mag-iiba ang kalagayan ng rehiyong ito."

Nang mabanggit ang wind power at yamang arawan sa Inner Mongolia, mayamang mayaman ito, at ang wind power na nagagamit ay nasa unang puwesto sa Tsina, at ang kabuuang dami ng sunlight at sunradiation ay nasa ikalawang puwesto sa bansa, kaya ang sapat na wind power at yamang arawan ay nakakapagbigay ng mabuting kondisyon para sa pagpapaunlad at paggamit ng Inner Mongolia ng bagong enerhiya. Upang malutas ang isyu ng enerhiya sa mga lugar na pastulan, mula noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, sinimulan ng rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia ang gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad at paggamit sa bagong enerhiya, at naglaan din ang bansa ng maraming pondo para rito. Nitong 20 taong nakalipas, nagtamo ng bunga ang pag-aaral, produksyon at pagtataguyod sa bagong enerhiya sa lokalidad, at napapalaganap sa kabuuan ang wind and solar power dynamo sa lugar na pastulan.

Ang matagumpay na pagpapaunlad at pagpagamit ng mga lugar na pastulan ng Inner Mongolia sa mga bagong enerhiya na gaya ng solar at wind power, ay nakatawag ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig. Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang Inner Mongolia ng maraming proyektong pangkooperasyon sa mga bansang kinabibilanbgan ng Estados Unidos, Holland, Italya, Espanya at iba pa.

Sinabi ni Chaolun Bateer, pastol, na lubusang nabibiyayaan ang bagong sistema ng koryente ng, mahabang mahabang panahon ng sinag ng araw sa mga lugar na pastulan, kaya mayamang mayaman sa araw. Talagang praktikal ang paglikha ng koryente sa pamamagitan ng solar power:

"Mas matatag ang power ng solar generate electricity system kaysa sa single wind power dynamo. Nitong ilang buwang nakalipas sapul nang gamitin ang nasabing bagong produkto, hindi kailanma'y lumitaw ang power cut. May garantiya ang teknolohiya ng nasabing electric generating system, at simple lang ang pag-o-operate nito, kaya maraming pastol ang nagbabalak na bumili nito."

Sinabi naman ni Chaoke Saiyin, tagapangulo ng samahan ng siyensiya't teknolohiya ng Dongwuzhumuqin na nitong ilang taong nakalipas, pinauunlad ng rehiyong autonomo ng Inner Mongolia ang maraming malinis na bagong enerhiyang panteknolohiya, at ang pagtataguyod at pagpapalaganap sa nasabing mga teknolohiya ay nagpapabuti sa pamumuhay ng mga pastol:

"Para sa mga pastol sa Dongwuzhumuqin, ang paglitaw ng pagtataguyod at paggamit sa bagong enerhiya mula sa wala, hanggang noong katapusan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, nang simulan ang pagpapaunlad at paggamit ng wind power electric generator, ay isang milestone sa paggamit ng bagong enerhiya, kaya nabago nang malaki ang pamumuhay ng mga pastol."