• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 16:42:28    
Sistema ng Kongresong Bayan

CRI
Ang sistema ng Kongresong Bayan ay pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina, porma ng organisasyon ng state power of China People's Democratic Dictatorship at sistema ng pamahalaan ng Tsina. Ito ay di pareho sa mga Parliamento sa ilalim ng mga sistema ng "seperasyon ng mga kapangyarihan" ng mga bansang kanluranin (the legislative, executive and judicial powers), ang Pambansang Kongresyong Bayan ay itinadtadhana ng Konstitusyon ng Tsina na Kataas-taasang Organo ng Kapangyarihan ng Estado. Ang lahat ng mamamayan na tumuntong na sa 18 taong gulang pataas ng Tsina ay pawang may karapatang bumoto at iboto bilang mga kinatawan ng Kongresong Bayan. Sa mga kongresong bayan sa iba't ibang antas dito sa Tsina, ang mga kinatawan ng mga Kongresong Bayan sa antas ng bayan at minisipalidad ay isilang sa pamamagitan ng direktong halalan; munisipalidad pataas, ang mga kinatawan ng mga Kongresong Bayan sa iba't ibang antas ay isilang sa pamamagitan ng indirektong halalan. Ang Pambansang Kongresong Bayan ay binuo ng mga kinatawan na inihalal ng iba't ibang lalawigan, mga rehiyong awtonomo, lunsod na nasa tuwirang ilalim ng Pamahalaang Sentral at hukbo ng Tsina. Limang taon ang termino ng panunungkulan ng bawat Kongresong Bayan sa iba't ibang antas at idinaos bawat taon ang isang sesyong plenaryo ng mga kinatawan.

Sa bawat taunang regular na sesyong plenaryo ng NPC, ang mga kinatawan nito ay nakinig sa Government Working Report at ilan pang mahahalagang report. Dapat suriin ng mga kinatawan ng NPC ang nasabing mga report at gumawa ng mga katugong resolusyon. Sa panahon ng pagpinid ng sesyon, ang Pirmihang Lupon ng NPC- pirmihang organo ng mga kongresong bayan sa iba't ibang antas ay nagsasagawa ng punksyon at kapangyarihan na ini-atang ng Kongreso. Halimbawa, ang punksyon at kapangyarihan ng Pirmihang Lupon ng NPC ay kinabibilangan ng pagpapaliwanag ng Konstitusyon, pagsusuperbisa ng pagsasagawa ng Konstitusyon, pagbalangkas at pagsususog ng mga batas na hindi kinabibilangan ng mga batas na binalangkas ng sesyong plenaryo, panagutan ang NPC at mag-ulat ng gawain at iba pa.

Ang pundamental na punksyon at kapangyarihan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ay kinabibilangan ng kapangyarihang lehislatibo, authority to supervise, kapangyarihang mapagpasiya sa mga mahahalagang suliranin, kapangyarihan ng paghirang at pag-alis sa mga tauhan at iba pa. Dito sa Tsina, ang pagbalangkas ng planong may kinalamang sa pambansang kabuhayan at pag-unlad ng lipunan ay naging isa nang mahalagang kapasiyahang pampatakaran ng pagpapasulong sa pag-unlad ng lipunan ng bansa, subalit ang ansabing mga plano ay magkakaroon ng epektong legal sa pagkaraan lamang ng aprobasyon ng Pambansang Kongresong Bayan. Itinatadhana ng mga batas ng Tsina na ang paghalal at pagsilang ng mga kandidato ng mga pangunahing lider ng Tsina na gaya ng pangulo ng bansa, tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan at iba pa ay dapat isumite sa Pambansang Kongresong Bayan. Ang mga kandidato ng premyer ng Konseho ng Estado, mga ministro ng iba't ibang ministri ay dapat isumite rin sa Pambansang Kongresong Bayan para hirangin. Batay sa takdang prosedyur, maaaring iharap pa ng Pambansang Kongresong Bayan ang kaso ng pagtiwalag sa mga lider ng bansa na gaya ng tagapangulo ng NPC, pangulo ng bansa, premyer ng konseho ng estado at iba pa nainihalal o ipinasiya.