• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 16:41:27    
Sistema ng Multi-Partidong Kooperasyon at Konsultasyong Pulitikal

CRI
Ang Multi-Partidong Kooperasyon at Konsultasyong Pulitikal na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina ay isang pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina.

Ang Tsina ay isang bansang may maraming partidong pulitikal at mga grupo. Halimbawa, Partido Komunista ng Tsina na nasa poder. Bukod dito'y mayroon pang 8 partidong demokratiko. Bago itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, umiral na ang nasabing mga partidong demokratiko. Sa pulitika, tinanggap nito ang pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, ito ay makasaysayang pagpili na ginawa ng nabanggit na mga partidong demokratiko sa kurso ng pangmatagalang kooperasyon sa Partido Komunista at magkasamang pagpupunyagi. Ang pundamental na istandard ng mga aktibidad ng Partido Komunista ng Tsina at ng iba't ibang partidong demokratiko ay dapat mabatay sa Konstitusyon. Sa organisasyon, pawang nagsasarili ang iba't ibang partidong demokratiko at magtamasa kalayaang pulitikal, pagsasarili sa organisasyon at pagkakapantay-pantay ng katayuang legal sa saklaw ng mga tadhana ng Konstitusyon. Ang pundamental na prinsipyo ng kooperasyon ng Partido Komunista ng Tsina sa iba't ibang partidong demokratiko ay "long-term co-existence and mutual supervision of the various parties, treating each other with all sincerity and sharing weal and woe".

Ang iba't ibang partidong demokratiko ng Tsina ay hindi partidong di-humahawak ng tungkulin, hindi partidong oposisyon. Ang mga partidong demokratikong ito ay mga partidong lumalahok sa mga suliranin ng pamahalaan at bansa. Ang mga pundamental na nilalaman ng paglahok ng mga partidong demokratiko sa mga suliranin ng pamahalaan at bansa, ang paglahok sa konsultasyon na may kinalaman sa mahahalagang patakaran ng bansa at mga kandidato ng mga lider ng estado, paglahok sa pamamahala sa mga suliranin ng bansa at paglahok sa pagtadhana at pagsasagawa sa mga prinsipyo, patakaran, mga batas, regulasyon ng bansa.

Bago mag-adopt ang bansa ng mahahalagang hakbangin o gumawa ng kapasiyahan kaugnay ng mga suliraning may kinalaman sa pambansang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan, ang Partido Komunista ng Tsina ay dapat makipagsangguni sa mga partidong demokratiko at sa mga tauhan na demokratiko na walang kinasasapiang partido, malawakang makinig sa mga kuro-kuro at opinyon at pagkatapos nito, nabuo ang desisyong pampatakaran. Ang mga partidong demokratiko at mga taong walang kinasasapiang partido ay pawang ilang kinatawan sa Kongresong Bayan- mga organo ng kapayangrihan- at sa pirmihang lupon nito, mga pirmihang espesyal na komisyon at sa mga Kongresong Bayan sa iba't ibang antas sa lokal upang mas mabuting lumahok sa mga suliranin ng pamahalaan at bansa at patingkarin ang papel na tagapagsuperbisa, lubusang patingkarin ang papel ng mga partidong demokratiko at ng mga taong walang kinasasapiang partido sa CPPCC, irekomenda ang mga personahe ng mga partidong demokratiko at ng mga taong walang kinasasapiang partido upang manungkulan bilang mga namumunong kasapi sa mga pamahalaan sa iba't ibang antas at mga organong hudisyal.

Ang mga porma Multi-Partidong Kooperasyon at Konsultasyong Pulitikal, pangunahin na, ay mga sumusunod. Una, People's Pulitical Consultative Conference. Ang CPPCC ay mahalagang lugar ng paglahok ng iba't ibang partidong pulitikal at mga grupo, iba't ibang organisasyong pangmasa at mga kinatawan sa iba't ibang saray ng lipunan sa mga suliranin ng pamahlaan. Ikalawa, mga diskusyon na tinawag ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga Komite ng mga partido sa iba't ibang antas sa lokalidad. Ang nasabing mga diskusyon ay nilahukan ng mga partidong demokratiko at mga taong walang kinasasapiang partido. Ang mga diskusyong ito ay naglalayong magpaalam sa mga kinatawan ng mga bagong pangyayari, makipagsanggunian sa iba't ibang partidong demokratiko, makinig sa kanilang mga kuru-kuro at opinyon kaugnay ng mga mahahalagang prinsipyo at patakaran, mga listahan ng mga kandidato ng bansa at ng mga pamahalaang lokal, mga listahan ng mga kinatawan ng Kongresyong Bayan, mga deputado ng CPPCC. Ikatlo, sa mga Kongresyong Bayan sa iba't ibang antas, papaanong lalahok sa mga suliranin ng pamahalaan at magpapatingkad ng papel ang mga kinatawan ng Kongresyong Bayan sa mga kasapi ng mga partidong demokratiko. Ikaapat, ihalal ang mga kasapi sa mga partidong demokratiko upang manungkulan bilang mga namumunong miyembro sa Konseho ng Estado at may kinalamang ministro, komisyon nito at sa mga pamahalaang lokal at mga may kinalamang departmento, munisipalidad at pataas. Ikalima, irekomenda ang mga kasapi ng mga partidong demokratiko upang manungkulan bilang mga namumunong miyembro ng mga organong prokuratorial hudisial.