• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-02 20:52:56    
Klima at fauna't flora ng Tsina

CRI
Napakalaking bahagi ng Tsina ay nasa temperate zone. Ilang bahagi ng Timog Tsina ay nasa sonang tropical at subtropical samantalang ang hilagang bahagi ng bansa ay malapit sa frigid zone. Sa hilagang Tsina, mainit at maikli ang Tag-init samantala, malamig at matagal ang Tag-lamig. Sa tropical at subtropical na katimugan ng bansa, nananatiling luntian sa buong taon ang mga punong kahoy at gulay. Ang silangang baybaying purok ng Tsina ay mainit at mahalumigmig at may apat na laiwanag na panahon. Pabagu-bago naman sa buong maghapon ang temperature ng purok-interyor ng bansa sa hilagang kanluran. Bukambibig na roon ang kasabihang sa umaga, nakasuot ng panlamig ang mga tao at ng damit-sutla sa tanghali. Ang Talampas ng Qinghai-Tibet, isang espesyal na alpine-cold zone ay may mababang temperature sa buong taon sanhi ng kataasan nito.

Pinakamalaki ang kaibahan ng Tsina sa daigdig kung ang ligaw na hayop at pananim ang pag-uusapan. Pinagmamalaki ng Tsina ang mahigit sa 2000 ispesi ng mga panlupang hayop na may gulugod, mahigit sa 10% ito ng kabuuang espisi sa daigdig. Ang Tsina ay may 1189 na kilalang ispesi ng mga ibon, halos 500 espesi ng hayop. mahigit sa 200 ispesi ng amphibian at 320 espesi ng reptiliya. Ilang ligaw na hayop ang matatagpuan lamang sa Tsina, halimbawa, ang giant panda, golden monkey, usang may puting labi, Chinese river dolphin at Chinese alligator.

Ang malaking panda na kinikilalang isa sa mga pambansang kayamanan ng Tsina ay namumuhay sa liblib na bulubundukin ng lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina, lalawigang Gansu at Shanxi sa hilagang kanlurang Tsina. Kawayan ang pangunahing pagkain nito. Ang pandang ito ay tinatawag na buhay na fossil at ang ninuno nito ay kumalat sa maraming lugar ng daigdig sa glacier period ng Quaternary.

Ang Tsina ay may 7000 ispesi ng woody plant, 2800 dito ay mga arbor. Ang metasequoia, China cypress, cathaya, silver fir, China fir, golden larch, Taiwan flousiana, Fujian cypress ang eucommia ay may mga punong matatagpuan lamang sa Tsina. Ang metasequoia ay tumataas nang 35 metro. Ang punong ito ay natagpuan sa Silangang Asya, Hilagang Amerika at Europa 1000 milyong taon na ang nakararaan at nawala sa glacier period ng Quaternary. Natuklasan noong 1941 ng Tsina ang mahigit sa 1000 metasequoias sa hanggahan ng lalawigang Sichuan-Hubei. Ito ay isa sa mga pinakadakilang tuklas na botanical sa ika-20 siglo. Pagkaraan ng 1949, ang metasequoias ay ipinapasok sa iba pang bansa ng daigdig.

Upang mapangalagaan ang kayamanang zoolohikal at botanical ng bansa, naitayo ng Tsina ang 763 nature reserve na sumasakop sa 66.18 milyong ektariya noong 1994. Ang nature reserve ng Wolong sa lalawigang Sichuan, Changbai Mountains sa lalawigang Jilin, Shennongjia sa lalawigang Hubei at maraming iba pa sa iba't ibang lugar ng Tsina ay nagsisilbi ngayong base para sa proyekto ng pananaliksik na pansiyensiya ng daigdig. Ang nature reserves naman na gaya ng Zhalong sa lalawigang Heilongjiang, Lawa ng Dongting sa silangang Hunan, Isla ng Ibon ng lalawigang Qinghai at iba pa ay inilakip na sa listahan ng pinakamahalagang waterfowl wetland. Bukod pa rito, naitayo rin ang mga sentrong tagapagligtas sa mga malapit nang mawalang hayop sa Beijing, Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan, Guangzhou, punong lunsod ng lalawigang Guangdong at iba pa. Hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na nagparami ang Tsina ng mahigit 60 espesi ng hayop na malapit nang mawala, bagay na nakapagbigay ng malaking ambag para sa pagsisikap ng daigdig ma iligtas ang ganitong uri ng mga nilikha.