• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-16 22:02:34    
Pablo Cruz: Natanggap ko na ang padala ninyong mga t-shirts at isang organizer, Thanks a lot

CRI
Dear Filipino Service,

Kumusta sa inyong lahat!

Natanggap ko na ang padala ninyong mga t-shirts at isang organizer. Ito yata iyong para sa pagsali ko sa inyong Knowledge Contest: Guangxi. Thanks a lot.

Napapakinggan ko ang inyong transmission sa 11.700 at 12.115 mgz. tuwing gabi.

Maraming nagtatanong kung bakit may mga souvenir items ako mula sa CRI at kung paano ako nagkaka-meron. Sabi ko regular listeners ako at nakikinig ako araw-araw. Interesado rin ata silang makinig.

By the way, ang sagot ko sa inyong guessing games ay

TITANIC

Napakinggan kong lahat ang mga features ninyong tungkol sa Qiang Nationality, Turpan, Ancient Web Sites, New Discoveries at inyong mga pagkain sa Cooking Show na gaya ng Bean Curd.

Mahigit isang taon pa lang akong nakikinig sa inyo pero ang study table ko puno ng mga souvenir items na regular ninyong ipinadadala sa akin. Meron akong stickers, pennants, paper-cuts, post-cards at bookmarks. Salamat ng marami sa inyo.

Sisikapin kong maging regular din ang pakikinig ko sa inyong Dear Seksiyong Filipino (lalung-lalo na) Alam Ba Ninyo, Balita, Filipino version ng Current Affairs, Chinese Culture, Music at iba pang programs.

Hanggang dito na lang at God Bless your service.

Pablo Cruz,
San Juan, Cabangan
Zambales, Philippines