• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-02-27 16:57:01    
Ang nakaraan ng Yingtai

CRI
Sa mata ng mga Tsino ng siglong ito, ang pangalang Yingtai ay mas madalas na nagsisilbing paalaala ng trahedyang sinapit ni Emperador Guangxu. Inilukluk sa trono si Guangxu noong 3 taong gulang pa lang siya. Hindi siya nakialam sa mga suliraning pang-estado hanggang noong 1889 nang 18 taong gulang na siya at nang unti-unting humina ang pamunuang Qing dahil sa pagsasapanganib ng mga malakas na kapitbansa. "Hindi ko kailanman maaatim na makita ang pagwawakas ng imperyong ito." Minsan sabi ng batang emperador. Pagkatapos ng maraming pagkatalo ng Tsina sa lakas ng dayuhan, labis na ikinabagabag ni Kang Youwei at ng iba pang mga intelektuwal ang kahihiyahang dinanas ng bansa kung kaya't mula noong 1888, 7 beses na ipinaalaala nila sa korte ang pangangailangan ng reporma. Noon 1895, mahigit sa 1300 Ju-Ren, tawag sa wikang Tsina sa mga "second degree scholars" na nasa kabisera upang makisangkot sa pambansang eksamen sa "third degree Jin-Shi" ay bumalangkas at lumagda ng isang petisyon ang emperador para sa reporma. Ito ay kilala bilang "Gong Che Shang Shu" o "public vehicle memorial" sa kasaysayang Tsino. Pinangalanan ng ganoon ang pangyayari dahil ang mga "second degree scholars" ay pumunta sa kabisera para makisali sa eksaminasyon sa pamamagitan ng transportasyong isinuplay ng gobyerno. Ginampanan ni Kang Youwei ang papel bilang tagapag-organisa sa pangyayaring ito. Nong 1898, gumawa si Emperador Guangxu ng isang walang-takot na desisyong tanggapin ang kahilingan ng repormang institusyonal na iniharap nina Kang. Noong ika-11 ng Hunyo ng taong iyon, opisyal na ipinatalastas ng emperador na ang reporma ay "umuusad" na, at ang kanyang unang "kautusan" hinggil sa reporma ay nilagdaan at iniharap mula sa Yingtai.

Habang maaga ay sinugpo na ang "reform movement" ng mga konserbatibo sa korte na pinamumunuan ni Empress Dowager Cixi na ayaw magkaroon ang emperador ng anumang kapangyarihang magsalita sa mga suliraning pang-estado, lalo naman sa paggawa ng reporma. Noong gabi ng ika-20 ng Setyembre, 1898, sa tulong ni Gen. Yuan Shikai, pinilit ni Cixi ang batang emperador na iwan ang trono samantalang ipinahahayag nang pakunwari na bilang tugon sa paulit-ulit na kahilingan ng emperador hinggil sa pangangalaga sa mga suliraning pang-estado, napagpasiyahan niyang tumigil sa korte upang tumulong sa pamamahala sa mga suliraning pang-estado mula sa susunod na araw. Eksaktong 100 araw sapul nang ipatalastas ang kauna-unahang kautusan noong ika-11 ng Hunyo, kaya sa librong pangkasaysayan, ang "reform movement" ay madalas na tinutukoy na "Hundred Days Reform" at ang pangyayari noong ika-20 ng Setyembre, 1898 bilang "coup ng 1898".

Pagkatapos matamo ni Cixi ang kapangyarihan, pinatigil niya ang emperador sa Yingtai. Mula noon, si Guangxu ay naging hindi lamang isang pulitikal na persona-non-grata kundi biktima pa ng napakalupit na persekusyon.