• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-09 14:23:31    
Mga Likas na Yaman ng Tsina

CRI
Ang likas na yaman ay mahalagang bahagi ng likas na kapaligiran. Ito ay kinabibilangan, pangunahin na, ng likas na yamang-lupa, likas na yamang-tubig, klima, biolohikal na likas na yaman, yamang-mineral at iba pa.

Masaganang masagana ang likas na yamang-lupa ng Tsina at napakarami nitong gamit. Kabilang dito, 951 kibong kilometro kuwadrado ang lawak ng bukirin nito na katumbad ng mga 10% ng kabuuang lawak ng lupa ng buong bansa. Ang nasabing mga bukirin, pangunahin na, ay nasa mga purok ng kapatagan sa hilagang silangan, hilaga, middle at low reaches ng Ilog Yangtze, Sichuan Basin, Zhujiang Delta at iba pa. Sa nasabing mga lugar, mauunlad ang agrikultura. Bukod dito, ang mga lugar na ito ay masaganang masagana sa trigo, mais, palay at iba't ibang klase ng industrial crops. Ang lawak ng kagubatan ay 1.2465 milyong kilometro kuwadrado at katumbas ng 13% ng kabuuang lawak ng lupa ng buong bansa.

Hinggil sa likas na yamang-tubig, mga 6 na trilyong metro kubiko ang taunang karaniwang kabuuang dami ng presipitasyon sa Tsina at 2.7 trilyong metro kubiko ang kabuuang bolyum ng mga ilog at sapa at kung ira-round off. Ang kabuuang bolyum ng likas na yamang-tubig ay 2.8 trilyong metro kubiko na kasunod lamang ng Brazil, Rusya, Canada, E.U. at Indonesya. Ang Tsina ay nasa ika-6 na puwesto sa kabuuang bolyum ng likas na yamang-tubig. Subalit sangkapat lamang ng karaniwang lebel ng daigdig ang per capita volume. Ang storage volume ng hydro-energy sa mga ilog, sa teoriya, ay 676 milyong kilowatt, 378 milyong kilowaat ang hydro-energy installed capacity ang maaaring paunlarin. Ito ay nasa unang puwesto. Ngunit di-balanse ang distribusyon ng likas na yamang-tubig sa iba't ibang sona. Marami ito sa timog at silangan, kaunti sa hilaga at kanluran.

Sa natuklasan nang 150 uri ng mga mineral sa natural world, ang Tsina ay mayroong lahat ng nasabing mga mineral. Umabot na sa 135 klase ang nadiskubre nang reserba at mga 20 klase sa mga ito ang nangunguna sa daigdig. Nasa unang puwesto sa daigdig ang tungstentitanium zinc at 9 pang klase; nasa ika-2 at ikatlong puwesto ang tin, asbestos, karbon at tatlo pang klase at nasa ika-4 na puwesto ang nickel, lead, bakal at dalawa pang klase. Kung ihahambing sa reserba ng 45 klase ng mga pangunahing mineral sa daigdig, nasa ika-3 puwesto ang Tsina. Maaaring sabihin na ang Tsina ay isang bansang may masaganang masaganang yamang-mineral.

Ang Tsina ay medyo masagana sa likas na yamang-hayop at halaman sa daigdig. Ang Tsina ay may 32.8 libong klase ng halaman at 104 libong klase ng hayop. Sa nasabing mga hayop at halaman, marami ang rare breed. Halimbawa, ang mga panda, golden monkey, Chinese alligator, white-flag dolphin, dawn redwood, dove tree at iba pa ay walang katulad na hayop at halaman at itinutuing na "living fossile" ng mga hayop at halaman. Upang protektahan ang nasabing mga ligaw na hayop at halaman at kapaligirang ekolohikal nito, natayo ang Tsina ng isang serye ng natural reserve zone at 14 na lugar sa mga ito ang lumahok pa sa natural reserve zone network ng UN na may kinalaman sa tao at mga bagay na may buhay.

Ang Tsina ay may malawak na sea area, kabilang dito, mga 133 libong kilometro kuwadrado ang kabuuang lawak ng shallow sea at low beach, may 26 na libong kilometro kuwadrado ng water surface na maaaring magamit sa artificial breeding. Ang lawak ng asinan ay 4.3 libong kilometro kuwadrado. Ang Tsina ay masagana rin sa marine resources. May mahigit 2600 klase ng isda. Mahigit 50 klase ang mga pangunahing economic fish. Ang pag-unlad ng sea fishery at ng pagpaparami ng aquatic products ay may fixed scale. Sa sea area, may mahigit 20 klase ng mineral na gaya ng oil, natural gas, bakal, glauconite at iba pa. Halimbawa, ang mga langisa sa dagat sa Bohai Sea at Beibu Gulf ay namina na sa kabuuan. Hinggil sa maritime kinetic energy, tinatayang 540 milyong kilowatt ang reserba at parsiyal na namina rin ito.