• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 16:42:43    
Pambansang Kongresong Bayan

CRI
Ang sistema ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ay pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina. Ang Pambansang Kongresong Bayan ay pinakamataas na organo ng kapangyarihan ng bansa na binubuo ng mga kinatawan na inihalal ng mga lalalwigan, rehiyong awtonomo, lunsod na tuwirang nasa ilalim ng pamahalaang sentral, espesyal na rehiyong administratibo at hukbo. Gamitin ng NPC ang kapangyarihang lehislatibo ng bansa at ipinasiya nito ang mga mahahalagang suliranin sa political life ng estado.

Ang mga pangunahing punksyon at kapangyarihan ng NPC: susugan ang Konstitusyon, superbisahin ang pagsasagawa ng Konstitusyon, balangkasin at rebisahin ang mga saligang batas na may kinalaman sa kriminal, suliraning sibil, mga organo ng estado at iba pa, suriin at aprobahan ang report na may kinalaman sa plano hinggil sa pambansang kabuhayan at pag-unlad ng lipunan at sa mga bagay na may kinalaman sa pagsasagawa nito, ang report na may kinalaman sa budget ng bansa at pagsasagawa ng budget, aprobahan ang pagtatatag ng mga lalalwigan, rehiyong awtonomo at lunsod na tuwirang nasa ilalim ng pamahalaang sentral, ipasiya ang pagtatatag ng mga espesyal na rehiyong administratibo at ang mga sistema nito, ipasiya ang mga isyung may kinalaman sa digmaan at kapayapaan, ihalal at ipasiya ang mga namumunong kasapi ng mga kataas-taasang organo ng estado, ibig sabihin na ihalal ang mga miyembro ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan, ihalal ang pangulo, pangalawang pangulo ng bansa, ipasiya ang kandidato ng premyer ng Konseho ng Estado at iba pang kasapi, ihalal ang tagapangulo ng Sentral Komisyong Militar at ipasiya ang mga kandidato ng iba pang kasapi, ihalal ang presidente ng Kataas-taasang Hukumang Bayan, ihalal ang Procurator-general of the Supreme People's Procuratorate. Ang Pambansang Kongresong Bayan ay may kapangyarihan na itiwalag ang nasabing mga tauhan.

Ang termino ng panunungkulan ng bawat Pambansang Kongresong Bayan ay limang taon at idaos nito minsan isang taon ang isang sesyon. Sa panahon ng pagpinid ng Pambansang Kongesong Bayan, gamitin ng pirmihang lupon- pirmihang organo nito ang kataas-taasang kapangyarihan ng estado. Ang pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ay binubuo ng tagapangulo, mga pangalawang tagapangulo, pangkalahatang kalihim at mga kagawad.

Ang pagbabatas ng Tsina ay kinabibilangan ng lehislasyon ng Pambansang Kongresyong Bayan at ng pirmihang lupon nito, lehislasyon ng Konseho ng Estado at ng mga Departmento nito, pangkaraniwang pagbabatas na lokal, lehislasyon ng pangnasyonalidad na purok awtonomo, rehislasyon ng mga espesyal na sonang pangkabuhayan at ng mga espesyal na rehiyong administratibo.