• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-07 16:12:55    
YiXing, tinubuang-bayan ng palayok

CRI
Isa na namang lunsod panturismo ang bibisitahin natin ngayon. Bagay na bagay ito sa mga mahilig sa pottery. Ito ay ang Lunsod ng Yixing na nasa kanlurang pampang ng Lawa ng Taihu, 50 kilometro mula sa dakong timog ng Changzhou. Ang buong tanawin ng lunsod ay pinatitingkad ng mga burol at katubigan at ang purok naman na maburol ay katatagpuan ng malalaking yungib. Limang libong taon nang ginagawa dito ang pottery na ang katanyagan ay natamo sa panahon ng mga Dinastiyang Ming at Qing. Magpahanggang ngayon patuloy na rin ang Yixing sa paggawa ng pottery at ito ay nakakapagprodyus ng 6500 variety ng pottery na kinabibilangan ng terra-cotta wares na kung saan ito ay kilala.

Kung pupunta kayo sa Zhuliang Village, 25 kilometro sa timog-kanluran ng Yixing, huwag kayong magkakamali na hindi bisitahin ang Shanjuan Cave sa burol ng Luoyan. Ang karst Cave na ito ang kauna-unahang makasaysayang lugar sa timog ng Ilog Yangtze. Ang limang-libonh-metro-kuwadradong kuwebang ito ay may 4 na lebel. Ang pinakamababa ay isang waterway sa ilalim ng lupa. Sa 4 na lebel, ang mas mababa ang pinakakaakit-akit. Marahil dahil sa ito ay dinadaanan ng tubig. Ang makitid na nakabababang kuweba na naglalaman ng waterfall ay nakaugnay sa water cave na may habang 120 metro kung saan ang mga turista ay makakapamangka sa paikit-ikit na ilog sa ilalim ng lupa. Ang iba sa mga stalactites sa kuweba ay 7 metro ang haba.

Hindi rin dapat lampasan ng mga turista ang Zhangguong Caves. Ang mga kuwebang ito ay nasa Burol ng Yufneg na mga 22 kilometro sa timog-silangan ng Yixing. Ang pangalan nito ay isinunod sa pangalan ni Zhang Guolao, isang katandaang Taoista na minsan ay nanirahan dito. Ang Zhanggong Cave ay binubuo ng 72 maliliit na kuweba na may kabuuang habang 1000 metro at may lawak na mahigit 3000 metro kuwadrado. Sa loob ng kuweba ay may 1500 baytang na pawang hinugis sa pamamagitan ng kamay. Ang mga ito ay nagsisimula sa ibaba papunta sa itaas ng kuweba.

Ang pangatlong pinakamalaking kuweba ng Yixing ay ang Linggu Cave na may kabuuang lawak na mahigit 2400 metro kuwadrado at may kabuuang habang 347 metro. Ang Linggu ay nasa Yangmu Tea Farms, 6 na kilometro mula sa Zhanggong Cave. Ang limang bulwagan nito ay laglalaman ng stalactites, stalagmites, mga batong bulaklak at haligi. Karamihan sa malalaking bato nito ay nauukitan ng mga tula na sinulat ng mga turista ng Dinastiyang Song, Ming at Qing.

Ang lunsod ng Yixing ay kilala sa mga terra-cotta wares nito. Simple lang ang hugis at may kulay na liso, ang mga teapots, plorera, gamit sa pagluluto at iba pang gamit na gawa rito mula sa putik na dito rin matatagpuan ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa buong mundo. Sinasabing ang terra-cotta teapots ay nagdadagdag ng espesyal na bango sa tsaa na kinakanaw dito.

Sa inyong pamimili dito ng pottery, inirerekomenda namin ang mga sumusunod na department stores: ang Yixing First Department Store na nasa kahabaan ng Renmin Road, ang Yixing Arts and Crafts Service Department na nasa South Renmin Road at ang Yixing Pottery Wares Shop na nasa South Renmin Road din.

Sa hotel naman, ang pinakamaganda ay ang Yixing Hotel na nasa No.1 South Renmin Road.