• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-16 22:01:15    
Seguro, pumasok sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino

CRI
Kasunod ng walang tigil na pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, bumubuti nang bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan, wala nang problema para sa mga mamamayang Tsino ang pagkain at damit . Ang pansin nila ay dumadako sa isyu ng kanilang kaligtasan at kalusugan. Sa bagong tunguhing ito, ang industriya ng seguro ay unti-unting pumasok sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.

Si Miss Zhao Jinming na nagtapos noong isang taon sa Unibersidad ng Ekonomiya at Kalakalan ng Kabisera ay nagtatrabaho ngayon sa isang kompanya ng pagpapalaganap ng kultura sa Beijing. Nang makaipon siya ng pera, bumili siya ng health insurance. Nang tanungin siya kung bakit siya bumili ng seguro, binanggit niya ang isang espesyal na karanasan niya,

"Ang Tatay ng isa sa mga kaklase ko ay biglang nagkasakit nang malubha, Sa kabutihang palad ay mayroon siyang health insurance . Kung walang nito, sasarilihin niya ang lahat ng gastos sa kanyang pagpapagamot. Nagkaapekto itong malaki sa akin kaya at ipinasiya kong bumili ng health insurance."

Iba ang kaso ni Mr. Li Qing. Si Mr. Li Qiang ay isang propesyonal. Bumili siya hindi lamang ng health insurance, kundi maging ng seguro para sa kanyang bagong kotse. Sinabi niyang,

"Sa ngayon, maraming sasakyang de motor at tao sa mga daan, at saka maraming tsuper na baguhan. Hindi maiiwasan ang mga aksidente. Kapag nasira ang inyong kotse sa isang sakuna, ang gastos sa pagpapagawa nito ay mapupunta sa kompanya ng seguro. Sa gayo'y maiwasan ang pinsala sa indibituwal."

Noon, kung may pera ang mga mamamayang Tsino, karaniwang inilalagak nila ang mga ito sa bangko. At sa kasalukuyan, ang pansin ng mas maraming taon ay dumako sa kung papaanong palalakihan ang halaga ng pera nila. Ang pagbili ng seguro ay isa sa mga paraan ng mga mamamayan sa pagpapalaki ng halaga ng pera nila. Ang paraang ito ay naging isa nang mahalagang pagpili ng mga mamamayan sa paghawak sa kanilang pera.

Si Mr. Shen Zhicun ay may limang taong karanasan sa pagtatrabaho sa industriya ng impormasyon at interesadong interesado siya sa paghawak sa ari-arian niya. Bumili siya noong isang taon ng bonus insurance. Sa gayo'y makakakuha siya ng takdang bonus taun-taon mula sa kompanya ng seguro na binayaran niya,

"Ipinaalam sa akin noon ng isang kaibigan ko ang tungkol sa bunus insurance. Bumili na siya ng bunus insurance at ipinalalagay niyang ang segurong ito ay mas bagay sa mga nakababata, kaya, inudyukan niya akong bumuli ng segurong ito. Sa tingin ko, may dalang benipisyo ang pagbili ng segurong ito: una, makapagbibigay ito ng proteksyon sa inyo, kung may magaganap na aksidente sa panahong ito ng pagbayad ninyo ng seguro, at ikalawa, makapagbigay ito ng takdang benipisyo (bonus) sa inyo. Bagama't mababa ang bonus na ito, malaki pa rin ito kaysa tubo sa deposito sa bangko."

Ang pagbibigay ng mga mamahaling regalong gaya ng de kalidad na sigarilyo at alak at iba pa pag dumdalaw sa isang kaibigan o kamag-anak kung may okasyon ay isang tradisyon ng Tsina. Ibang iba na ngayon. Nagiging uso na ang pagbibigay ng insurance policy form o software sa punong abala. Si Mr. Liu Hai, isang manggagawa sa isang empresang dayuhan ay bumibili taun-taon ng seguro para sa kanyang pamangkin. Sa tingin niya, ang pagbili ng seguro para sa kanyang pamangkin ay pinakamabuting paraan ng pagpapakita ng kanyang kagandahang loob.

Ang nabanggit na pagbabago na naganap sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay nagpapakita ng pagbabago ng mga tao sa kosepto at estilo ng pamumuhay. Kasunod ng walang tigil na pagpapabuti ng sistema ng socialist market economy, nagbabago rin ang konsepto ng kaligtasan at kalusugan ng mga tao. Sinabi ni Mr. Hao Yansu, isang kilalang mananaliksik sa larangan ng seguro ng Tsina,

"Umuunlad pa ngayon ang ideya ng mga mamamayan hinggil sa seguro. Nitong nakaraang ilang taon, isinasagawa ang reporma ng endowment insurance at medical insurance, kaya nagbabago ang dating mga sistema at regulasyon. Ang mga mamamayan ay naghahanap ngayon ng isang bagong paraan para mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at pamumuhay. Ang bagong paraang ito ay ang seguro."

Sa kasalukuyan, ang negosyo ng pamilihan ng seguro ng Tsina ay unti-unting lunmalawak at bumubuti at dumarami rin ang klase ng iba't ibang seguro. Maraming mapagpipilian ang mga mamamayan sa pamilihan ng seguro.