• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-16 21:54:54    
SSS, itinatag para sa mga magsasaka na nawalan ng lupa

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng mabilis na paglaki ng kabuhayan ng Tsina, walang humpay na lumalaki rin ang pangangailangan sa lupa. Dahil dito, sa ilang lugar dito sa Tsina, nawalan ang mga magsasaka ng lupang siyang tanging inaasahan nila. Ang paggarantiya sa pamumuhay ng mga magsasakang ito ay nagiging mahalagang tungkulin ng pamahalaan sa iba't ibang antas. Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa Zhejiang, lalawigan sa silangang Tsina, na mabisang nalutas ng lalawigang ito ang nasabing problema sa pamamagitan ng pagtatatag ng social security system, SSS.

Ang Meishu ay isang nayon ng Shaoxing County sa Lalawigan ng Zhejiang. Mula noong taong 1992, ini-expropriate taun-taon ang bahagi ng lupain ng nayong ito. Para sa mga magsasaka, ang pagkawala ng lupa ay nangangahulugan rin ng pagkawala ng kanilang pag-asa. Bagama't nagbibigay ang pamahalaan ng kompensasyon sa mga magsasaka na nawalan ng lupa, hindi nito ganap na naiigarantiya ang kanilang pamumuhay sa hinaharap. Sinabi ni Shi Baofu, namamahalang tauhan ng Kawanihan ng Yamang-Lupa ng Shaoxing County, na ipinakikita ng kanilang pagsisiyasat na lubos na namumukod ang problema sa pamumuhay ng mga magsasaka na nawalan ng lupa. Sinabi niya,

"Pagkatapos ng pagsisiyasat, ipinalalagay namin na dapat itatag ang isang pangmatagalan at mabisang mekanismo ng paggarantiya sa pamumuhay para sa magsasaka na nawalan ng lupa. Ang pagtatatag ng mekanismong ito ay, sa katotohanan, paglutas sa pagkabahala ng mga magsasaka."

Mula noong isang taon, sinimulang itinatag ng pamahalaan ng Lalawigan ng Zhejiang ang sistema ng paggarantiya sa kinakailangang pamumuhay ng mga magsasaka sa buong lalawigan na nawalan ng lupa. Ang sistemang ito ay walang iniwan sa sistema ng old-age pension. Nagpasailalim sa sistema ang mga magsasaka na nawalan ng lupa at pagsapit nila sa takdang gulang, magsisimula silang tumanggap ng pensiyon bawat buwan.

Ang mag-asawang sina Qi Chuanbing ay magsasaka ng Nayon ng Meishu at nawalan din sila ng lupa. Noong araw, ikinabahala nila ang kanilang pamumuhay sa hinaharap, ngunit pagkaraang pairalin ang naturang sistema, nawala ang kanilang pagkabahala. Sinabi ni Qi na,

"Nagpasailalim kami ng asawa ko sa sistemang ito. Sa kasalukuyan, tumatanggap kami ng 440 yuan RMB bawat buwan at ito ay sapat para sa aming pamumuhay. Sa kasalukuyan, hinding hindi namin iaalala ang buhay namin sa hinaharap."

Ang isa pang nilalaman ng sistemang ito ay para sa mga magsasaka na hindi umabot sa itinakdang gulang para makatanggap ng pensiyon: nagkakaloob sa kanila ang pamahalaan ng walang-bayad na vocational training para magkaroon silang muli ng trabaho.

Ang mag-asawang Fan Yaosheng ay mga mananahi sa Shaoxing County at nagpapatakbo sila ng isang sentro ng pagsasanay sa pananahi sa ilalim ng pagtataguyod ng pamahalaang lokal. Taun-taon nagpapadala ang pamahalaan ng mga magsasaka na nawalan ng lupa sa sentrong ito at binabayaran ang kanilang training fee. Pagkatapos ng pagsasanay, kung matutugunan ng mga magsasaka ang requirements ng clothing factory ng county, makapagtatrabaho sila roon. Ayon kay Fan,

"Noong isang taon, nakapagsanay kami ng 117 magsasaka at lahat sila ay nagkaroon ng trabaho. Sa pamamagitan ng pagsasanay, nagkaroon ako ng kita at nalutas din ang problema ng mga magsasaka."

Hanggang noong katapusan ng nakaraang taon, nakakalap ang Lalawigan ng Zhejiang ng lahat-lahat 3 bilyong yuan RMB para sa sistemang ito. Nagpasailalim sa sistema ang mahigit 3.3 milyong magsasaka at 100 libo sa kanila ang nagsimulang tumanggap ng pensiyon. Ipinahayag ni Chen Xiao'en, puno ng Job and Social Security Office ng lalawigang ito, na ang kanilang gawain sa susunod na yugto ay paggarantiya sa tumpak na pagpapatupad ng sistemang ito.

"Sinisimulan pa lamang ang sistemang ito at nangangailangan ng mas mahabang panahon para mapabuti. Umiiral pa rin ang ilang problema, halimbawa, pangingilak ng pondo, pagpapataas ng lebel ng paggarantiya, pagpapahigpit ng pagsasanay sa mga magsasaka at iba pa. Kaugnay ng mga ito, pag-iibayuhin pa namin ang pag-aaral at pagpapabuti dito."