• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-17 21:19:00    
Apat na kagamitan sa silid-aralan ng Tsina: inkstone

CRI

Imposibleng matiyak kung kailan ginamit ang unang inkstone sa Tsina. Pero noong Disyembre ng 1975, isang inkstone na gawa sa may kagaspangang hinubog na bato ang nahukay mula sa isang libingan ng dinastiyang Qin. Ang batong ito na 2000 taon na tanda ay may 2 bahagi. Ang isang seksiyon nito ay kiskisan ng inkstick at ang isa ay lalagyan ng tinta. Ito ang pinakamatandang inkstone na natuklasan sa ngayon. Nagkaroon ng napakalaking pagbabago ang mga inkstone nitong nakaraang mga siglo.

Napakaraming variety ng inkstone ang nadibelop sa iba't ibang panahon ng kasaysayan dahil ang bawat rehiyon ay may kani-kaniyang gusto at dahil sa pagkakaiba ng mga gamit na materyales. Makakatagpo kayo ng mga inkstone na yari sa pottery, jade, bronse at kung anu-ano pa. Nguni't karamihan sa mga ito'y yari sa bato. Gayunman, ang kalidad ng bato ay may malaki ring pagkakaiba-iba sa iba't ibang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa mahusay na inkstone ay ginagawa sa maraming lugar ng Tsina.

Ang Duanzhou stone sa probinsiyang Guangdong sa timog Tsina ang ipinalalagay na number one dito. Nakuha ng mga bato ang tawag sa mga ito mula sa lokasyon na kinatagpuan ng mga ito: sa tabi ng Ilog Duanxi ng Bayang Duanzhou sa lalawigang Guangdong. Ang natural na texture at grain ng mga inkstone ang dahilan kung bakit magaling ang mga ito na kuskusan ng inkstick sa paghahanda ng tinta, at pinapurihan ang mga ito ng mga iskolar at artist noong may 1300 taon na ang nakalilipas.

Ang pinakamahusay na Duanzhou stone ay nakabaon nang malalim sa ilalim ng ilog. Likas na pino at makinis ang mga ito. Gayunman, hindi sapat ang pagiging makinis lamang ng mga ito. Ang isang mahusay na inkstone ay dapat magkaroon ng pinong grain texture na lumilikha ng priksiyon na nagkukuskos ng tinta mula sa stick.

Bukod dito, dapat sapat din ang tigas nito para makuskos ang pigment nang hindi nakakayasan ang inkstone. Mas pino ang pulbos na nakukuskos sa stick, mas mahusay ang inkstone. Taglay ng Duanzhou inkstone ang lahat ng mga katangiang ito.

Ilang dibuho ang laging inuukit sa mga inkstone na gaya ng dragon, plum blissin, orchips, kawayan at chrysantemom. Nitong nakalipas na ilang taon, ang mga Duanzhou inkstone ay ginagamit bilang espesyal na regalo at mga ala-ala.