• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-21 20:52:20    
Marso ika-12 hanggang ika-18

CRI
Sa katatapos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC, iminungkahi ni He Duanqi, kinatawan ng NPC at direktor ng Lupong ng Pag-unlad at Reporma ng Lalawigang Yunnan, na pabilisin ang konstruksyon ng Yunnan International Grand Passageway para mapasulong ang pakikipagtulungan sa ASEAN. Anya, sa darating na ilang taon, palalakasin ng Yunnan ang konstruksyon sa International Grand Passageway, at buong sikap na bubuin ang isang pandaigdigang network na ang nangungunang salik ay transportasyong panhimpapawid, at ang gulugod ay ang daambakal at mataas na lebel na pambansang lansangan, at ang suplememto ay ang transportasyong pantubig para mapasulong ang magkasamang kasaganaan ng kabuhayan ng Tsina at mga bansang ASEAN at Timog Asya.

Sa paanyaya ng Biyetnam, Indonesia at Malaysia, dadalaw sa naturang 3 bansa si tagapangulong Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino mula ika-20 ng buwang ito hanggang ika-2 ng susunod na buwan.

Binuksan noong Miyerkules sa Nanning ang ika-7 pulong ng magkasanib na lupong kooperatibo ng Tsina at ASEAN. Ang pokus ng pulong ay isakatuparan ang komong palagay at mungkahi sa taunang pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN at balangkasin ang plano ng kooperasyon sa aktuwal na larangan at suriin at aprobahan ang proyektong pangkooperasyon na tinutulungan cooperative fund ng pondong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN. Dumalo sa pulong ang halos 80 may kinalamang opisyal ng Tsina at iba't ibang kasaping bansang ASEAN.

Ayon sa datos na ipinalabas noong Miyerkules ng ministri ng komersyo ng Tsina, nitong unang dalawang buwan ng taong ito, nananatiling napakabilis ang paglaki ng bilateral na kalakalan ng Tsian't ASEAN, at umabot sa 21.2 bilyong dolyeres ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pagaangkat na lumaki nang halos 30%. Ayon sa estadistika, sa Enero at Pebrero ng taong ito, umabot sa halos 9 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa ASEAN, samantala, umbot naman sa mahigit 12 bilyong dolyares ang pagaangkat ng Tsina mula sa ASEAN.

Ipinahayag nooong isang linggo ni Richard Gordon, presidente ng Philippine National Red Cross na sa panahon ng kalamidad ng flooding at landslide ng kaniyang bansa, ipinagkaloob sa iba't ibang paraaan at tsanel ng pamahalaan at mamamayan ng Tsina ang mahigit 1 milyong dolyares para tulungan ang mga purok ng kalamidad, lupos na nagpakita ito ng mapagkaibigang damdamin ng pamahalaan at mamamayang Tsino sa Pilipinas, at nag-iwan ito ng malalim na impresyon sa mga mamamayang Pilipino. Sinabi rin ni Gordon na may matagal na kasaysayan ng pagpapalitan at malalim na pagkakaibigang trandisyonal ang Tsina at Pilipinas. Para magkasamang harapin ang mga posibleng kalamidad, dapat palakasin ng Red Cross Organizations ng dalawang bansa ang pagtutulungan, at itatag ang sistema ng pangangasiwa at pangkagipitang paghawak sa kalamidad.

Sa pamamagitan ng embahada ng Tsina sa Singapore, ipinagkaloob noong Miyerkules ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang 1500 aklat at audio-video materials sa wikang Tsino sa Temasek Polytechnic, Dunman High School at Xinmin Secondary School ng Singapore. Ang naturang mga aklat at audio-video materials ay sumasaklaw sa mga subjects ng wika, panitikan, kasaysayan, sining, kabuhayan at iba pa at kinakailangan ng mga aklat ng apat na bantog na akda ng Tsina, tula sa sinaunang panahon, modernong panitikan, mga aklat hinggil sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at mga aklat at diksyunaryo para sa edukasyon ng wikang Tsino.

Ipinahayag noong isang linggo ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo na sa loob ng taong ito, magpaparehistro sila ng pandaigdig na tatak ng eskpo, nang sa gayo'y isasakdal ang mga bahay-kalakal at indibiduwal na gamitin nang walang-awtorisasyon ang pangalan at simbolo ng ekspong ito. Kasunod ng paglawak ng impluwensiya ng China-ASEAN Expo, madalas na ginagamit nang walang-awtorisasyon ng ilang departmento ng pamahalaan, bahay-kalakal, organisasyon at indibiduwal ang pangalan, simpolo at mascot ng ekspong ito para sa sarili nilang kapakanan. Ipinahayag ng naturang sekretaryat na sa taong ito, isasagawa nila ang malawakang aksyon para mabigyang-dagok ang mga aksyong lumapastangan sa karapatan at mapangalagaan ang prestihiyo ng China-ASEAN Expo.