• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 16:40:44    
Mga Partidong Demokratiko sa Tsina

CRI
May Partido Komunista ng Tsina dito sa Tsina, bukod dito'y mayroon pang 8 Partidong Pulitikal na tinawag na mga Partidong Demokratiko: Revolutionary Committee of the Chinese Kuomintang, Chinese Democratic League, China Democratic National Construction Association, China Association for Promoting Democracy, Chinese Peasants and Workers Democratic Party, China Zhi Gong Party, Jiu San Society at Taiwan Democratic Self-Government League. Ang nasabing mga Partidong Pulitikal, sa karaniwan, ay unti-unting nabuo at umunlad sa Digmaan ng Paglaban sa Agresyon ng Hapon at Digmaan para sa liberasyon ng buong bansa. Sa pulitika, tinatanggap ng mga Partidong Demokratiko ang pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, ito ay makasaysayang pagpili ng mga partidong pulitikal na ito sa kurso ng pangmatagalang pakikipagkooperasyon sa Partido Komunista at magkasamang pagpupunyagi. Ang iba't ibang Partidong Demokratiko ay nagtatamasa ng kalayaan sa pulitika, kasarinlan sa organisasyon at pagkakapantay-pantay sa katayuang legal sa loob ng saklaw ng mga tadhana ng Konstitusyon. Ang pundamental na prinsipyo ng kooperasyon sa pagitan ng Partido Komunista ng Tsina at ng iba't ibang Partidong Demokratiko ay "long-term coexistence and mutual supervision of the various parties, treating each other with all sincerity and sharing weal and woe".

Ang iba't ibang Partidong Demokratiko ay hindi partidkong hindi humahawal ng tungkulin at hindi ring partidong oposisyon. Ang mga Partidong Demokratikong ito ay mga partidong lumalahok sa mga suliranin ng pamahalaan at ng bansa. Sa Tsina ngayon, sa mga pirmihang lupon ng Kongresong Bayan sa iba't ibang antas, sa mga lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan, sa mga organisasyon ng mga pamahalaan at sa mga departmento ng ekonomiya, kultura, edukasyon, siyensiya't teknolohiya at iba pa, pawang may mga miyembro ng iba't ibang Partidong Demokratiko na nanunungkulan bilang mga namumunong kagawad. Halimbawa, ang mga kasalukuyang tagapangulo ng Komite Sentral ng walang Partidong Demokratiko ay nanunungkulan bilang mga pangalawang tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Kasabay nito'y naging mabilis din ang iniunlad ng mga miyembro ng iba't ibang Partidong Demokratiko. Sa iba't ibang lalawigan, rehiyong awtonomo, lunsod na tuwirang nasa ilalim ng Pamahalaang Sentral at sa iba't ibang malalaki at katam-tamang lunsod, pawang may mga organisasyon sa lokalidad at sa kababa-babaang yunit ng mga Partidong Demokratiko.