• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-21 20:50:34    
Tian'anmen Square: A dream come true

CRI
Nandito ako sa isang kapihan na malapit sa Friendship Store sa Downtown Beijing. Kasama ko si Catherine Lightfoot, isang kaibigang taga-England. Kung napakinggan ninyo iyong episode ng Alam Ba Ninyo na nagtampok sa Dayi County, tiyak na naaalala pa ninyo ang pangalang Catherine Lightfoot dahil tinig niya ang narinig sa naturang episode.

Makuwento si Catherine. Bago pa lamang kami pumasok ng kapihan ay kuwento na siya nang kuwento. Para nga akong nalango, e. Buti na lang kape lang ang inorder naming, hindi beer.

Nagpunta dito sa Tsina si Catherine para magturo ng English language at ang isa sa mga obserbasyon niya ay ang mga batang Tsino daw ay maagang na-e-expose sa English language dahil sa kindergarten pa lang daw ay marami nang foreign teachers. Sa murang gulang pa lang daw ay nakakarinig na sila ng boses ng dayuhan na nagsasalita sa Ingles. Maganda raw ito para sa kanilang English language learning.

Alam niyo, itong si Catherine ay unang lumapag sa Shanghai, hindi sa Beijing. Hindi daw niya makakalimutan iyong pangyayaring naligaw ang kaniyang bagahe kaya hindi siya nakapagpalit ng damit sa mga sumunod na ilang araw. Nagbibirong sinabi niya-nagbibiro lang naman--na ganoon pala sa Shanghai, hindi ka man lang makapagpalit ng damit...

Limitadong limitado aniya ang kaalaman niya sa Tsina bago siya nagpunta rito. Maliban daw sa mga Chinese food na natitikman niya sa mga Chinese restaurant na napapasok niya sa England, wala na siyang alam hinggil dito. Kaya nga raw hinangad niyang magpunta dito sa Tsina, para malutas ang nasa isip niyang misteryong bumabalot dito...

Marahil, sabi niya, ang masasabi niyang memorable experience niya dito sa Tsina, sa ngayon, ay ang pagpunta niya sa Tian'anmen Square. Matagal na raw niyang pinapangrap na marating ang lugar na ito na madalas niyang nababasa at naririnig...

Sabi ko na mabuti na lang kape ang inorder naming, hindi beer. Sana hahapay-hapay ako ngayon (he-he-he).