
Ang Guangzhou ng lalawigang Guangdong ay nagsisilbing pasukan at labasan sa katimugan ng Tsina. Ito ay makikita sa pagitan ng Baiyun Mountain at Pearl River sa hilagang gilid ng Zhujiang Delta. Ang matabang kapatagan ng delta na pinagkukrusan ng mga ilog ay nalalatagan ng mga palayan at tubuhan at natatamnan ng mga mulberry at iba pang tanim at punungkahoy.
Sa klima nitong subtropical, ang Guangzhou ay mainit at umido at may makakapal na dahon sa buong taon.

Ayon sa isang alamat, noon raw sinaunang panahon, itong Guangzhou ay dinalaw ng limang diyos-diyosan na kasakay sa mga kambing. Namahagi sila sa mga lokal na mamamayan ng mga tilos ng palay kasabay ng pagsasabing "sana hindi kayo magutom magpakailanman." Kaya tinawag din ang Guangzhou na lunsod ng limang kambing.
Ang pinakabagong atraksiyon ngayon sa Guangzhou ay ang Guangzhou Zoo. Ang Zoo na ito na binuksan noong 1950's ay umaakit ng 4 na milyong nagmamahal sa hayop bawat taon sa napakaraming barayti nitong mga hayop at ibon kasama na ang mga panbihirang ispisis.

Pagkaraan ng 50 taong pagpapaunlad rito, ang Guangzhou Zoo ay naging isa nang malaking parkeng panglibangan na hindi lamang nagtatanghal ng mga hayop kundi nag-aalok pa ng saya at pagkain.
Ang Zoo ay binubuo ng pangunahing purok ng pagtatanghal, paraiso ng mga ibon, purok ng mga kilalang lahi ng aso, purok na tinatawag na daigdig ng mga dragon, at isang hardin na kung saan maaaring palipasin ang oras sa pagkakaunawaan.

Ang pangunahing purok ng pagtatanghal ay kakikitaan ng mga hayop na tulad ng orangutan, oso, leon, tigre, hippopotamus, agila, unggoy, panda, elepante, zebra, rhinoceros at giraffe. Ang paraiso naman ng mga ibon ay may 100 ispisis ng mga ibon na kinabibilangan ng red-billed leiothrixes at serpent eagles. Maaari ring katuwaan ng mga bisita ang pagtatanghal ng mga sinanay na hayop.
Sa pagpunta ninyo sa Guangzhou, maari kayong tumuloy sa White Swan Hotel na nasa No.1 South Shamian Street; People's Hotel na matatagpuan sa No.207 Changdi; Dongfang Hotel sa Xicun Road at Oversseas Chinese Hotel na nasa Qiaoguang Road.
|