• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-17 21:16:48    
Yuanxiao Festival at Budismo ng Tsina

CRI
May isang kuwento hinggil sa pinagmulan ng Yuanxiao Festival na may kinalaman sa Budismo.

At ito ay ang sumusunod: unang nakapasok sa Tsina ang Buddhism noong unang siglo sa panahon ni Emperador Mingdi ng Eastern Han Dynasty. Gayunman, hindi ito nagkaroon ng anumang malaking impluwensiya sa mga Tsino. Isang araw, napanaginipan ni Emperador Mingdi ang isang gintong lalaki, gold man, sa kanyang palasyo. At noong aktong tatanungin niya ang iyong misteryosong tao kung sino siya, bigla itong umakyat sa kalangitan at nawala sa gawing kanluran. Nang sumusunod na araw, ipinadala ni Emperador Mingdi ang isang iskolar bilang pilgrim sa India upang hanapin ang kinaroroonan ng mga Buddhist scripture. Pagkatapos ng libu-libong milyang paglalakbay, bumalik ang iskolar na ito na dala ang mga scripture. Inutusan ni Emperador Mingdi na itayo ang isang templo na paglalagayan ng istatwa ng Buddha at pagtataguan ng mga scripture. Sa dahilang naniniwala ang mga mananampalataya sa Buddhism na nakakapagtaboy sa kadiliman ang kapangyarihan ng Buddha, inutusan ni Mingdi ang kanyang mga tauhan na maglagay ng mga nagliliwanag na parol sa panahon ng noo'y magiging Lantern Festival.

Sa gayon, nananatili ang kaugalian ng pagpapailaw ng mga parol. Gayunman, ang mga parol ay nagdevelop mula sa maliliit na parol na madaling gawin hanggang sa mga may iba't ibang kulay at hugis. Ang scale din ng selebrasyon ay nagsimulang lumaki.

Hanggang sa panahon ng Sui Dynasty noong ika-6 siglo, inaanyayahan ni Emperador Yangdi ang mga sugo ng ibang bansa sa Tsina para makita ang mga makukulay na nagliliwanag na parol at ma-enjoy ang mga gala performance.

Noong ika-7 siglo sa pagsisimula ng Tang Dynasty, tumatagal nang tatlong araw ang pagtatanghal ng mga parol. Itinaaas din ng emperador ang curfew at pinayagan ang mga tao na buong magdamag na mag-enjoy sa mga festive lantern. Hindi mahirap hanapin ang mga tulang Tsino na naglalarawan ng masayang pangyayaring ito.

Noong panahon ng Song Dynasty, limang araw na sinkad na ipinagdiriwang ang pistang ito at natatagpuan ang mga aktibidad sa maraming malalaking lunsod sa Tsina. Ang mga makukulay na salamin at kahit na ang jade ay ginagamit sa paggawa ng mga parol, at ang larawan ng mga tao sa mga alamat ay ipinipinta rin doon bilang dekorasyon.

Gayunman, naganap noong unang dako ng ika-15 siglo ang pinakamalaking selebrasyon ng Lantern Festival na tumagal nang 10 araw.

Noong unang dako ng ika-15 siglo, naganap ang pinakamalaking selebrasyon ng "Lantern Festival" na tumagal nang 10 araw. Ang punong tagapagtaguyod nito ay si Emperador Chengzu.

Inilaan niya ang isang bahagi ng downtown area bilang sentro ng eksibisyon ng mga parol. Kahit ngayon, may isang lugar dito sa beijing na tinatawag na Dengshikou. Sa wikang Tsino, ang Deng ay nangangahulugan ng parol, at ang Shi naman ay palengke. Nagmistulang isang palengke ang lugar na ito kung saan ang mga parol ay ipinagbibili tuwing Lantern Festival. At pagsapit naman ng kinagabihan ng kapistahan, pumupunta rito ang mga tao para kasiyahan ang mga nakatanghal na magagandang nagliliwanag na parol. Ngayon, ang pagtatanghal ng mga parol ay nananatili pa ring isang malaking pangyayari tuwing ika-15 araw ng unang lunar month sa buong Tsina. Halimbawa sa Chengdu, kabisera ng Sichuan Province sa gawing timog kanluran ng Tsina, idinaraos ng mga tao ang lantern fair taon-taon sa Cultural Park. Sa panahon ng Lantern Festival, talagang nagiging isang "ocean of lanterns" ang park na ito! Nakaakit sa di-mabilang na bisita ang maraming pinakahuling disenyo. At ang pinakakapansin-pansin sa mga ito ay ang "Dragon Pole". Ito ay parol na nasa hugis ng isang malagintong dragon na nag-iispayral pataas sa isang pole na may taas na 27 metro at nagbubuga ng mga paputok sa bibig. Ito ay tunay na isang impresibong tanawin!