Dumalaw noong Sabado sa Kambodya si premyer Wen Jiabao ng Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, kinausap si Wen ni punong ministro Hun Sen at kinatagpo rin siya ng hari at mga lider ng parliamento ng Kambodya. Nagpalabas din ang mga pamahalaan ng dalawang bansa ng magkasanib na komunike na nagpapasiya ng pagtatatag ng komprehensibo at kooperatibong partnership.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Hun Sen, ipinahayag ni Wen Jiabao na pumapasok sa isang bagong yugto ng pag-unlad ang relasyon ng Tsina't Kambodia, dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon at walang humpay na palalimin ang pagtutulungan na may mutuwal na kapakinabangan. Sinabi ni Wen na nakahanda ang pamahalaang Tsino na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Kambodia sa iba't ibang larangan, at patuloy na kumatig sa mga pagsisikap ng pamahalaan ng Kambodia para sa pangangalaga sa katatagan ng bansa, pagpapatibay ng pagkakaisa ng mga nasyonalidad at pagpapaunlad ng kabuhayan. Binigyang-diin din niyang iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at ang pag-unlad ng Tsina ay isang ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig at hindi magsisibing panganib sa anumang bansa. Ipinahayag naman ni Hun Sen na ang Tsina ay isang mahalagang puwersang tagapangalaga sa kapayapaan ng daigdig at tagapagpasulong ng komong pag-unlad, at ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina ay matatag na matatag na patakaran ng pamahalaan ng Kambodia. Tulad ng dati, nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina. Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, ipinahayag ni Wen na kinakatigan ng Tsina ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, at ang mga namumunong papel na pinayitingkad ng ASEAN sa proseso ng pagtutulungan sa rehiyong silangang Asya. Ipinahayag ni Hun Sen na nakahanda ang kaniyang bansa, kasama ng panig Tsino, na pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina't ASEAN sa iba't ibang larangan.
Kinatagpo noong Martes sa Beijing ni Wu Bangguo, tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC, ang delegasyon ng National Assembly ng Biyetnam na pinamumunuan ni pangalawang tagapangulo Truong Quang Duoc. Buong pagkakaisang ipihayag ng dalawang panig na nakahandang palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng NPC at National Assembly ng Biyetnam.
Sa magkahiwalay na okasyon noong Lunes at Martes, nakipagtagpo sina pangalawang premyer Hui Liangyu at tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino kay dumalaw na prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand. Sa pagtatagpo, ipinahayag ng mga lider na Tsino na nakahanda ang kanilang bansa, kasama ng Thailand, na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa isang bagong yugto. Pinapurihan nila ang ambag ng royal family ng Thailand para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Pinasalamatan ni Sirindhorn ang pamahalaan ng Tsina sa pagkakaloob nito ng tulong sa Thailand noong may maganap na tsunami. Ipinahayag niya ang pag-asang makapagbibigay ito ng mas marami pang ambag para mapasulong ang pagkakaibigan at mapalakas ang kooperasyon ng dalawang panig, espesyal na kooperasyon sa larangan ng kultura, edukasyon at iba pa.
Nakipagtagpo noong Martes sa Beijing si Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina, kay Prinsesa Hajah Masha, dumalaw na ambassador-at-large ng ministri ng suliranin at kalakalang panlabas ng Brunei. Sa pagtatagpo, sinabi ni Tang na nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin at palawakin ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan at palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig para magbigay ng mas malaking ambag sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Magkakahiwalay na kinatagpo noong Biyernes sa Hanoi si Cao Gangchuan, dumalaw na ministro ng tanggulan ng Tsina ng pangkalahatang kalihim ng komite sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at ng pangulo ng bansang ito. Sinabi ni pangkalahatang kalihim Noong Duc Manh na sa panahon ng pagdalaw na ito ng delegasyong militar ng Tsina, narating ng dalawang panig ang maraming komong palagay, at lubusang pinasulong nito ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng tanggulan at tropa, at ang komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi naman ni pangulong Tran Duc Luong na ang pagpapatibay at pagpapasulong sa komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina ay matatag at pangmalayuang patakaran ng kaniyang partido at pamahalaan, at angkop rin ito sa pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Inulit din niyang nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina at kumakatig sa paninidigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan Straits. Sinabi ni Cao na nitong ilang taong nakalipas, isinagawa ng dalawang bansa ang maraming mabunga at makatotohanang gawain para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at partido. Dahil dumalaw sa Biyetnam si pangulong Hu Jintao noong isang taon, at narating nila ng mga lider ng Biyetnam ang mga mahalagang komong palagay, pumasok sa yugto ng malalim at komprehensibong pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa at partido.
|