Dumating ng Beijing noong Miyerkules si Goh Chok Tong, Senior Minister ng Singapore, para pasimulan ang kaniyang 7 araw na opisiyal na pagdalawa sa Tsina. Nakipagtapo sa kanya nang araw ring iyon si premyer Wen Jiabao ng Tsina at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga isyung pandaigdig at panrehiyong kapuwa nila pinahahalagahan.
Noong Martes, nakipagtagpo rin kay Goh si Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Sa pagtatagpo, sinabi ni Jia na nakahanda ang Tsina na magkasamang magsikap sila ng Singapore para walang tigil na mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng 2 bansa. Sinabi rin niya na nitong mga taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pagpapalitan at kooperasyon ng 2 bansa sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, siyensiya at teknolohiya, edukasyon, kultura, pagpapalagayan ng mga tauhan at iba pang larangan, naging mahalagang partner ng kalakalan sa isa't isa at sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon, lalung-lalo na sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at Asean, nagsasagawa ang 2 bansa ng mainam na koordinasyon at kooperasyon. Ipinahayag naman ni Goh na umaasa ang Singapore na sa bagong kalagayan, palalakasin ang komunikasyon at kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan at mga mahalagang isyung pandaigdig at panrehiyon. Inulit niyang nananangan ang Singapore sa patakarang isang Tsina at tinututulan nito ang pagsasarili ng Taiwan.
Sa Putrajaya ng Malaysiya, kinatagpo noong Miyerkules si Cao Gangchuan, dumalaw na ministro ng tanggulan ng Tsina, ni punong ministro Abdullah Haji Ahmad Badawi ng Malaysiya. Sa pagtatagpo, sinabi ni Badawi na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Malaysia ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan at mag-a-adhere ang kanyang bansa, tulad ng dati, sa patakarang isang Tsina. Ipinahayag din niyang ang walang tigil na pagpapatibay at pagpapaunlad ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Malaysia at Tsina ay hindi lamang angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Sinabi naman ni Cao na sa kasalukuyan, maalwan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Malaysia, madalas ang pagpapalitan ng mataas na antas ng dalawang bansa, mabunga ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, walang tigil na lumalawak ang kooperasyon sa iba't ibang larangan at pinananatili ang mainam na kooordinasyon at kooperasyon sa mga mahalagang suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Binuksan noong Miyerkules sa Nanning, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, ang kauna-unahang China-ASEAN Expo Summit for International Cooperation. Tinalakay sa summit ng halos 300 personahe na kinabibilangan ng mga namamahalang tauhan mula sa 6 na expo associations ng Malaysia, Singapore, Thailand at iba pa at mga kinatawan ng mga organo na may kinalaman sa expo industry ng 23 lunsod ng Tsina ang hinggil sa kooperasyon sa larangan ng expo industry. Tinalakay din nila ang pagbuo ng konseho ng Tsina at ASEAN sa kooperasyong pandaigdig sa expo industry bilang isang pirmihang organo para sa pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa naturang industriya. Sa kanyang talumpati noong Biyernes sa summit, ipinahayag ni Jia Guoyong, isang opisiyal ng ministri ng komersyo ng Tsina na ang lumalalim na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay nagdagdag ng bagong puwersa sa industrya ng expo. Sinabi ni Jia na nitong nakalipas na ilang taon, ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Asean ay pumasok sa bagong yugto ng komprehensibo at malalim na pag-unlad at ang paglalim ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig ay nagkakaloob ng malawak na pangangailangang pampamilihan. Ayon sa pagsasalaysay, ang kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Asean ay lumalawak mula kalakalan ng mga kalakal sa kooperasyon ng pamumuhunan at kalakalang panserbisyon at iba pang larangan, at ito ay nagkaloob ng mas malawak na espasyo sa pag-unlad ng industrya ng expo.
Pagkatapos ng pagdalaw sa Pilipinas, Brunei, Singapore at Myanmar, bumalik noong Miyerkules sa Nanning si Lu Bing, tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at ang delegasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng rehiyong ito. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo si Lu ng mga lider ng naturang apat na bansa, mga mataas na opisyal ng Asian Development Bank at namamahalang tauhan ng mga samahang komersyal. Idinaos ng delegasyon ang mga eksibisyon ng mga paninda ng Guangxi sa Pilipinas at Singapore, ang mga perya ng pamumuhunan at pagtutulungan sa naturang mga bansa at ang mga talakayan hinggil sa China-ASEAN Expo para mangalap ng palagay at mungkahi ng mga negosyante ng naturang mga bansa hinggil sa pagpapabuti ng ekspo.
|