• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-02 22:36:23    
Dumpling ng Tsina

CRI
Ang Jiaozi o Chinese Dumpling ay isang tradisyonal na pagkaing Tsino, na hindi puwedeng wala sa panahon ng kapistahan sa hilagang Tsina. Ang Chinese Dumpling ay naging isa sa pinakagustong kainin sa Tsina. Dahil marami ang dahilan nito. Narito ang ilan.

Mga pagkaing pambagong taon
Ang Chinese Dumpling ay isa sa pinakamahalagang pagkaing inihahain tuwing bagong Taon ng Tsina. Dahil ang hugis ng Chinese Dumpling ay katulad ng sa sinaunang gold o silver ingot ng Tsina, ang mga ito'y simbolo ng kayamanan. Isang kaugalian ng ang pagtitipon-tipon ng mga maiyembro ng pamilya upang gumawa ng mga dumpling sa bisperas ng Bagong Taon. Kung minsa'y nagtatago sila ng isang barya sa isa sa mga dumpling. Ang sinumang makatagpo sa barya ay malamang na magkaroong ng mabuting kapalaranx sa Bagong Taon. Popular din ang Chinese Dumpling sa iba pang holiday o kapistahan ng Tsina, kaya ito'y isang bahagi na ng kultura o tradisyon ng Tsina.

Mga Piling Pagkain
Masarap ang Chinese Dumpling. Makagagawa ka ng iba't ibang klase ng Chinese Dumplings na gumagamit ng iba't ibang palaman nang ayon sa iyong panlasa at kung papaano mo pagsasahugsahugin ang iba't ibang palaman.

Isa para sa lahat
Karaniwang kapag Chinese dumpling ang iyong pananghalian, hindi na kailangang magluto ka pa iba liban kung may malalaking okasyon. Ang dumpling mismo ay mainam para sa pananghalian. Ito ang isa sa mga bentahe ng Chinese Dumplings kaysa sa ibang pagkain, bagama't matagal itong gawin.

Ugnayan ng pamilya
Talagang kailangang magtulungan sa paggawa ng dumpling. Kadalasa'y kasali ditto ang buong pamilya. Nagsimula akong gumawa ng dumplings noong bata paako, kaya karamihan sa mga Tsinong kagaya ko ay marunong gumawa ng dumpling. Mahusay akong gumawa ng dumplings, lalo na sa paggawa ng balat na siyang pinakamahirap sa paggawa ng dumplings.

Paghahatid ng mga kaibigan pauwi
Ang Chinese dumplings ay magalas na siyang pabaon para sa mga kaibigan o mga miyembro ng pamilya. Marahil ito'y isa ring kaugalian na.

Resipi
Ang madalas gamiting palaman ng dumpling ay karne ng baboy, baka at kambing, at saka isda at hipon na kadalasa'y sinasamahan ng mga gulay. Madalas ding gamiting palamang gulay ang repolyo, sibuyas at kutsay. Ang sawsawan ng dumpling ay yaong toyong may kasamang bawang, luya alak, sili at saka suka.