• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-01 16:00:58    
Genghis Khan at Nasyonalidad ng Mongolia

CRI
Ang Inner Mongolia Autonomous Region na nasa hilagang Tsina ay may malawak na teritoryo kung kaya't ang bukirin dito ay para tuloy isang magandang berdeng alpombra na walang hangganan. Isang folk song ng Northen Dynasty ng Tsina (386-581AD) ang naglalarawan ng buhay na tanawin ng bukrin sa kahilagaan ng bansa. Ganito sa Chinese ang paglalarawan: "Chi Le Chuan, Yin Shan Xia. Tian Si Qiong Lu, Long Gai Si Ye. Tian Cang Cang, Ye Mang Mang, Feng Chui Cao Di Xian Niu Yang." Ganito naman kung isasalin sa Filipino: "Ang langit ay parang bodida na tumatakip sa bukirin ng Chi Le. Asul na asul ang langit, walang-hangganan ang pastulan, lumilitaw ang mga baka at tupa kung yumuyukod ang mga damo sa ihip ng hangin." Ang bukiring ito ay ang lupang-tinubuan ng mga henerasyon ng Nasyonalidad ng Mongolia mula noong sinaunang panahon. Sa kasalukuyan, ang populasyon nito ay umaabot na sa mga 5 bilyon. Ang Nasyonalidad ng Mongolia ay may sariling wika at literature. Napaunlad ng nomadikong pamumuhay ng Nasyonalidad ng Mongolia ang kanyang ugaling hindi napipigil at ang kanyang kaakit-akit na kulturang pastoral.

Sa sentro ng bukirin ng Erdus, matatagpuan ang isang malaki at dakilang palasyong may mayamang katangian ng mga gusali ng Nasyonalidad ng Mongolia. Tuwing ika-21 ng Marso, ika-15 ng Mayo, ika-12 ng Setyembre at ika-3 ng Oktubre, lunar year, maraming tao ang pumupunta dito para idaos ang iba't ibang memorial ceremony. Narito ang memorial park ni Genghis Khan na itinuturing na "banal na lugar" ng mga Mongalian.

Si Genghis Khan ay isang popular na nasyonalidad sa kasaysayan ng daigdig at isang bayani ng dangal ng lahing Mongolian. Noong 1206, itinatag niya ang bansang Mongolian sa hilagang Tsina. Sa mga sumunod na taon, naglunsad siya ng malawakang aksyong militar laban sa timog at kanluran at hindi siya natalo kailanman. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa maraming bansa at nasyonalidad ng Europa at Asya. Noong 1271, itinatag ng kanyang apong lalaki ang Yuan Dynasty.

Gayunman, dapat tukuyin na hindi gaya ng ibang emperyo, ang libingan ni Genghis Khan ay hindi tunay na libingan. Ang dahilan ay kaugalian noong araw ng mga Mongolian na sekretong paglilibing. Kaya hindi lamang hindi alam ng iba ang kinaroroonan ng isang libingan, ang mga inapo ng yumao ay walang kamuwang-muwang dito.

Ngayon, talakayin naman natin ang pagkain ng mga Mongolian. Sa mga tradisyonal na kapistahan o anumang okasyon ng pagdiriwang, tiyak na habandugan ang mga bisita ng mapuputing pagkain na gawa sa gatas. Ang mga pagkaing ito ay tinatawag na Zhaganyid sa Mongolian, sa madali't sabi, white food. Bukod dito, meron pang "red food" ang mga Mongolian na kung tawagin sa Mongolian ay Ulanyid. Sa katunayan, ang red food ay tumutukoy sa mga pagkaing may sahog na karne, pangunahin na karne ng baka at karne ng tupa, kung minsan, karne ng kamelyo. Sa pagtanggap ng mga bisita, ugali ng mga Mongolian na magsilbing karne ng tupa kasama ng buto, o buto at bituka kung karne ng baka. Sa kasalan naman, ang dapat lutuin ng mga kamag-anak ng babae ay iyong karne na nasa parting dibdib ng tupa bilang tanda ng pamamaalam sa kanya. Ang isang buong tupa naman ay madalas na ginagamit ng mga Mongolian bilang regalo o bilang isang mahalagang ulam sa bangkete para ipakita ang kanilang paggalang at pagpapahalaga.