• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 16:41:58    
Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino

CRI
Ang Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC ay isang organisasyon ng Makabayang Nagkakaisang Prente ng mga mamamayang Tsino, isang mahalagang organo ng multi-partidong kooperasyon at konsultasyong pulitikal na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina at isang mahalagang porma ng pagpapatingkad sa demokrasiyang sosyalista sa political life ng Tsina. Ang pagkakaisa at demokrasya ay dalawang paksa ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino.

Ang Pambansang Komite ng CPPCC ay binubuo ng mga kinatawan ng Partido Komunista ng Tsina, mga partidong demokratiko, mga taong walang kinasasapiang partido, mga organisasyong pangmasa, iba't ibang pambansang minoriya, iba't ibang saray ng lipunan, mga kababayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong, mga kababayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao, mga kababayan ng Taiwan at mga returned overseas Chinese, pati ng specially invited personages. Ang termino ng bawat panunungkulan ng CPPCC ay limang taon.

Ang mga pangunahing punksyon ng Pambansang Komite ng CPPCC at ng mga Komiteng Lokal ay konsultasyong pulitikal, superbisyong demokratiko, paglahok sa mga suliranin ng pamahalaan at bansa.

Ang konsultasyong pulitikal ay ang pagsasanggunian kaugnay ng mahahalagang patakaran ng bansa at lokalidad at mahahalagang suliranin sa pulitika, kabuhayan, kultura at pamumuhay ng lipunan bago ipasiya ang mga nabanggit at kaugnay ng mahahalagang suliranin sa kurso ng pagsasagawa ng mga patakaran. Batay sa mga proposal ng Partido Komunista ng Tsina, ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresyong Bayan, ng Pamahalaang Bayan, ng mga partidong demokratiko, ng mga organisasyong pangmasa, ang Pambansang Komite ng CPPCC at ang mga Komiteng Lokal ay maaaring magdaos ng mga pulong na lalahukan ng mga namamahalang kagawad ng iba't ibang partidong pulitkal at grupo, ng mga organisasyong pangmasa at ng mga kinatawan ng iba't ibang nasyonalidad at ng iba't ibang saray ng lipunan upang magsanggunian kaugnay ng mga may kinalamang suliranin at maaaring imungkahi rin sa nasabing mga yunit na isumite ang mga may kinalamang suliranin para sa konsultasyon.

Ang superbisyong demokratiko ay sa pamamagitan ng mungkahi at pagpuna, ang pagsuperbisa sa pagsasagawa sa Konstitusyon, mga batas at regulasyon ng bansa, pagpapairal ng mahahalagang prinsipyo at patakaran, mga nagawa ng mga institusyon ng bansa at mga working personnel nito.

Ang pakikilahok sa deliberasyon at administrasyon ng mga suliranin ng estado ay ang pagsisiyasat at pag-aaral sa mga mahahalagang suliranin sa pulitika, kabuhayan, kultura at pamumuhay na panlipunan, pagpapabatid sa mga opinyong pampubliko. Layon nitong sangguniin at talakayin ang mga nabanggit. Sa pamamagitan ng mga report hinggil sa impestigasyon at pag-aaral, proposal, kaso ng proposal o iba pang porma, iharap ang mga kuru-kuro at opinyon sa Partido Komunista ng Tsina at sa mga organo ng bansa.

Noong Setyembre ng 1949, ang unang sesyong plenaryo ng CPPCC ay pansamantalang gumamit ng punksyon at kapangyarihan ng Pambansang Kongresyong Bayan, kumatawan sa saloobin ng mga mamamayan ng buong bansa at ipinroklama ang pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Pinagtingkad ng CPPCC ang mahalagang makasaysayang papel. Pagkaraang idaos ang unang Pambansang Kongresong Bayan noong 1954, hindi muling ginamit ng CPPCC ang punksyon at kapangyarihan ng Pambansang Kongresong Bayan. Samantalang nananatiling patuloy ang CPPCC bilang isang organisasyon ng pinakamalawakang makabansang nagkakaisang prente ng Tsina at maraming nagawa ito sa political life at social life ng bansa at sa mga aktibidad na pangkaibigan sa labas ng bansa at nakapagbigay ito ng mahalagang ambag. Hanggang Masro ng 2004, ang CPPCC ay nagkaroon ng pakikipag-ugnayan at pakikipagpapalagayang pangkaibigan sa 170 organisasyon at 8 organisasyong pandaigdig at panrehiyon sa 101 bansa sa daigdig.