• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-16 21:55:18    
Iligtas ang South China Tiger

CRI
Bukod sa giant panda, ang isa pang ipinagmamalaking hayop ng Tsina na nalalagaya sa bingint ng extinction ay ang South China Tiger. Napakaliit na ng bilang ng natitiang lahing ito ng tigre kaya't kung hindi maaagapan, tuluyan itong maglalaho.

Noong ika-27 ng Agosto, 2001, ang State Forestry Brureau ng Tsina ay nagbigay ng go-signal sa Meihua Mountain Nature Reserve para sa opisyal na paglulundad ng programang tinawag na "breeding ang return to the wild". ang nature reserve ay nasa Lalawigan ng Fujian. Ito ang pinakahuling aksiyon ng bansa para mailgtas ang South China tiger na nangunguna sa listahan ng 10 species ng mundo na nasa bingit ng extinction.

Ang tigreng ito na tiantawag ding Chinese tiger ay nasa unang antas ng proteksiyon ng Estado ng Tsina. sa kasalukuyan, mayroon na lamang 20 o mahigit na ganitong uri ng tigre sa ilang at 59 sa sheltered habitats, na mas mababa kaysa sa bilang ng populasyon ng mga giant panda.

Pagkaraan ng maraming field inspections sapul noong 1990 sa mga lalawigan ng Fujian, Guangdong, Jiangxi at Hunan, natiyak ng mga eksperto na ang Bundok ng Meihua sa Lunsod ng Longyan ay ang purok na madalas pinamamalagian ng mga South China tiger at ito ang may pinakamalaking populasyon ng tigreng ito. naniniwala sila na ang purok na ito na nasa katimugang gilid ng rehiyong subtropikal ay ang pinaka-angkop na hbbitat para sa mga South China tiger dahil sa paalun-along bulubundukin, mayabong na kakahuyan, at mataas na humidity.

Noong unang hati ng 1998, ang mga opisyal ng Lunsod ng Longyan ay dumalaw sa Bundok ng Meihua at nagbigay ng endorsement sa paglulunsad ng Soutyh China Tiger Rescure Program. ang mga awtoridad ng Meihua Mountain Nature Reserve ay nagsumite rin ng pangkalahatang plano at ng isang feasibility study report sa kawanihan kaugnay ng programa ng pagpaparami at pagpapakawala sa ilang. iminungkahi ng plano ang konstruksyion ng isang 500 hetaryang eclosure para sa mga tigre, na naglalayon naman na makapagparamin ng isang daang nanganganib na species sa 2010 at ang lahat ng mga ito ya unti-unting pakakakwalan sa ilang.

Noong Hulyo 1998, inaprobahan ng State Forestry Brueau ang pagtatayo ng South China Tiger Breeding and Research Center sa Bundok ng Meihua. Pagkaraan ng dalawang buwan, tatlong South China tigers, 2 lalaki at 1 babae ang inilipat sa breeding center mulas Suzhou Zoo. Para maiwasan ang inbreeding, ang mga mananaliksik ay nagdala rin ng iba pang South China tigers mulasa Lunsod ng Guilinm, sa Guangxi, noong Hunyo ng taong 2000.

Noong Agosto ng taon ring iyon, naglagay ng isang eclosure sa bundok, na nagkakaloob ng walang panganib at natural na tirahan para sa mga tiger. Noong namang ika-20 ng Hulyo, 2001, ang babaeng tigre mula sa Guangxi ay nanganak ng 3 batang tigre, na itinuturing ng marami bilang simbolo ng inisyal na tagumpay ng program ng pagliligtas sa South China Tiger.

Ang mga lokal na opisyal sa lunsod ng Longyan ay nakapangalap na ng halagang 14 na milyong Yuan para sa naturang programa na ipapatupad sa 3 estado: pagtatayo ng breeding at research center, konstruksyion ng natural na ilang na tirahan, at pagtatayo ng natural reserve.