• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-26 16:00:08    
Sabihin ang aso sa Taon ng Aso

CRI
A: Ang ika-29 ng Enero ng taong ito ay Spring Festival ng Tsina o higit na kilala bilang Chinese New Year diyan sa pinas. Ayon sa tradisyonal na kalendaryong Tsino na kinakatawan ng 12 hayop, ang kasalukuyang taon ay taon na aso. Ngayon, isasalaysay namin sa inyo ang hinggil sa 12 hayop na ito, lalong lalo na ng aso. Alam mo ba kung anu-ano ang mga hayop na kumakatawan sa tradisyonal na kalendaryong Tsino?

B: Oo! 12 uri ng hayop na magkakasunod na naghahalinhinan sa isa't isa alinsunod sa annual cycle ng kalendaryong Tsino, ang mga ito ay ang daga, ox, tigre, kuneho, dragon, ahas, kabayo, kambing, matsing, tandang, aso at baboy. Maraming lumitaw na paliwanag kaugnay ng pinagmulan ng 12 kinatawang hayop. Ipinalalagay ng iba na ito ay resulta ng pag-uugnayan ng paraan ng pagbilang ng taon noong sinaunang panahon ng nasyong Huaxia at ng pagbilang ng minoriya ng taon sa pamamagitan ng hayop; may nagpapalagay naman na ang 12 kinatawang hayop ay galing sa India. Kabilang dito, ipinalalagay ng isang paliwanag na ang pagpili at pagsasaayos ng naturang 12 hayop ang ayon sa mga aktibidad ng mga hayop bawat araw. Noong Dinastiyang Han ng Tsina noong ika-3 siglo B.C. dito sa Tsina, ang isang araw ay katumbas ng 12 oras.

A: Tama! Ang Zishi ay mula ika-11 ng gabi hanggang ala-una ng kasunod na umaga, at sa mga oras na ito, pinakamasigla ang mga daga na nasa unang puwesto. Alinsunod dito, mula ika-7 hanggang ika-9 ng gabi ay ang Xushi kung kailan nagsisimulang maging alerto ang mga aso para maipakita ang kanilang katapatan at kahandaan para sa pakikibaka, kaya nasa ika-11 puwesto ang aso. Sa okasyon ng taon ng aso, ilalahad namin sa inyo kung ano ang aso sa kulturang Tsino.

B: Ang aso ay itinuturing na pinakamatapat na kaibigan ng tao. Dito sa Tsina, marami at makulay ang mga temang may kinalaman sa aso, at nakakatuwa sila.

Ang aso ay ipinalalagay na hayop na may damdaming tao, at ang mga kuwentong kinabibilangan ng pagliligtas at pangangalaga ng aso sa panginoon nito at mga katulad na kuwento ay popular hindi lamang sa Tsina, kundi maging sa ibang bansa.

A: Ang aso ay iginagalang at minamahal ng Man Nationality ng kahilagaang Tsina, at ito ay may kinalaman sa kanilang ninuno na si Nurhachi.

Si Nurhachi ay namuhay noong katapusan ng ika-16 siglo hanggang unang dako ng ika-17 siglo. Siya ang tagapagtatag ng Dinastiyang Qing--pinakahuling dinastiyang piyudal ng Tsina. Bago ang Dinastiyang Qing ay ang Dinastiyang Ming. Ayon sa alamat, sinalakay daw si Nurhachi minsan ng tropa ng Ming Dynasty. Tumakas siya kasama ng isang dilaw na aso na naging kasama niya bawat araw. Dahil wala na siyang mapagpilian, tumalon na lang si Nurhachi sa bangin. Hindi siya namatay, ngunit nawalan siya ng malay. Pagkatapos nito, hinagisan siya ng mga sundalong Ming ng mga magliliyab na kahoy na panggatong para patayin siya. Pagkaraang lumayo ang mga sundalong Ming, tumalon sa ilog ang dilaw na aso para basain ang kanyang katawan, at pagkatapos nito, pinatay niya ang apoy sa katawan ni Nurhachi, nang sa gayo'y nailigtas si Nurhachi, ngunit namatay ang dilaw na aso dahil sa pagkasunog at matinding pagod.

Pagkaraan nito, itinatag ni Nurhachi ang estadong Jin na naging estadong Qing , at pinag-isa nito ang buong Tsina, at ang mga aso, ang nagsilbing matapat na kaibigan ng mga mamamayan ng Man Nationality.

B: Ang aso ay tapat na tapat sa tao. May isang kawikaan sa Tsina na "serve like a dog and a horse", at ito ay nagpapakita ng kusang-loob na pag-aalok ng serbisyo sa tao.

Ang mga tao ay may impresyong aso ay mayumi, tapat at kaibig-ibig. May masabihan na "good luck comes after dogs". Kung may maliligaw na aso sa sambahayan sinuman, isang karangalan na ampunin nila ito, dahil ito ay nangangahulugan ng pagdating ng yaman. Ipinalalagay ng maraming alamat na ang aso ay may kapanguarihan na pigilin ang kalamidad.

A: Noong katapusan ng 2005 hanggang unang dako ng 2006, maraming bansa't rehiyon ang nagpalabas ng new year stamp ng "Year of the Dog ng Tsina", at marami itong makukulay na uri. Kasabay nito, ang mga artwork para sa taon ng aso ay nagsisilbing mga panindang gustung-gustong bilhin ng mga tao. Bukod dito, ang mga mascot na may kinalaman sa aso ay may mga mabuting pangalan na gaya ng "wealth dog" at "watchdog", at mayroon silang nakakatuwang ekspresyon ng damdamin bilang pagsalubong sa taon ng aso.