• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-27 10:59:42    
Pebrero ika-19 hanggang ika-25

CRI

Pagkaraang maganap ang landslide sa Lalawigan ng Southern Leyte ng Pilipinas, ipinasiya ng pamahalaang Tsino na magkaloob ng pangkagipitang tulong na kinabibilangan ng 250 libong Dolyares na cash at 750 libong Dolyares na tulong na materyal sa pamahalaang Pilipino bilang pagpapahayag ng pakikiramay. Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ipinaabot noong Lunes ni Li Jinjun, embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang naturang tulong na pondo sa pamahalaang Pilipino. Sa seremonya ng paglilipat, pinasalamatan ni Alberto Romulo, kalihim sa suliraning panlabas ng Pilipinas, ang pakikiramay at pagtulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at sinabi niya na ang pangkagipitang tulong na ito ay malaking pagkatig sa relief works at post-landslide reconstruction ng Pilipinas. Noong Huwebes at Biyernes, magkahiwalay ding nag-abuloy ang Red Cross Society ng Tsina at Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries ng 50 libong Dolyares at 10 libong Dolyares sa panig Pilipino bilang pagtulong at pagkatig sa gawaing panaklolo sa Southern Leyte.

Noong gabi ng ika-18, pumunta si Cui Luosheng, Consul General ng Tsina sa Cebu, sa lugar na pinangyarihan ng landslide para maglakbay-suri at magpahayag ng pakikiramay sa panig Pilipino. Kasama ni Cui ay sina Rosette Lerias, gobernador ng Lalawigang Southern Leyte at Gwendolyn Garcia, gobernador ng Lalawigang Cebu. Nagpahayag sila ng pagsasalamat sa pagtulong ng panig Tsino at sa aktibong paglahok din ng mga tauhan ng China Road and Bridge Company sa relief work.

Napag-alamang pagkaraan ng mahigit isang linggong relief works, natapos noong Sabado ng mga relief workers ang paghahanap ng mga nabubuhay pa na natatabunan sa ilalim ng putik at ipinatalastas nila ang pagsisimula ng gawain ng rekonstruksyon sa Southern Leyte. Sa kasalukuyang landslide, mahigit 900 tao ang namatay.

Pagkaraang binigo ang dalawang mutiny plot nagtatangkang ibagsak ang Pamahalaan, ipinatalastas noong Biyernes ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na pumasok na ang bansa sa state of emergency. Nauna rito, sinabi ni Generoso Senga, Puno ng Estado Mayor ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na igigiit ng panig militar ang pagkatig sa Pamahalaan ni Arroyo, at mahigpit na tutupdin ng lahat ng sundalo ang utos na militar.

Ipinahayag kahapon24 ng tagapagsalita ng ministring panlabas ng Singapore na nananangan ang Singapore sa patakarang isang Tsina at tumututol sa anumang unilateral na aksyong bumabago sa kasalukuyang kalagayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Kaugnay ng pagsasaalang-alang ng Taiwan sa pagpapawalang-bisa sa National Unification Council (NUC) at plataporma ng NUC, nagpalabas nang araw ring iyon ng pahayag ang nasabing ministri na nagsasabing ang aksyong ito ng panig Taiwanese ay hindi nakakabuti sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Nananangan ang Singapore sa patakarang isang Tsina at tumututol sa anumang unilateral na aksyong bumabago sa kasalukuyang kalagayan ng magkabilang pampang.

Nagdaos noong araw ng Linggo ng preskon ang Ministri ng Turismo ng Malaysia bilang panalubong sa mahigit 100 mamamahayag na Tsino na pumunta sa Malaysia para maglakbay-suri sa mga lugar na panturista roon. Sinabi sa preskon ni Donald Lim Siang Chai, pangalawang ministro ng turismo ng Malaysia, na mainam ang relasyong diplomatiko ng kanyang bansa at Tsina, lalung-lalo na ang kanilang kooperatibong partnership sa larangan ng turismo. Lubos na pinahahalagahan anya ng Malaysia ang pamilihang panturismo ng Tsina. Napag-alamang mananatili nang isa hanggang dalawang linggo ang naturang mga mamamahayag na Tsino sa Malaysia at pupunta sila sa mga lugar na panturista roon.