Dumating noong Araw ng Linggo ng Jakarta si tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, para ipagpatuloy ang kanyang pagdalaw sa Indonesya.
Sa kanyang talumpati sa bangketeng panalubong na idinaos nang araw ring iyon ng mga tauhan ng iba't ibang sirkulo ng Indonesya, binigyang-diin ni Jia Qingin na ang mapayapang pag-unlad ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon para sa pag-unlad ng buong Asya. Sinabi ni Jia na nananangan ang Tsina sa patakarang panlabas na itatag ang partnership at friendship sa mga kapitbansa, at aktibong hanapin ang pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Anya, ang pagpapasulong sa estratehikong partnership sa ASEAN ay isang mahalagang bahagi ng patakarang panlabas ng Tsina sa mga kapitbansa at dapat palakasin ng Tsina at Indonesya ang pagpapalitan at pagtutulungan sa loob ng balangkas ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't ASEAN para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang panig. Sa wakas, ipinahayag ni Jia na umaasa siyang tututulan ng mga kaibigang Indones, kasama ng mga mamamayang Tsino, ang pagsasarili ng Taiwan at magkakasamang pangangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Kinatagpo noong Martes si Jia Qinglin ni pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya. Sa pagtatagpo, binigyan-diin ni Susilo na patuloy na buong tatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina. Ipinahayag din niyang nakahanda ang Indonesya na magsikap, kasama ng Tsina, para mapahigpit ang kanilang pagpapalitan sa mataas na antas at mapalakas ang kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para mapasulong ang kapayapaan at pag-unlad ng rehiyong ito. Sinabi naman ni Jia na dapat lalo pang mapalakas ng dalawang bansa ang pagdadalawan sa mataas na antas, simulan ang mekanismo ng estratehikong diyalogo, patuloy na pahalagahan ang mga isyu na may kinalaman sa mahalagang kapakanan ng isa't isa at pahigpitin ang pagkakatigan sa isa't isa para mapasulong ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Indonesia.
Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo rin si Jia Qinglin ng pangalawang pangulo at mga iba pang lider ng Indonesya.
Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Indonesya, dumating noong Martes ng Kuala Lumpur si Jia Qinglin para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Malaysia.
Kinatagpo noong Miyerkules si Jia Qinglin ni punong ministro Abdullah Ahmad Badawi ng Malaysia. Sa pagtatagpo, ipinahayag ng dalawang panig na patuloy na pasusulungin ang relasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Jia na kasunod sa malalim na pagpapasulong ng estratehikong kooperasyon ng Tsina at Malaysia, nahaharap ang relasyon ng dalawang bansa sa mainam na pagkakataon ng pag-unlad. Lubos din pinapurihan ni Jia ang pamahalaan ng Malaysia na buong tatag na nananangan sa patakarang isang Tsina. Ipinahayag naman ni Badawi na inilagay ni Malaysia ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina sa isang mataas na posisyon, nakahandang mapanatili ang pakikipagpalitan sa mataas na antas sa Tsina at patuloy na mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan, enerhiya, pamumuhunan at iba pang larangan.
Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo rin si Jia Qinglin ng puno ng estado at mga puno ng mataas at mababang kapulungan ng Malaysia.
Mula noong Martes, nagsimulang dumalaw sa Pilipinas, Brunei, Singapore at Myanmar ang delegasyon ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi na pinamumunuan ng tagapangulo ng rehiyong ito na si Lu Bing para sa publisidad sa ika-3 China-ASEAN Expo. Sa kanyang pagdalaw noong Miyerkules sa Pilipinas, kinatagpo sa Malacanang si Lu Bing ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sa pagtatagpo, nagpahayag ng pagsalubong si Arroyo kay Lu sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas at pangungulo sa seremonya ng pagbubukas ng isang eksibisyon ng mga paninda ng Guangxi sa Pilipinas. Umaasa rin siya na ibayo pang mapapahigpit ang pagtutulungan at pagpapalitan ng Pilipinas at Guangxi sa larangan ng kabuhayan at kalakalan. Inilahad naman ni Lu kay Arroyo ang hinggil sa naturang eksibisyon at paghahanda para sa ika-3 China-ASEAN Expo, Business and Investment Summit ng Tsina at ASEAN at aktibidad bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN. Umaasa anya rin siya na sa pamamagitan ng pagtataguyod ng naturang mga aktibidad, ibayo pang mapapahigpit ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng Guangxi sa Pilipinas at mga iba pang bansang ASEAN.
Sa ngalan ng pamahalaang Indones, iniulat noong Miyerkules sa Beijing sa mahigit 200 kinatawan ng embahda ng Indonesya sa Tsina at namamahalang organo sa rekonstruksyon ng rehiyong Acheh at Nias, ang progreso ng rekonstruksyon ng Indonesya pagkaraan ng tsunami, at ipinahayag din nila ang taos-pusong pasasalamat sa panig Tsino sa ibinigay nitong tulong sa panahon ng kalamidad ng tsunami at rekonstruksyon. Sinabi ni Maj. Gen. Sudradjat, embahador ng Indonesya sa Tsina na mahalagang mahalaga ang mga tulong ng Tsina para sa pangkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa, at patuloy na ipagbibigay-alam sa Tsina ng panig Indones ang pinakahuling progreso sa rekonstruksyon. Sinabi naman ng kinatawan ng namamahalang orgao sa rekonstruksyon ng rehiyong Acheh at Nias na taos-pusong pinasalamantan ng kaniyang bansa ang mga mamamayan at pamahalaan ng Tsina sa walang humpay na pagmamalasakit at tulong sa rekonstruksyon ng Acheh at Nias.
Lumagda noong Biyernes sa Kunming sa isang memorandum sa kooperasyon ang mga delegasyon ng Pambansang Koreo ng Tsina at Laos. Pinaplano ng magkabilang panig ang pagsasakatuparan ng direktang palitan sa koreo, at pagkakaloob ng international logistical service sa ikatlong bansa. Napag-alaman, pagkaraang isagawa ang pakikipagtulungan sa larangan ng suliranin ng koreo sa Laos, ang Lalawigan ng Yunnan ng Tsina ang magsisilbing pangunahing tsanel ng pagpapalitan ng impormasyon at lohistiko sa mga suliranin ng paghahatid sa Timog Silangang Asya.
|