• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-03-30 20:44:24    
Pinakahuling natuklasan sa libingan ni Emperador Qinshihuang

CRI
Noong ika-21 ng Enero ng taong 2000, nagdebu ang isang luntiang mukhang terracotta warrior sa Museum of Terracotta Warriors and Horses sa Xi'an, punong lunsod ng Shaanxi Province sa hilagang kanluran ng Tsina.

Ang nasabing mandirigmang may luntiang mukha ay natuklasan noong isang taon sa libingan ni Emperador Qinshihuang na siyang unang emperador sa Tsina mga 2200 taon na ang nakararaan.

Ito ay ang tanging mandirigmang may luntiang mukha na natuklasan hanggang ngayon. Ang lahat ng iba naman ay kulay-rosas ang mukha.

Ipinlalalgay ng mga eksperto na basta isang kamalian lamang ng artesano ang luntiang mukhang iyon, samantalang naniniwala ang iba na ginawa ang nasabing mandirigma upang katawanin ang ibang lahing iba ang kulay na balat.

Noong taon ring iyon, kasama ng nasabing bukod-tanging luntiang mukhang terracotta warrior, mayroon pa ring maraming mahahalagang natuklasan sa libingan ni Emperador Qinshihuang na kinabibilangan ng isang malakihang hukay na kinalalagyan ng mga bagay na panlibing. Sa 13 libong metro kuwadradong hukay na ito ay natuklasan ang maraming batong baluti. Ang bawat baluti ay binubuo ng mahigit 700 kulay-abong limestone tablets na kabit-kabit sa pamamagitan ng mga tansong kawad at humigit-kumulang 30 kilograms ang bigat.

Ayon sa lider ng grupong arkiolohikal ng libingan ni Emperador Qinshihuang, binago ng pagkatuklas ng naturang mga batong baluti ang pagkaunawa ng mga tao sa mga sinaunang kagamitang militar sa Tsina at maging sa daigdig. Ang batong baluti ay hindi binanggit saanman sa mga dokumentong pangkasaysayan at arkialohikal, kaya mayroon itong napakahalagang katuturan.

Bukod sa mga batong baluti, nahukay din noong taong iyon sa libingan ni Emperador Qinshihuang ang anim na natatanging nakaluhod na de-kolor na terra-cotta warriors. Karaniawng kulay-rosas ang mga kamay at mukha ng mga mandirigmang ito, at buhay-buhay ang kanilang mga maitim na mata. May nakasuot ng berde, may nakasuot ng narangha, ngunit puro madilim ang mga baluti. Kasama rito ang nabanggit na kahanga-hangang luntiang mukhang terra-cotta warrior. Ayon sa mga archaeologist ng Tsina, natuklasan sa katawan ng mga mandirigmang ito ang kapwa chemical at mineral pigment. Ang kulay biyoletang ginamit dito, halimbawa, ay isang chemical pigment na unang nalikha noong 1980s lamang, kaya talagang isang misteryo kung paano mag-synthetize ng bagay na ito ang mga sinaunang Tsino mahigit 2200 taon na ang nakararaan.

Ang nasabing mga baluti at nakaluhod na de-kolor na terra-cotta warriors sa libingan ni Emperador Qinshihuang ay itinuturing ng mga eksperto na isa pang nakatawag sa pansin ng buong daigdig na pagkatuklas sa may malapit sa Xi'an, Shaanxi Province sapul nang mahukay doon ang mga terra-cotta warriors at horses noong 1970s at mga tansong kalesa at kabayo noong 1980s.

Ang lalawigan ng Shaanxi ng Tsina ay isa sa mga mahalagang pinagmumulan ng sibilisasyong Tsino. At ang punong lunsod nitong Xi'an ay may mahigit 3100 taong kasaysayan na ngayon kung saan itinayo ng 13 dinastiya sa kasaysayang Tsino ang kani-kanilang kabisera at may 72 emperador ang umakyat sa trono doon. Ito ay nagpapaliwanag kung bakit natatagpuan dito ang maraming relikyang historikal.

Ang libingan ni Emperador Qinshihuang, na siyang unang emperador sa kasaysayan ng Tsina na nakapagtayo ng isang unipikadong Tsina mahigit 2200 taon na ang nakararaan, ay mga 30 kilometro ang layo sa gawing timog silangan ng lunsod ng Xi'an. 56 kilometro kuwadrado ang sakop nito. Nitong mahigit 20 taong nakalipas sapul nang unang matuklasan ang libingang ito noong 1974, nahukay na ang mga 50 libong piraso ng mahahalagang relikyang kinabibilangan ng kilala sa buong daigdig na terra-cotta warriors at horses.

Kasabay ng pag-unlad ng mga gawain ng ekskabasyon, pabigat din nang pabigat ang tungkulin ng pangangalaga ng mga nahukay na relikya. Hinggil dito, binalangkas na ang isang set ng mga regulasyon para sa pangangalaga ng libingan ni Emperador Qinshihuang at ini-adopt din ang high-techs sa gawain ng proteksyon. Bukod dito, nakipagtulungan din ang Tsina sa Alemanya at Italya sa larangang ito at natamo na ng ganitong kooperasyon ang kasiya-siyang resulta.