• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-23 14:29:20    
Mga sinaunang tao ng Tsina

CRI
Ayon sa tuklas na arkeolohikal, mga 500,000 hanggang 1,000,000 taon na ang nakaraan, ang mga primitibong taong tulad ng Yuanmou Man, Lantian Man at Peking Man ay naninirahan na sa malawak na lupaing kinikilala ngayon bilang Tsina. Pagkaraan ng mahabang panahon ng pananatili ng mga sinaunang tao, itinayo ang Dinastiyang Xia, ang kauna-unahang dinastiya sa kasaysayan ng Tsina noong ika-21 siglo B.C. na nagsisimula sa lipunang alipin sa Tsina. Ang lipunang alipin ay nagkaroon ng malaking pag-unlad sa sumusunod na Dinastiyang Shan at kanlurang Dinastiyang Zhou. Ito ay sinundan ng Spring and Autumn and Warring State periods, tulad ng silangang Dinastiyang Zhou. Ang panahong ito ay nagsilbing simula ng transisyon mula sa lipunang alipin tungo sa lipunang piyudal.

Noong 221 B.C., winakasan ni Qin Shihuang, kauna-unahang emperador ng Dinastiyang Qin ang labanan sa pagitan ng mga nagsasariling pamunuan sa panahon ng Warring State Period at itinayo ang kauna-unahang sentralisado, nagkakaisa at multi-nasyonal na estado sa kasaysayan ng Tsina, ang Dinastiyang Qin. Sa kalauna'y nagpalitan ang mga dinasitiyang tulad ng Han, Wei, Jin, Timog at Hilagang Dinastiya, Sui, Tang, Limang Dinastiya, Song, Yuan, Ming at Qing na pinakahuling dinastiyang piyudal sa kasaysayan ng Tsina. Ang Tsina ay nanatiling lipunang piyudal hanggang sa Digmaan ng Opiyo noong 1840.

May kaunlaran na ang sinaunang Tsina sa larangan ng kabuhayan at kultura. Sa panahon ng kasukdulan ng lipunang piyudal ng Tsina sa mga dinastiyang Han at Tang, maunlad ang Tsina sa mga larangang gaya ng pagsasaka, yaring-kamay, paghahabi at pagyari ng bapor. Maginhawa ang transportasyon kapwa sa lupa at sa dagat. Malawak ang naging pakikipagugnayan ng Tsina sa Hapon, Korea, India, Persia at Arabia sa larangan ng ekonomiya at kultura. Ang pagyari ng papel, paglilimbag, paggawa ng pulbura at kompas ay apat na pangunahing imbensyon ng mga sinaunang siyensiya at teknolohiya ng Tsina. Ang mga ito ay nagpapakita ng katalihuhan at kakayahan ng mamamayang Tsino at nakinabang nang malaki ang sangkatauhan sa apat na dakilang imbensyong ito.

Samantala, ang mga kilalang palaisip sa sinaunang Tsina na tulad nina Lao Zi at Confucius ay nagbigay ng dakilang impluwensiya sa tradisyonal na kulturang Tsino at maging sa sibilisasyon ng buong daigdig. Ang Sun Zi's Art of War ay nananatili pa ring isang mahalagang aklat na tagapagnubay sa sector na militar at komersyo; Ang Panaginip sa Pulang Mansyon na kinatha ni Cao Xueqin sa Dinastiyang Qing ay itinuturing na isang dakilang katha na kumakatawan sa klasikalno panitikang ng Tsina at patuloy na nagpapasigla sa pananaliksik at pag-aaral sa loob at labas ng bansa. Nakamit rin ng sinaunang Tsina sa larangan ng astronomiya matematika, heograpiya at medisina ang dakilang tagumpay. Ang aklat ng katalogo ng mga bituin ng Gan Shi sa panahon ng Warring State ay pinakaunang katalogo ng pagtatakda ng mga bituin sa daigdig. Nilikha ni Zhang Heng sa Dinastiyang Han ang armillary sphere at seismograph. Sa panahon ng dinastiyang Timog at Hilaga, kinalkula ni Zu Chongzhi ang halaga ng "Pi" sa pagitan ng 3.1415926 at 3.1415927. Siya ang unang tao sa daigdig na kumalkwla nang gayon katumpak na halaga ng "Pi" sa pitong decimal places. Ang Ben Cao Gang Mu o Compendium of Materia Media na sinulat ni Li Shizhen ng Dinastiyang Ming sa ika-16 na siglo ay nagtala ng mahigit sa 1,800 uri ng halamang gamut at mahigit sa 10,000 reseta.