• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-24 10:49:40    
Apat na kagamitan sa silid-aralan ng Tsina: writing brush

CRI

Kapag napag-uusapan ang Chinese Art, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao ay ink paintings at calligraphy.

Ang writing brush ay isang perpektong kombinasyon ng practicality at artistry. Sa kasalukuyan, ang pinakamahusay na writing brush ay yari sa balahibo ng lobo o buhok ng kambing, at hindi magkapareho ang effects ng magkaibang brush.

Ang pinakamatandang writing brush ay natuklasan noong mahigit 3000 taon na ang nakalilipas, noong Panahon ng Spring at Autumn ng dinastiyang Eastern Zhou. Nadiskubre ito sa libingan ng isang marquis sa lalawigang Hubei sa gitnang Tsina. Sabi ng mga archeologists ang brush na ito ay ginawa raw sa pagitan ng 770 B.C. at 476 B.C. Ang mga writing brush noong panahong iyon ay karaniwang ginagamit sa pagsulat sa silk o sa mahaba't makitid na piraso ng kawayan.

Hindi makukumpleto ang diskusyon sa kasaysayan ng writing brush hangga't hindi nababanggit ang pangalang Meng Tian, isang tanyag na heneral ng dinastiyang Qin. Laganap ang isang kuwentong "Si Meng Tian ang lumikha ng Writing Brush". Isinalaysay rito kung paano niya ginamit ang kumplikadong proseso ng paggawa ng mga writing brush na yari sa kahoy, balahibo ng usa at buhok ng kambing. Sa katunayan, nanatili na ang writing brush sa loob ng ilandaang taon bago isilang si Meng Tian, pero siya ang nakatulong sa pagpapaunlad sa mga ito. Ang kanyang bayang-tinubuang Huzhou sa lalawigang Zhejiang sa timog silangang Tsina ay naging tanyag dahil sa mga gawa nitong Huzhou brush, ang kilalang-kilalang brush na yari sa balahibo ng kambing sa Tsina.

Inilarawan ni Zhang Xiaoyong, isang katutubong Huzhou kung paanong nagawa ang Huzhou brush. Anya, "Dapat muna tayong mag-ipon ng mga hilaw na materyal na gaya ng balahibo ng kambing para sa ulo ng brush at kawayan para sa tatagnan." Pagkatapos dapat nating alisin ang natural oil sa balahibo, dahil kung hindi ay hindi ito kakapitan ng tinta. Pagkatapos nito, pararaanin natin ang balahibo sa bleaching process at paraan ng pagpapalambot para madali itong masulatan.

Sa ngayon, napakadaling bumuli ng isang boteng ready-made ink at simulan ang pagpapraktis ng calligraphy, pero iginigiit pa rin ng mga batikang artist ang paghahanda ng sariling tinta na, gumagamit ng inkstick at hinahaluan ng tubig habang ikinikiskis ito sa inkstone. Marahil ang isa sa dahilan ng paggigiit sa tradisyong ito, ay ang angking gilas sa paghahalo ng tinta, o kaya naman nakakatulong ito sa artist sa pagtitipon ng kanyang ideya at konsentrasyon. Nguni't mayroon ding napakapraktikal na kadahilanan. May ilang tao ang naniniwala na ang inkstick ay may taglay pa ring kalidad na hindi mapapantayan ng ready-made ink.